WHEN Hestia is done doing the dishes, she immediately went to her room. Medyo inaantok na rin s'ya, sa tingin n'ya ay gumising lang s'ya para lagyan ng pagkain ang tyan n'ya.
Nang makapasok s'ya sa kwarto ay naabutan n'ya ang kanyang boss na nakahiga sa kama, topless pa rin ito at naka-boxer lang.
O tukso, layuan mo 'ko.
Napailing-iling na lang s'ya sa naisip. Ba't ba gan'to ang epekto ng lalaking ito sa kanya? Oo nga't gwapo ito at mayaman, pero para sa kanya ay hindi sapat 'yon para magustuhan n'ya ito. Gwapo at mayaman rin naman ang kaibigan n'yang si Helix, pero ni minsan ay hindi s'ya nagkagusto rito.
"Tatayo ka lang ba d'yan at tititigan ako? " nagulat s'ya nang magsalita si Ashton habang nakapikit pa rin ang mga mata nito.
"A-ano? H-hindi kita tinititigan 'no! Tsaka ano bang ginagawa mo dito? May sarili kang kwarto, diba? "
"I wanna be with you, Hestia, so please let me sleep here, beside you, " at iyon na naman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
Argh, heart! Stop it!
Hindi na lang n'ya pinansin ang binata at lumapit na lang dito. Mukhang matutulog sila ng magkatabi. Nang makalapit na s'ya ay do'n n'ya napansin na iba na ang bed sheet na nasa kama n'ya.
"Pinalitan mo? "
"Yeah, there's a blood stain on it kaya pinalitan ko, " namula s'ya sa sinabi ni Ashton. 'Yong blood stain na 'yon ang ebidensya na hindi na s'ya birhen!
Nahiga na lang s'ya sa tabi nito saka tumalikod rito. Pakiramdam n'ya kasi ay kapag nakaharap s'ya sa binata ay baka matukso s'yang halikan ito ulit.
Napasinghap s'ya nang maramdaman n'ya ang braso ni Ashton na yumakap sa kanya. Oh God! Ramdam na ramdam n'ya ang katawan nito na walang damit!
"Hestia.. " tawag sa kanya ng boss n'ya.
"Hmm? "
"Who's Helix? " napakunot-noo s'ya nang marinig ang pangalan ng kaibigan n'ya. Paano n'ya nakilala si Helix?
"Pa'no mo nakilala si Helix? "
"Sinabi mo kaya sa 'kin kanina habang umiinom tayo, " napatango-tango na lang si Hestia nang marinig ang sagot ni Ashton.
"So, who's Helix? " ulit na tanong ng boss n'ya sa kanya.
"He's my bestfriend, "
"Pa'no kayo nagkakilala? S'ya ba 'yong kausap mo kanina? Gaano kayo ka-close? Mahal mo ba s'ya? " sunod-sunod na tanong sa kanya ni Ashton dahilan para mapaharap s'ya rito.
"Kalma nga, isa lang ako o, ang dami mong tanong! Nagkakilala kami ni Helix kasi womanizer s'ya, he tried to use his charms with me, but unfortunately, he failed. Yes, s'ya 'yong kausap ko kanina, and as what I've said he's my bestfriend so sobrang close kami, as in parang magkapatid ganon, and for the last question, yes, I do love him, but as my bestfriend, "
Napatango-tango sa sagot n'ya si Ashton.
"Teka nga, ba't mo ba tinatanong? " Hestia asked.
"Ayaw ko kasing nagseselos, " and with that, Hestia felt something inside of her chest. Parang gustong kumawala ng puso n'ya, tumatalon ang puso n'ya dahil sa kasiyahan na nararamdaman n'ya.
"A-ano? " she asked, but Ashton didn't answer. Nakapikit na ang mga mata nito, at parang tulog na.
Tinulugan ako, amp.
Ginaya na lang din n'ya si Ashton, at natulog na lang din s'ya nang may ngiti sa labi.
TATLONG araw na simula nang magbakasyon silang dalawa ni Ashton sa private beach resort nito, at dahil tambak na rin sila ng gawain sa office ay hindi na sila masyadong nagdi-date. Nalungkot s'ya sa isiping 'yon, pakiramdam n'ya ay katulad nga si Ashton ng kaibigan n'ya na pagkatapos makuha ay ibabasura na lang.
Ilang araw na s'yang nago-overtime sa trabaho n'ya dahil nga sa tambak-tambak na schedule ni Ashton, pero ngayon ay hinayaan s'ya ni Ashton na umuwi nang maaga dahil may kikitain daw ito na ikinataka n'ya, wala naman kasi s'yang schedule ngayong oras kaya sino ang kikitain n'ya? Napailing-iling na lang s'ya saka inayos ang gamit saka umalis sa building. She decided to have some coffee before she go home. Simula nang makilala n'ya si Ashton ay unti-unti na n'yang nagugustuhan ang kape, si Ashton kasi ang naaalala n'ya kapag umiinom s'ya nito.
Naglakad lang s'ya papunta sa malapit na coffee shop sa building at nang makarating do'n ay agad s'yang um-order. She ordered one mocha frappe. Okay, she's really not into coffee that much as how Ashton is into it. Iinom lang s'ya ng kape kung ito ay mocha frappe, well may coffee din naman 'yon.
She also ordered cheese cake, after that, naghanap na s'ya ng mauupuan n'ya at pinili n'ya ay 'yong malapit sa may glass, para kita n'ya ang view tsaka naaalala n'ya si Ashton ro'n.
Ano ba 'yan, self, Ashton nang Ashton.
When her orders finally arrived, she ate it silently, at habang kumakain s'ya ng tahimik ay nakarinig s'ya ng pamilya na boses sa 'di kalayuan. Inilibot n'ya ang paningin sa mga table na malapit lang sa kanya, and there! She saw Ashton with another woman. Pakiramdam n'ya ay may kumurot sa kanyang puso nang makita itong nakikipagtawanan sa ibang babae. Ang babae ay maputi, mahaba ang buhok, at mapula ang labi. Gusto n'ya itong sugurin, pero pinigilan n'ya din kaagad ang sarili.
Ano ba ang karapatan kong mageskandalo, eh hindi nga kami. Ni hindi ko nga alam kung gusto n'ya rin ako.
Inubos na lang n'ya ang pagkain n'ya saka umalis sa coffee shop na 'yon. Kaya ba pinauwi s'ya nito nang maaga dahil may kikitain itong babae? Sino 'yong babaeng 'yon? Ganon ba s'ya kaimportante na imbis na yayain s'ya ni Ashton mag-date sa libreng oras na meron sila ay nakipagdate ito sa iba?
I'm right. Pareho lang si Helix at si Ashton, na pagkatapos makuha ang babae ay babalewalain na lang ito.
A/N: sorry for the grammatical errors. :< medyo lutang ako ngayon, eh. Hehe. Sana nagustuhan n'yo!! Lovelots! ♡
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...