Chapter 2

20 1 1
                                    

Pysche's POV

What the freakin' hell! Pagkamulat ko ng mata ko may nakita akong tumatakbong lalaki na may bitbit na DSLR. At mukhang pinicturan pa kami netong bwisit kong kasama! Dapat kasi umalis nako kanina pa! At tong ugok na to, nagawa pang matulog! Aish! Bwiset talaga, oo!

Napatayo na lang ako at bumalik sa classroom. Nakakabwisit talaga.

"Haba ng mukha mo. Nyare?" Pambungad na tanong sakin ni Tamara. Umiling na lang ako at umupo sa tabi niya.

"Pumunta kanina dito sina Tom. Hinahanap ka." Sagot niya. Napatingin ako agad sa kanya.

"Bakit daw, Tammy?" Tanong ko. Napangiti naman ang gaga sa pagtawag ko sa kanya ng Tammy. Tss.

"Yiiieee! Tinawag na niya akong Tammy! Hindi na siya naiinis!" Tuwang tuwa niyang sabi sabay sundot sakin.

"Baliw." Mahinang bulong ko pero dinig naman niya. Humagalpak na lang siya sa tawa. Seriously, hindi ko alam kung pano ko naging bestfriend tong may saltik na to.

"Sabihin mo na kung anong sinabi nila Tom." Inip kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya at tumingin sakin ng nakangiti.

"Punta ka raw sa music room after class. Hihintayin ka raw nila Andrew, Harrison at Tom."

Totoo kaya ito? Waaaaaa! Sila Tom kasi ang pinakasikat na banda dito sa school. Naghahanap kasi sila ng female vocalist at dahil mahal ko ang musika, sumali alo sa audition. At akalain niyo yun? Nakuha ako!

"Lawak ng ngiti ah. Pwede bang sumama, Psyche? Para makita ko naman si Papa Andrew!" Kinikikilig na sabi ni Tammy. Isa talaga siyang echoserang palaka. Gwapo rin naman kasi sina Andrew, Tom at Harrison. Pero si Max pa rin ang hari. Daw. Okay? Daw yan. Wala akong pake sa mga mukha nila.

"Heh! Di pwede. Baka magdalawang isip silang kunin ako pag may boses palaka akong kasama." Sagot ko sa kanya.

"Waaaaaaaaahhhh! Ang bad mo, Psyche! Huhuhuhu! Gusto mo lang solohin yung tatlong fafa e!" Singhal niya sabay palo sa braso ko. Ah ewan. Baliw.

"Anhin ko naman yung tatlong yun, Tammy? Tsaka wag mo mgakong paluin! Ang sakit kaya!" Saway ko sa kanya.

"Psyche..."

Napalingon kami ng bestfriend kong baliw sa nagsalita.

"M-maxwell." Nauutal na sabi ni Tammy. Seriously? Nauutal siya kay Maxwell?!

"Bakit mo naman ako iniwan don kanina, Psyche? Kinawawa ako ng mga babae don." Sabi niya sabay upo sa harap namin. Kaklase namin siya pero ewan ko ba kung bakit nauutal si Tammy sa kanya. Inirapan ko na lang likod niya na siya ng nakaharap sakin at hinarap ang baliw kong kaibigan. Di naman siya nauutal dati kay Max e. Matanong nga.

"Hoy Tammy. Tinamaan ka na ba kay Max? Bakit nauutal ka kanina?" Tanong ko sa kanya. Unti-unting lumaki ang chinita niyang mga mata.

"Bulag ka ba, Psyche?! Puro galos si Maxwell!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang mga braso ni Max at oo nga. Tumayo ako at humarap sa kanya pero nakayuko lang siya. Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang ulo niya para makita ko ang mukha niya. Nung nagsalubong ang mga mata namin, nag-iwas siya agad ng tingin.

I felt a sudden pang of guilt. Alam ko namang pinagkakaguluhan  si Max e. Pero pag nakikita kasi nilang magkasama kami, di sila nanggugulo kasi nga masungit ako. Natatakot sila sa akin. Kaya siguro buntot ng buntot sakin tong ugok na to para iwas gulo. Dapat pala hinila ko na siya kanina e. Tss.

"Halika nga." Sabi ko sabay hila sa kanya. Dadalhin ko na lang siya sa clinic.

Habang naglalakad kami, nakatingin silang lahat samin. Bakit? E hawak ko lang naman sa wrist si Maxwell na heart throb at ang dami niyang galos. Akala yata nila e nirape ko to sa itsura niya.

"Bitawan mo nako, Psyche. Alam ko namang wala kang pake sakin." Bulong ni Max pero dinig na dinig ko.

"Ano ka? Pa-appeal to pity? Tigil tigilan moko Maxwell Orion. Dadalhin kita sa clinic." Matigas kong sabi.

"Diba wala ka naman talagang pake sakin? E ano ngayon kung nagkagalos ako? Kahit yata mamatay ako sa harapan mo, wala pa rin e. Kung di pa sinabi ni Tamara, di mo pa makikita tong mga galos ko." Malungkot na saad niya.

This is not me. Kelan pako nagkaroon ng pake sa iba?

"Wag mokong dramahan, Max. Kayo lang ni Tamara nakakatiis sa napakaganda kong ugali kaya ako may pake." Sagot ko sa kanya. Teka, diba hindi ako naniniwala sa kanya? Ah ewan.

Nakarating na kami sa clinic at nagamot na ng malanding school nurse si Max. Halatang nagpapacute ang gaga. Tapos pag ako ang kausap, ang sungit sungit. Bwisit!

"Salamat, Psyche ha?" Nakangiting sabi ni Max sakin. Hinayaan ko na lang siya at naglakad kami pabalik sa classroom. Sakto namang nakasalubong namin sina Tom.

"Psyche! Good thing, we found you." Pambungad niya sakin. Eto kasing tatlo e from Adelaide, South Australia. Kaya yan, mapapasubo ang English ko. British accent pa man din. Omo! Tissue please!

"Why?" Tipid kong sagot. Lumapit agad sakin si Max. Trip neto?

"Just wanna tell you that you're now a part of the Sibyl Band. We're going to have our rehearsals at 5pm." Nakangiting sagot ni Andrew sakin.

"Is that so? Okay." Tipid kong sagot. Ganyan ako sa strangers wala tayong magagawa e. Gusto ko lang talaga makasali sa Sibyl Band. May allowance kasing binibigay sa member ng banda na 5k per month. And I need money to survive.

"See ya later!" Masayang sabi ni Tom sabay kindat. What the. Oo, gwapo siya. Ang gwapo niya! Bumalik na lang ako sa realidad ng makitang hila hila na pala ako ni Max papalayo sa kanila.

"Hoy Max. Trip mo? Di man lang ako nakapagpaalam sa kanila." Nakasimangot kong tanong pero di siya sumagot. Kinalakadkad niya lang hanggang sa room tapos di na niya ako kinausap. Oo, hindi talaga niyako kinausap! Natapos na ang klase namin at lahat lahat pero wala pa rin. Napakaunusual. Dati nangugulo to e. Argh. The hell do I care diba? Kung ayaw niya wag niya. Tch.

Nung natapos na ang klase namin iniligpit ko na ang mga gamit ko at may practice pa akong pupuntahan.

"Tammy, una ka na ha? Punta pakong music room e." Sabi ko sabay alis. Diko na hinintay ang sagot niya at umalis na agad.

Excited nako!

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon