"PAPA! No puedo hacer lo que pides! " singhal ni Hestia sa kanyang ama. Hindi ko magagawa ang gusto mo."Hestia, por favor, " pagsusumamo naman nito. Hestia, please.
"No, Papa! I can't marry a stranger! That's insane! " puno ng frustration na pagkakasabi muli nito.
"That's why you and the man you will marry will get to know each other, c'mon, Hestia, "
"C'mon, too, Papa! I'm 27 years old, I'm not a baby anymore, I should be the one who will decide on my own, "
"Hestia, marrying that man will help our company to grow, don't you like that? "
"Papa, our company is the most popular beer company here in Spain, ano pa bang gusto mo? Hindi ka pa ba kuntento sa kung anong narating ng kumpanya natin? "
Nakakaintindi ang ama n'ya ng Filipino, ngunit hindi nito kayang bumigkas ng nasabing wika.
Hindi na nakaimik ang ama nito kaya naman inihanda na n'ya ang sarili n'ya sa pag-alis.
"Dalawang taon mo na akong pinipilit tungkol sa bagay na 'yan, Papa, akala ko naman ay napag-usapan na natin 'yan noon, " bumuntong hininga ito dahil sa pagka-dismaya.
"For seven years, halos maubos na ako sa kakatrabaho para lang maging maayos ang kumpanya natin, at ngayong tayo na ang kinikilalang pinakamalaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak ay hindi pa rin kayo kuntento? " maluha-luha aniya. "If that's the case, Papa, I'll leave Spain. Babalik lang ako kapag hindi n'yo na ako kinulit pa tungkol sa pagpapakasal sa isang estranghero, " 'yon ang huling kataga na binitawan ni Hestia bago nito lisanin ang opisina ng kanyang ama dito sa kanilang kumpanya.
Garcia Brewing Company
That's the name of their company, iniisip n'ya pa lang na lilisanin n'ya ito ay parang dinudurog na ang puso n'ya. Katulad nga ng sinabi n'ya, pitong taon n'yang inalay ang buong buhay n'ya para lang mapunta sa tuktok ang kumpanyang pinaghirapan ng kan'yang ama, ngunit parang hindi pa rin ito kuntento sa kung anong narating at nararating ng kumpanya nila.
Nang makarating s'ya sa parking lot ay agad n'yang pinuntahan ang kanyang sasakyan at saka nag-maneho patungo sa bahay n'ya. Sampung minuto ang lumipas ay nakarating na s'ya agad doon.
Hindi gano'n kalaki ang bahay na meron s'ya, tutal s'ya lang naman mag-isa ang nakatira dito. Wala din s'yang katulong dahil kaya naman n'yang linisin ang kanyang bahay at naniniwala s'yang dagdag gastos lang iyon.
Agad s'yang nagtungo sa kanyang kwarto at nag-impake ng mga damit. Pagkatapos n'yang mag-impake ay tinawagan n'ya ang kaibigan n'ya sa Pilipinas.
Si Helix Mendoza, ang may-ari naman ng isang kilalang Coffee Shop sa bansa.
"Yo, Hestia.. uhmmm.. " nailayo naman n'ya ang cellphone sa kanyang tenga ng marinig ang malakas na ungol ng kaibigan.
Paniguradong nakikipagtalik na naman ito sa kanyang babae ngayon.
Hay nako, ang lalaki talaga na 'yon!
"Wrong timing ba ako? " she chuckled after she said that.
"N-not really, so, ba't ka ba napatawag? " rinig na rinig pa n'ya sa kabilang linya ang sunod-sunod na pag-hinga nito.
Jeez. That womanizer!
"Magpapasundo sana ako sa private plane mo, ayos lang ba? Pupunta kasi ako riyan sa Pilipinas, " sagot n'ya.
"Really?! Sige sige, ipapasundo na kita sa private plane ko dyan sa Spain, text me when you're already here, " at saka nito pinatay ang tawag. Hmp. Hindi ko alam kung excited ba si Helix dahil uuwi ito roon sa Pilipinas o ano, eh.
Hinintay na lang n'ya ang text ni Helix sa kanya kung saan s'ya susunduin ng private plane nito. As soon as she received a text from him ay agad na s'yang nag-maneho papunta sa lugar na nasabi sa text.
AS soon as she arrived at the said place ay nakita na n'ya ang private plane ng kaibigan. Napangiti naman s'ya roon. Marahil wala si Helix sa plane dahil busy pa ito sa pakikipag-sex sa ibang babae. Napairap na lang s'ya dahil do'n.
Hindi n'ya alam kung ba't 'di na s'ya nasanay sa kaibigan. Lagi pa rin s'yang nandidiri kapag nalalaman n'yang nakikipagtalik ito sa ibang babae.
Tinigil na n'ya ang pag-iisip sa kaibigan at agad na sumakay sa plane. Nagsimula nang umandar ang private plane, at mapait naman s'yang napangiti nang sumagi sa isipan n'ya ang kanyang ama at ang diskusyon nila kanina.
"Perdoname, Papa, " patawarin mo ako, Papa.
'Yan na lang ang huli n'yang nasambit bago pa s'ya makatulog.
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...