"MAGBA-BANYO LANG AKO, " sabi ni Hestia kay Ashton nang makarating sila sa hotel room nila. She looked at her wrist watch, it's already 9:30 pm.
Hindi na n'ya hinintay ang sagot ng binata sa pagpapaalam n'yang magbabanyo s'ya dahil hindi na rin n'ya mapigilan ang sariling mapangiti. Nang makapasok s'ya sa CR ay agad n'yang binuksan ang gripong naroon at saka impit na tumili.
"Omg! Omg! That was so romantic! " mahinang pagkausap sa sarili.
"Okay, kalma, Hestia, kalma! " sabi n'ya pa at impit na namang tumili.
Paulit-ulit na nagfa-flash sa utak n'ya ang ginawa ni Ashton sa kanya sa Disneyland, and for her, that was damn romantic!
"Paano na kita iiwasan kung patuloy ka sa pagiging sweet, Ashton? " nakatingin s'ya sa salamin na nasa harap n'ya at kitang-kita n'ya ang pamumula ng kanyang mukha.
Akala n'ya kasi hindi n'ya makakasama si Ashton sa pag-nood ng fireworks display, pero nagka-mali s'ya. Hindi n'ya nga alam sa sarili kung ba't gano'n na lang kalaki ang epekto ng halik na 'yon ni Ashton, samantalang ilang beses na silang nag-halikan at kung minsan pa nga'y nauuwi sa.. alam n'yo na. Pero, ang halik kanina na pinagsaluhan nila ni Ashton ay kakaiba, sobrang iba.
May nararamdaman ka na din ba sa 'kin Ashton?
Sa halik na 'yon ni Ashton, ay nawala sa isip n'ya ang sinabi ng binata sa kanya.
Bakit gano'n, Ashton? Hindi tugma sa sinabi mo sa 'kin ang ginagawa mo?
Halo-halo ang emosyong nasa loob n'ya ngayon, gustong sumabog ng puso n'ya dahil sa sobrang saya! Hindi pa man sila nakakarating sa Eiffel Tower, ay solve na solve na s'ya sa nangyari ngayong araw.
Hay, Ashton, sana pareho tayo ng nararamdaman.
Nang matapos na n'yang kausapin ang sarili n'ya ay napagdesisyonan na n'yang mag-half bathe. Pagkatapos no'n ay lumabas s'ya at naabutang tulog si Ashton.
Napagod pa ata kita.
Nag-bihis na muna s'ya ng pantulog bago tumabi kay Ashton. At para bang alam ng binata na nando'n s'ya dahil hinapit nito ang kanyang bewang palapit sa kanya.
"I love you, Ashton. Thank you for making me happy, " saad n'ya rito saka hinalikan ang labi ng binata at mahimbing na natulog.
***
"Ashton, let's take a picture here! " sabi n'ya sa binata at natawa naman s'ya nang makitang wala itong magawa. Ashton hates selfies, na opposite naman sa kanya. At natutuwa s'ya na kahit ayaw ni Ashton ay pumapayag ito sa gusto n'ya.
"Babe, aren't you tired? Ang dami na nating picture, oh. "
"No, I'm not! Tsaka, gusto ko ng remembrance dahil paniguradong pagbalik natin sa Pilipinas ay balik-trabaho na tayong dalawa, " sagot n'ya rito. Ngumiti lang sa kanya ang binata.
"You're right, let's take a lot of pictures! "
Ngayon ay nasa Champs-Elysées sila, ang pinaka-sikat na street sa Paris, dahil na rin sa mga puno rito. Ang tawag din ng mga turista dito ay tree-lined avenue, it has been described as the most beautiful avenue in the world! Just over a mile long, a boulevard connects the Arc de Triomphe and the Place de la Concorde. It's also an avenue lined with various restaurants, boutiques, museums and night clubs.
"Pasok tayo do'n! " pag-aya ni Hestia kay Ashton at agad namang pumayag ang binata.
"Bonjour, Madame, Monsieour, " Good morning, Ma'am, Sir. Bati sa kanila ng sales lady pagkapasok nila sa boutique.
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...