Chapter Thirty Two

2.9K 47 2
                                    

HINDI mapakali si Ashton habang hinihintay si Hestia sa baba ng Eiffel Tower, it's already 5:05 PM pero wala pa ang dalaga.

"Sisiputin ka no'n, okay? " sabi sa kanya ni Helix, ang bestfriend ng babaeng mahal n'ya. Kinuntsaba n'ya ito para sa planong gagawin n'ya at kahit ayaw n'ya ay inutusan n'ya itong samahan si Hestia for a day. Ilang beses n'yang pinaalalahanan ito na 'wag gagawa ng kung ano, kung hindi ay hindi na ito sisikatan pa ng araw.

Maya-maya pa ay dumating na ang isang itim na kotse at iniluwa noon ang kanyang pinakamamahal na si Hestia. Nawala ang lahat ng kaba na nararamdaman n'ya nang makita ito.

Damn, woman! You look so perfect with that dress!

"Laway mo, tumutulo.. " natatawang sambit sa kanya ni Hestia. Sinimangutan naman n'ya ito.

"Funny, " sarkastikong sagot n'ya. Natawa naman sa kanya ang dalaga.

"Ano na naman bang pakulo 'to, Mr. Monteverde? " tanong nito sa kanya. He just gave her a smile at in-offer ang braso n'ya na agad namang tinanggap ni Hestia. Sumakay na sila ng elevator papunta sa itaas na bahagi ng Eiffel Tower kung saan s'ya nagpa-reserve ng restaurant para sa kanilang dalawa.

Nang makarating na sila doon ay agad tumugtog ang violin na parte ng reservation n'ya dito sa restaurant.

"Papà! " gulat na wika ni Hestia, napangiti naman s'ya. Tiningnan s'ya ng dalaga na para bang tinatanong s'ya nito kung ba't nandito ang magulang n'ya.

"I invited him, kasama ang parents ko," sagot n'ya. Tumango naman si Hestia saka nilapitan ang ama.

"I'm so happy for you, Hestia. I'm sorry for being selfish, I love you, my daughter, always remember that, " sambit ng Papá ng dalaga.

"Aw, I love you, too, Papá, " sagot naman ni Hestia.

"Shall I dance my daughter, Ashton? "

"Of course, Tito, " binigay naman ni Ashton ang braso ni Hestia sa ama nito.

"No, call me Papá from now on, "

"Okay po, Papá, " nagsimula nang mag-sayaw ang mag-ama habang s'ya naman ay naupo kasama ang mga magulang n'ya.

"I'm so proud of you, son, " wika ng kanyang ama saka tinapik ang balikat n'ya.

"Ikakasal na ang baby boy ko, " maluha-luhang sambit naman ng kanyang ina na ikinatawa n'ya.

"I'm always be your baby boy, Mom, " ngumiti sa kanya ang Ginang saka s'ya nito niyakap.

"I don't you to be my baby boy na, I want little Ashton or little Hestia after the wedding, okay? " natawa naman s'ya sa winika ng kanyang ina.

"That fast, Mom? "

"Sus, kunwari ka pa, alam ko naman na.. " wika muli ng kanyang ina saka s'ya binigyan ng pilyang ngiti. Namula naman ang pisngi n'ya dahil dito.

Ang tinutukoy ng Ginang ay ang pagtatalik nilang dalawa ni Hestia.

"Mom! " parang batang saway n'ya sa Mama n'ya.

"Bro, isasayaw ko lang din si Hestia ah? " tumingin naman s'ya sa nag-salita at nakita n'yang si Helix 'yon.

"Sure. Ayusin mo lang ah, kundi.. "

"Oo na, hindi na ako sisikatan ng araw kapag may ginawa akong hindi maganda, " natatawang sagot ni Helix saka lumapit kay Hestia at sinayaw ito.

Nang matapos na ang tugtog ng violin ay s'ya naman ang nag-sayaw kay Hestia.

"Tell me, Ashton, para saan ba talaga 'to? Magpo-propose ka na ba? " natatawang tanong sa kanya ng dalaga ngunit agad namang nawala 'yon nang tumango s'ya.

"Magpo-propose ka? " Hestia asked once again.

"Yep. I planned all of these. 'Yong araw na dinala ka sa Spain, 'yon sana ang araw na susurpresahin kita dito sa Eiffel Tower, pero siguro nga hindi pa 'yon ang tamang oras.. "

"Akala ko, hindi na tayo magkikita dahil nga sa sinabi mong ikakasal ka na, pero hindi naman natin akalain pareho na tayong dalawa pala ang ikakasal sa isa't-isa, corny man pakinggan pero naniniwala akong tayo talaga 'yong para sa isa't-isa, Hestia.. " sambit n'ya sa dalaga habang nakatitig sa mga mata nito. He immediately wiped her tears nang makita n'yang may lumandas na luha galing sa mata nito.

"Why are you crying, my love? "

"Eh kasi, ikaw! Sabi mo no'ng una, hindi mo 'ko gusto, tas pangalawa sabi mo ayaw mo 'kong pakasalan! " naiiyak na wika sa kanya ng dalaga.

"Listen, beautiful, I don't like you, because I love you.. so damn much. At, pangalawa, kaya ko sinabing ayaw na kitang pakasalan ay dahil ayaw kong ikasal sa 'yo because of business matter. Gusto kong ikasal sa 'yo dahil mahal kita, at hindi para lang sa business. Gusto kong mag-laan ng oras at effort sa 'yo, Hes, kasi deserve mo 'yon. Sobrang thankful ako kasi dumating ka sa buhay ko, I love you, Hestia Garcia.. " saad n'ya saka lumuhod sa harap ng dalaga. ".. and because I love you, I want you to be part of my life. I want to see your face first every morning. I want to hug you before I sleep. I want you to be always here beside me, every minute of every day. Papayagan mo ba ako? Are you willing to spend the rest of your life with me? Are you willing to be my Mrs. Monteverde? "

HESTIA can't help herself from crying after hearing those words from Ashton. She didn't expected this to happen. No'ng una ay nagbibiro lang s'ya sa tanong n'ya sa binata kung magpo-propose na ito at hindi n'ya akalaing tatango ito sa kanya bilang sagot.

"Yes, I will! I will spend my life with you, Ashton! " masayang sagot n'ya habang naglalandas pa rin ang mga luha n'ya sa kanyang pisngi.

"Really? " hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng binata.

"Yes! " agad namang isinuot sa kanya ng binata ang isang napakagandang singsing saka tumayo at niyakap s'ya.

"I can't believe this, Hestia! I love you, beautiful! I love you so much, " wika ng binata sa kanya saka pinaulanan ng halik ang labi n'ya.

"I love you, too, Ashton, I love you so much. " sagot n'ya saka hinalikan din ito, pinalalim naman 'yon ni Ashton. They kissed each other for thirty second until someone interrupted them.

"I don't want to interrupt your intimate moment with each other, but, please, get a room first, " namula naman s'ya sa sinabi ng bestftiend n'yang si Helix. Tiningnan n'ya ang paligid at nakatitig sa kanila ang magulang ni Ashton, pati na rin ang Papá n'ya.

"Sorry.. " tanging nasabi n'ya lang saka alanganing ngumiti sa mga matanda.

"It's okay, dear, o s'ya, let's eat para naman makagawa na kayo ng mga apo namin, " sambit ng ina ni Ashton, dahilan para lalo pa s'yang mamula. Napansin naman 'yon ni Ashton.

"Mom! " nagtawanan na lang sila dahil sa inasta nito.

Oh God! I'm so happy I'm getting married with the man I love. I escaped from Spain because I don't want to marry a stranger, and because of that, I met the man that I want to spend the rest of my life with. I couldn't ask for more.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon