Psyche's POV
"What happened back there?" Iritang tanong ni Tris sakin.
"Back in stage?" Sagot ko na parag wala lang.
"In the hospital, Ven." He retorted angrily.
"Masama bang magcare ang mga kaibigan ko sakin, Tris?" Inis namang tanong ko. If he was asking about Max's actions, well, wala siyang pake dahil he's just my twin brother.
"Care? You call that care?" At ibinato niya ang hawak niyang pillow. Nasa condo na niya kami ngayon at kasalukuyang nakaupo sa couch.
"What else, Tris?" Balewala kong sagot.
"What the fvck." Bulong niya at dumiretso sa kwarto niya sabay balibag ng pinto.
Anong problema ni Tris? Seriously, he's annoying.
Tumayo na ako at dumiretso sa pintuan ng kwarto ko.
Humiga ako at tumingin sa ceiling.
Bukas, hahawak ako ng camera. Nawa wala akong magawang masama.
*Next Day*
"Bago yun ah." Sambit ni Max at tumabi sakin.
"Ang alin?"
"Hindi ka hinatid ni Tris." Ngiting asong sabi niya. Hindi pa rin kasi kami nagkakaayos ni Tris e. Parang hindi kami magkasama sa iisang bubong.
"May inasikaso kasi siya." Pagsisinungaling ko na lang.
"Oh btch. How are you feeling? After the scene you made yesterday? Pinahiya mo lang ang Sibyl Band." Pangsasabat ni Sapphire. Btch as always.
"Feeling better, Queen Btch. You're making a scene too? You won't feel better, trust me." I snorted. Lumapit siya lalo sakin.
"You're messing with the queen, little pawn. Watch out." Bulong niya. I smirked.
"This little pawn will soon be a queen, Queen Btch. And when that time comes, I'll make sure you'll be eaten."
Mukha yatang nainis ko ng bongga ang Queen Btch, este Queen Bee. Hahaha.
Akmang sasampalin na niya ako ng may humawak ng braso niya.
"Sapphire, Sapphire, Sapphire. Mess with the pawn and you'll mess with me." At marahas niya itong binitawan. Inis na nagwalk out ang Queen Btch. Hihihi.
"Thanks, Tammy!" Masaya kong sabi. Inakbayan naman niya ako at naglakad kami papuntang soccer field. Sumama naman si Max.
"Anything for my Psyche." At kinindatan niya ako. Ewwww, Tammy.
"Oyy, walang agawan, Tamara! Akin lang si Psyche e." Angil ni Max at tumabi sakin.
Si Tammy kasi, known as a war freak dito sa school. Wala ngang makatalo diyan pagdating sa awayan, mapapisikal man o verbal. Ganyan katindi ang bestfriend ko! Haha. Pero minsan minsan lang, kapag talagang kelangan na niyang makipag-away. Bakit hindi siya ang Queen Bee?
Mas btch kasi si Sapphire. Haha!
Naalala ko pa nga e nung nagkasagupaan sila ni Sapphire nung unang araw ko sa Sibyl, at kung paano ko siya naging bestfriend...
*FLASHBACK*
"Okay, newbie. Next time, huwag kang tatanga tanga. Tingnan mo ang dinaraanan mo!" Sigaw sakin ng isang babae na hindi naman kagandahan. Tskk. Bakit ba kasi sa Sibyl pako nag-aral e. Ang pangit tuloy ng first day ko!
Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyo ko. Paliguan daw ba naman ako ng orange juice. Edi ang lagkit ko na!
Tumayo ako at taas noong tumingin sa babaeng bukod sa pinaliguan ako ng orange juice e tinulak pako ng pagkalakas lakas dahilan para mapaupo ako.
BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.