IT'S been a week since I arrived here in the Philippines, at tatlong araw na akong naga-apply pero wala pa rin akong trabaho. Kasalukuyan s'yang nakaharap sa laptop n'ya at naghahanap pa rin ng mga pwedeng trabaho sa kanya. Hindi n'ya alam kung ba't wala pang natawag sa kanya, may degree naman s'ya, hay.
Habang naghahanap s'ya ng papasukan ay may isang kumpanya ang umagaw sa atensyon n'ya.
AshBerg Breweries Inc.
Hmmm, mukhang maganda at pagawaan din ito ng alak kagaya ng kumpanya nila sa Spain. Nang makita n'yang hiring ito para sa posisyon na secretary sa CEO nito ay agad na s'yang nagpasa ng resumé sa nakalagay na email address.
Makakapasa kaya s'ya? Nakita n'ya kasing isa itong malaking kumpanya at talaga kilala dito sa bansa. Parang Filipino version ng kumpanya nila sa Spain.
Pagkatapos no'n ay nagtungo s'ya sa kusina. S'ya lang mag-isa ngayon sa bahay dahil may inasikaso ang kaibigan n'yang kumag.
If I know, mambababae lang 'yon.
Ilang beses na n'yang sinabihan ang kaibigan na tumigil na sa kakahanap ng babae, pero hindi ito nakinig sa kanya. Naaawa na rin kasi s'ya sa mga babaeng naghahabol rito, para naman kasi n'yang ginawang laruan ang mga babae. Aakitin n'ya at kapag nakuha na n'ya ito, he will crush their heart into pieces. She's also concern about Helix kasi twenty-nine years old na ito, hindi na s'ya bata para mangchix lang nang mangchix. Pero, naniniwala naman s'yang darating din ang babaeng magpapatino sa kaibigan.
MINUTES had passed at tumunog ang cellphone n'ya. Agad n'yang kinuha ito saka sinagot.
"Good afternoon, is this Miss Hestia Garcia? " bati sa kanya ng malambing na boses sa kabilang linya. Nilunok muna n'ya ang kinakain na tinapay bago sumagot.
"Ah, yes, it's me, Hestia Garcia, "
"Oh okay. I want to inform you that you are hired on AshBerg Breweries Incorporation, may I know if when are you willing to start? " nakagat n'ya ang ibabang labi n'ya sa narinig. OMG!
"I'm willing to start tomorrow, Ma'am! " masayang sagot n'ya.
"Okay, good, I'll text you other details later, thank you, " at naputol na ang tawag.
"Aaaaaahhhhhh!!! Yes! May trabaho na ako! " masayang sigaw n'ya sa loob ng bahay saka nagtatatalon.
Agad din iyong naputol ng mapagtanto n'yang hindi man lang s'ya in-interview. Nagpasa lang s'ya ng resumé ay tanggap na agad s'ya? Baka naman pinagtitripan lang s'ya? But, this is not the right to doubt. Ang mahalaga ay magkakatrabaho na s'ya.
Kaya pala hindi s'ya tinatawagan ng ibang kumpanya na in-applyan n'ya dahil may nakalaan na mas maganda sa kanya.
I'm so excited!
HINDI mapatigil ang pag-ngiti ni Hestia dahil sa nangyari ngayong araw. Excited na s'yang maging sekretarya ng boss n'ya, sana naman ay mabait ito.
"Wow! Ang daming pagkain ah, anong meron? " tanong ng lalaking pumasok sa bahay at nakita n'yang ang kaibigan n'ya 'yon.
"Bibitayin ka na dahil sa pagiging babaero mo, " biro n'ya rito.
"Ewan ko sa'yo, Hestia. So, anong meron? Ba't ang daming pagkain? Tsaka, parang good mood na good mood ka ah? Okay na ba kayo ni Tito Nico? " sunod-sunod na tanong ng binata saka umupo.
"P'wede kalma? Okay. May pag ganito ako kasi, magkakatrabaho na ako! " masayang wika n'ya rito.
"Really? Sa wakas mababayaran mo na ako sa mga utang mo! " alam n'ya namang nagbibiro lang ang binata.
"Sira ka talaga, Helix, "
"So, kelan ang start mo? Tsaka saan? " tanong nito habang kumakain na ng paa ng manok na niluto n'ya.
"Bukas, sa AshBerg Breweries Incorporation, " nakangiting sagot n'ya.
"Wow, malaking kumpanya 'yon ah? Anong work mo? "
"Yes, malaking kumpanya kaya sobrang saya ko. I will work there as a secretary of their CEO, "
"Naks naman, 'yong dating CEO magwowork as a secretary of a CEO, " sambit ni Helix habang kumakain pa rin.
"Ahm, Helix, "
"Ano? "
"May favor sana ako, "
"Anong favor? "
"Kung p'wede sana 'wag mong sasabihin kay Papa na nagtatrabaho na ako, "
"Ba't naman? Ayaw mo no'n, malalaman n'ya kung gaano ka ka-determinadong hindi sundin ang gusto n'ya, "
"Basta, ayoko lang ipaalam. Please? "
"Okay, malakas ka sa 'kin, eh, " sabi ni Helix saka kumindat sa kanya.
"Yiee, thank you, bestfriend! " sambit n'ya kay Helix saka ito niyakap.
Agad na s'yang umakyat pagkatapos n'yang linisin ang lababo at naghanda na para sa trabaho n'ya bukas.
MAAGA s'yang nagising para paghandaan ang trabaho n'ya ngayong araw. She's more than excited. Nagsuot s'ya ng red dress at red stilleto shoes. Mahilig s'ya sa kulay pula dahil pakiramdam n'ya ay sexy s'ya sa kulay na ito.
"Hestia, gising ka na ba? " rinig n'yang tawag ni Helix sa kanya.
"Yes, kanina pa, palabas na ako, " sagot n'ya saka kinuha ang black bag n'ya.
"Alam mo, mas mukha kang CEO kesa secretary, " ani ng kaibigan n'ya.
"Ganon ba? " napatango na lang sa kanya ang kaibigan. Nag-insist ang kaibigan n'ya kagabi na ihatid s'ya sa kumpanyang papasukan n'ya at sino naman s'ya para tumanggi diba?
Sumakay na s'ya sa kotse at hindi rin nagtagal ay gumayak na sila. Halos twenty minutes din ang byahe nila dahil na rin sa traffic. Nang makarating na sil sa building ay agad na s'yang bumaba.
"Goodluck on your first day of being a secretary, hermosa, " napangiti naman s'ya sa kaibigan.
"Thank you, " naglakad na s'ya papasok sa building. Inaamin n'yang kinakabahan s'ya dahil unang araw n'ya ngayon.
Nagpa-assist s'ya sa mga naroon at ginuide naman s'ya ng mga ito. Nang makarating na sila ng nagga-guide sa kanya sa isang malaking office ay kumatok na ang babaeng nagdala sa kanya roon. Pinauna n'yang pumasok ang babae hanggang sa papasukin na rin s'ya nito.
Halos matumba s'ya nang makita kung sino ang lalaking nakaupo sa swivel chair.
"I-ikaw? "
A/N: eto na ang simula awieee ~
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...