Chapter Two

5.3K 112 1
                                    

CHAPTER TWO.

"HELIX, gising! " pag-gising ni Hestia sa binata.

Sa sofa natulog ang binata, habang s'ya naman ay natulog sa kwarto nito.

"Hmmm.. " eto lang ang naging sagot nito sa kanya.

"Gising na ba! Hays. Te cansas de despertarte, " nakakapagod kang gisingin.

"'Wag mo 'kong maespanyol espanyol d'yan ha. Ang aga-aga pa, nanggigising ka na, " masungit na sambit ni Helix sa kanya.

"Anong maaga? Hoy! Para sa kaalaman mo, alas siete! 'Tsaka, wala ng laman na pagkain ang refrigerator mo! Tara at maggo-grocery tayo, sagot ko, "

Agad-agad namang tumayo ang binata.

"O sige, hintayin mo 'ko, maliligo lang ako. Minsan ka lang manlibre, eh, "

"Velocidad! " pahabol na sigaw n'ya bago pa tuluyang makapasok ang kaibigan sa banyo. Velocidad = Bilis.







"ANO bang mga kailangan do'n sa bahay mo? " tanong ni Hestia kay Helix. Nasa grocery na sila ngayon at tulak-tulak ang push cart na kinuha nila.

"Hmmm, wala ng gatas do'n, " napatawa s'ya nang mahina.

"De verdad, Helix? Gatas talaga? " napatanga lang sa kanya ang kaibigan at mukhang hindi s'ya nito naintindihan. She chuckled.

"I mean, really Helix? Gatas talaga? " ulit nito ngunit mas naiintindihan na.

"Ahh. Oo, anong pake mo kung gatas ang gusto ko? Pangpatibay ng buto 'yon 'no, alam mo na, kapag.. " lumapit ito sa tenga n'ya ".. may makakatalik ako, " saka eto tumawa nang malakas.

"Napaka-playboy mo talaga! Hay nako, Helix, kung ako sa'yo ay magseryoso ka na, para naman matagpuan mo na ang iyong Miss Right, "

"Ang corny mo, Hestia. Alam mo, 'yang love na 'yan, paglalaruan ka lang n'yan, kaya mas mabuti nang hindi ma-inlove, " saka s'ya nito iniwan habang tulak-tulak ang push cart.

Napaka-bitter talaga ng lalaking 'yon. Hmp!







NASA counter na silang dalawa ngayon, at sila na ang susunod kaya naman nilabas na ni Hestia ang card n'ya.

"Next customer, please, " wika ng cashier. Inilagay naman ni Helix ang mga pinamili nila saka ito ini-scan ng babae.

"2,456.90 po, Ma'am, " agad naman n'yang inabot ang card n'ya, ngunit humarap ulit sa kanya ang cashier.

"Ah, Ma'am, sabi po dito ay can't access your card daw po, " napakunot ang noo n'ya.

Paano nangyari 'yon?

"Ah, Miss, p'wedeng paulit? " nginitian lang s'ya ng babae saka ini-slide ulit ang card n'ya.

"Gano'n pa rin po, Ma'am, eh. Wala po ba kayong cash d'yan? "

"Mierda! " shit.

"Wala pa eh, 'di pa kasi ako nakakapunta sa money changer.. " sagot n'ya. Binalingan naman n'ya ng tingin si Helix, at busy ito sa kakadutdot sa cellphone n'ya.

"Helix? P'wedeng sagutin mo muna 'to? Promise, I'll pay you. Access denied kasi, eh, "

"Siguraduhin mo lang na babayaran mo 'ko, Hestia ha, " saka ito naglabas ng tatlong libo sa wallet. Nakahinga naman s'ya nang maluwag. Mabuti na lang at sinama n'ya ang kaibigan, kung hindi ay mapapahiya s'ya dahil wala s'yang cash.

Nang mailagay na sa box ang pinamili nila ay agad na rin silang umalis sa grocery.

"Ba't kaya hindi ma-access ang card ko? " nagtatakang tanong n'ya.

"Baka finreeze ni Tito Nico? " sambit naman ni Helix.

Shit. 'Wag naman sana.

"Kung gano'n, wala s'yang karapatang gawin 'yon! That's my fucking money! " napapadyak na lang s'ya sa inis.

"Bunganga mo, " saway sa kanya ni Helix.

"Eh kasi naman! " parang bata na wika n'ya.

"Hayaan mo, may cash ka pa naman diba? "

"Meron pa, pero 'di ko alam kung kakasya ba 'yon, hays, " nanlulumo s'yang pumasok sa kotse ni Helix nang makarating sila sa parking lot.

"Pauutangin na lang kita, " sabi ni Helix.

"Thanks, but no thanks. Magtatrabaho na lang ako. Nakakainis kasi Papa eh! "

"Ano ka ba? Para na kitang kapatid, p'wede kitang pautangin, "

"Hays, gusto ko pagtatrabahuan ko 'yong pera na gagastusin ko. Tsaka, para may pagkaabalahan din ang pag-stay ko dito sa Philippines, "

"Sige, ikaw ang bahala, " sabi ng binata saka pinaandar ang sasakyan.

Mabilis silang nakarating sa bahay ng kaibigan. Nagtungo s'ya kaagad sa kwarto. Nandon kasi ang mga gamit n'ya. Tiningnan n'ya kung magkano ang cash na meron s'ya.

100 Euro. Magkano kaya ang halaga nito kapag kinonvert sa Philippine Peso?

Bumaba agad si Hestia saka nagtungo sa lugar ni Helix. Nasa kusina ito habang inaayos ang mga pinamili nila.

"Magkano ang 100 Euro kapag kinonvert sa Philippine Peso? "

"Mukha ba akong money changer, Hestia? " naiiritang tanong sa kanya ni Helix.

"Nagbabakasali lang ako kung alam mo, " she said as she rolled her eyes at him.

"Pahiram ako ng kotse mo, magpapapalit ako ng pera, at baka matagalan ako kasi maghahanap na din ako ng trabaho, "

"Hestia.. "

"Hep-hep! Oo na, p'wede mo 'kong pautangin, pero Helix, ayaw naman kitang maistorbo, okay? Magtatrabaho ako, sige na, akin na ang susi ng kotse mo, "

"Here, magiingat ka, okay? " sabi ni Helix saka inabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

"Okay. Thanks! " sabi nito saka hinalikan ang kaibigan sa pisngi at nagtungo sa kotse.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon