Chapter 24

3 1 0
                                    

Pysche's POV

"I'll pick you up later?" Tris asked habang ina-unbuckle niya yung seatbelt ko.

I silently nodded. He smiled at lumabas ng kotse. He opened the door for me.

"Thank you."

Nagsimula na kaming maglakad papalayo ng parking lot. Ang daming nakatingin sa amin. Siguro naiintriga kasi magkasama kami ni Tris. Malamang, isang malaking eskandalo na yung naipost sa bulletin board ng Photography Club.

"Grabe, ang swerte naman niyang si Psyche, puro pogi ang kasama."

"Oo nga e. Ano kayang gayuma ginamit niyan?"

"Malandi siya kamo."

Tskk. Wala talagang magawa ang mga tao ano? Magchismisan lang. Hambalusin ko tong mga to e.

"Don't mind them." Nakangiting wika niya. I half-smiled. I don't give a damn about them.

"Tris, okay lang ba na huwag mo na akong ihatid sa room?" Tanong ko. Right now, gusto ko munang mapag-isa.

"Bakit? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. I smiled.

"I'm okay. Please?"

Tiningnan niya lang ako. Para bang ayaw niyang pumayag sa kagustuhan ko pero wala siyang magagawa kasi yun ang gusto ko.

"Fine, fine. Call me if anything happens." Pagsuko niya sabay halik sa pisngi ko. "Bye, Ven. Take care."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa building ko. Lutang na lutang pa rin ang isip ko. Nakakainis lang kasi hindi nasabi sa akin ni Tris kung bakit Aquino ang apilyedo niya. May tumawag ba naman kasi bigla sa kanya! Pagkatapos iniba na niya ang usapan. Hayop yon, magtatago pa ng sikreto sakin.

"Lalim ng iniisip natin ah." Napalingon ako agad sa lalaking sumabay sa akin sa paglalakad.

"Max."

"Hi, Psyche!" Nakangiting wika niya.

Kasasabi ko lang na gusto kong mapag-isa diba? Kainis naman yan. Meron na namang Max na manggugulo sa araw ko.

"Disappointed?" Nakangiting tanong niya sabay tawa ng mapakla. "Grabe ka naman, Psyche. For once, can you just pretend na masaya kang makita ako?"

Tumingin ako ng deretso sa corridor. Kahit kailan talaga, Max. Nakakainis ka.

"I guess, hindi mo nga kaya." Dagdag pa niya. I stayed silent. Ayokong masira ng tuluyan ang araw ko.

We continued walking hanggang sa makarating sa classroom. No one dared to talk. Siguro, dahil na rin sa parang ang bigat ng atmosphere sa aming dalawa. Well papel, hindi ko na kasalanan yon. I did my best para tumahimik. Sadyang si Max e may sayad lang sa utak kaya kung ano-ano ang sinasabi.

Iilan pa lang ang tao sa room nung pumasok kami. Pinagtitinginan kami, malamang. Kasi kasama ko si Max. Unang beses kasi na nakita nila kaming sabay pumasok ng kaming dalawa lang. So? Pakealam ba nila?

Kung pwede nga lang sana lagyan ng karatula yung noo ko, ginawa ko na. Saying, "Will you stop staring? Mind your own effin' business."

Actually, pwede naman e. But I won't do it. That's the most stupid thing to do.

Magmumukha lang akong tanga, stupida, gaga, baliw at kung ano-ano pa.

Umupo muna ako sa bandang likod ng room. Si Max, umupo sa harapan ko. Anong trip neto? Tsss.

I wandered my eyes around the classroom. May mga kaklase akong nagkwekwentuhan tungkol sa dates nila kagabi. Sus.

Meron namang natutulog, naglalaro ng COC, nagpapaganda, nag-aaral kuno, at syempre, kagaya kong tulala.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sakin kung bakit Aquino ang apilyedo ni Tris. My dad's a Villafuerte, and my Tito Errol's a Smith.

If during those years na hindi kami nagkasama e inadopt ni Tito Errol si Tris at clinaim ang rights niya as his biological father, then he should be Tristram Park S. Smith. But why on earth it is Aquino?

Or maybe it wasn't Tito Errol who adopted Tris. Maybe it's another guy who felt pity kasi Tris became an orphan and was left by his twin sister.

Yan lang ang alam kong pwedeng maging rason kung bakit Aquino ang apilyedo niya.

I came back to my senses when someone shouted.

"Guys! Wala si Prof. Palma, wala tayong Organic Chem ngayon. Katetext niya lang sakin."

Damn that professor ever. Nakakainis. It's been five minutes after our official time with him.

"Oh my gosh! Sorry Prof. Palma, I'm late! Nasagasaan po kasi yung pusa sa kalsada on my way here and I needed to bring the cat to a veterenarian! Ayoko po kasing magkasala--"

"God! Stop, Tamara! Prof. Palma's not even around!" Sapphire yelled. Dumilat naman si Tamara. Baliw talaga. Hihingi na nga ng dispensa, nakapikit pa. I mentally rolled my eyes.

"I even recited those palusots several times sa corridor. Mukha akong tanga tapos wala lang pala siya. Tskk." Tammy whined habang papalapit sakin. I saw her smile at Max tapos tumabi sakin.

"Good morning, Psyche!" Ngiting bati pa nito.

"Ano namang maganda sa umaga, Tammy?" Inis kong sagot. Ang energetic masyado.

"Ako!" Sigaw pa nito. Baliw. Tss.

Ang klase namin kay Prof. Palma e 1 hour and 30 minutes, after this, may 1 hour vacant pa kami before our next class which is PE. So basically, I still have 2 hours and well, 23 minutes.

I looked at Tamara na busy ng nakikipag-usap ngayon kay Max. Nagtatawanan pa sila. Tskk. Bahala sila sa buhay nila. Gusto ko lang talagang mapag-isa.

Tumayo na ako at lumabas ng room. Mukhang hindi naman nila napansing umalis ako kasi nga masyado silang masaya. Papunta ako ngayon sa paborito kong tambayan.

Kailan ba ako huling nagsolo? Ilang buwan na rin. Namiss ko talaga ang feeling ng mag-isa ka lang, walang gumugulo sa mundo mo. Pagkarating ko don, nahiga ako agad at inilagay ang earphones ko sa tenga ko. Kailangan ko ng peace of mind. Dito ko lang mahahanap yon.

I stared blankly sa branches ng puno sa itaas ko ngayon. Bakit nga ba ako naging ganito in the first place?

"Be, gandahan mo naman ang kuha!"

"Ikaw na kaya! Ginagandahan ko naman e! Ako rin naman!"

"Mamaya na! Ako muna. Grabe, gandahan mo naman kasi."

I rolled my eyes. Camera na naman. Pwede bang ipagbawal ni PNoy ang camera? Kahit sa Sibyl lang? Nakakainis e.

Nakapasa nga ako sa Photography Club, and yet, ang hatred ko for camera, nandon pa rin. Mukhang hindi ko na yata maalis yon.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Matutulog muna ako. Hayaan mo yang mga problema, paggising ko, saka ko na sila haharapin.

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon