KASALUKUYANG naghi-hintay si Hestia sa kwarto nila, it's already 6:55 pm, nakasuot s'ya ng isang sopistikadang damit at hapit na hapit ito sa katawan n'ya. Isa 'yon sa binili sa kanya ni Ashton no'ng nakaraang araw.
Nasa harap lang s'ya ng salamin at tinitingnan kung ayos na ba ang itsura n'ya, she don't want to disappoint Ashton, gusto n'yang maganda pa rin s'ya sa paningin nito. She looked at her wrist watch once again, and it's 6:59 pm. A minute has passed, someone knocked on their door.
Maybe, it's Ashton!
Ngunit, nadismaya s'ya nang hindi si Ashton ang nakita n'ya. Hindi n'ya kilala ang lalaking 'to, kaya naman tinitigan n'ya lang ito.
"Señorita Hestia, el Sr. García me ordenó encontrarla y llevarla de regreso a España. " nagulat s'ya dahil sa sinabi nito. Miss Hestia, Mr. García ordered me to find you and bring you back to Spain.
"No voy contigo! " I'm not going with you!
Saka n'ya ito pinagsarhan ng pinto. Ni-lock n'ya 'yon saka tinawagan si Ashton.
"Answer the call, please! Please, Ashton.. " pagsusumamo n'ya kahit ring pa lang ang naririnig n'ya sa kabilang linya. Hindi sumagot si Ashton kaya tinawagan n'ya itong muli, and finally! Ashton answered her call.
"Ashton! Where are you? I need your help, please. " bungad n'ya sa binata.
"What? Wait, what's the problem, babe? " bakas sa boses ng binata ang pag-aalala.
Hindi naman mapakali si Hestia sa loob ng silid dahil katok pa rin nang katok ang lalaki kanina.
"Just please, go here. Please, Ashton. " naiiyak n'yang sambit saka binaba ang cellphone.
"Abra la puerta, señorita Hestia. " rinig n'yang wika ng lalaki sa labas. Open the door, Miss Hestia.
"Hindi ko bubuksan ang pinto! Punyeta kayo! " alam naman n'yang hindi 'yon maiintindihan ng lalaki dahil tagalog 'yon.
Maya-maya pa ay tumigil na rin ang kakakatok at ang pag-sigaw ng lalaki sa labas.
Siguro, hinuli na 'yon ng mga guards dito sa Hotel.
Nag-hintay s'ya ng sampung minuto bago lumabas, at 'yon ang pinagsisisihan n'ya.
"Lo siento, señorita Hestia, pero tenemos que hacer esto. " 'yon ang huling salita na narinig n'ya bago nito takpan ang kanyang ilong at bago pa s'ya nawalan ng malay.
Ashton..
THE moment that Ashton received that call from Hestia, he immediately get inside the limousine and went straight to the Hotel where they are staying. He doesn't know what's happening, the only thing he knew was Hestia, begging him to help her.
Ano bang nangyayari, Hes?
Nagpahanda pa s'ya ng dinner date sa Eiffel Tower para sa kanilang dalawa ni Hestia, ngunit mukhang hindi na matutuloy 'yon. Fifteen minutes had passed when he arrived at the Hotel, but when he got at their Hotel Room, it's too late. There's no Hestia inside the room.
Kinausap n'ya ang mga staff sa Hotel na tinutuluyan nila, pero wala daw silang alam sa nangyari, paanong nangyari 'yon?
Paano s'ya babalik ng Pilipinas nang wala si Hestia sa tabi n'ya? Kung alam lang n'yang ganito ang mangyayari ay hindi na lamang n'ya sana iniwan ang dalaga. Sana ginawa na lang n'yang simple ang pagtatapat ng nararamdaman n'ya sa kanyang sekretarya, edi sana hindi ito nangyari sa kanya.
It's all my fault, babe, I'm sorry.
Matapos n'yang kausapin ang mga staff ng Hotel ay bumalik na s'ya sa Hotel Room saka naupo sa higaan nila.
"Where are you, Hes? " bakas ang pagkalumo sa kanyang boses. A tear escaped from his eyes, he immediately wiped it off.
Nanatili s'yang nakaupo sa kama nang biglang tumunog ang cellphone n'ya. He looked at it, and it is a text from Hestia.
From: My Beautiful Babe
I'm sorry, Ashton, we're over.
He felt like his heart shattered into pieces. Agad n'yang tinawagan ang number na 'yon at natuwa naman s'ya nang sagutin ito ni Hestia, but the voice who answered him was not a voice of Hestia nor a woman.
"Hello, Mister? " it's a voice of a man.
"Where the hell is Hestia?! " galit na sigaw n'ya rito. Nagkukumuyos na naman ang selos sa kanyang puso. Bakit may kasamang lalaki si Hestia? Bakit nasa kanya ang cellphone nito?
"She's sleeping here, beside me. " mas lalo pa s'yang nagalit dahil sa sinabi nito.
"Fuck you! Where the hell is she?! " narinig n'yang tumawa ang lalaki sa kabilang linya.
"Like what I've said, she's sleeping here beside me. " magsasalita pa sana s'ya ngunit natapos na ang tawag. Sinubukan n'ya itong tawagan ulit, ngunit hindi na ito sinasagot pa.
"Damn it! "
He planned this day carefully, to confess his love for his secretary, pero ito lang ang mapapala n'ya?
Bakit mo 'ko tinawagan kanina, Hestia? Dahil ba hindi ako nakarating agad at tumawag ka ng iba para kuhanin ka dito sa Hotel? S'ya ba 'yong Helix? Bakit hindi mo 'ko nahintay?
Ang daming tanong sa kanyang utak, pero wala si Hestia para sagutin ang nga 'yon. At kung ano man ang paliwanag ni Hestia sa kanya ay wala na s'yang pake, sarado ang kanyang utak para sa sasabihin ng dalaga. Nagpadala s'ya ng alak sa mga staff at do'n sa kwartong 'yon ay nilunod n'ya ang kanyang sarili sa alak.
Hindi n'ya alam kung nakakailang bote na s'ya, ang alam lang n'ya ay nasasaktan s'ya.
"Bakit ngayon pa, Hes?! " sigaw n'ya saka tumungga ulit ng alak.
"Bakit ngayon pang mahal na mahal na kita?! "
Hindi n'ya namalayang umiiyak na pala s'ya, ngunit wala s'yang pake.
"Alam kong may nararamdaman ka din sa 'kin, eh. Ramdam ko na. Pero, bakit sumama ka sa iba?! "
"Tanginang pag-ibig 'to! Ano bang dulot nito sa mundo, ha?! Minsan na nga lang mag-mahal, tapos ganto pa 'yong kapalit! Punyemas naman oh! "
Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo s'ya at nag-lakad papunta sa kama nila ni Hestia.
"You're sleeping beside someone? Bakit? Hindi ba ako sapat? "
Para s'yang baliw na kinakausap ang unan na ginamit ni Hestia. Naalala naman n'ya bigla ang nangyari sa kanila kaninang tanghali, dahilan para malungkot pa s'ya lalo.
"Maybe for you, that was just sex, but for me, it's.. it's make love.. because.. I love you, Hestia.. "
I love you, Hestia. I love you so much. Je t'aime, mon amour.
BINABASA MO ANG
His Secretary
عاطفيةIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...