Psyche's POV
"Grabe, Psyche! Ang ganda ng kuha mo don! Ang galing galing!" Sabay palakpak ni Tamara na parang bata. Para siyang baliw. I rolled my eyes. Magkakasama kaming apat ngayon sa may soccer field. Ako, si Tamara, si Max at Tom.
"Please, speak in English. I can't relate." Pagmamakaawa ni Tom. Inirapan lang siya ni Tamara.
"Just put your earphones on! I don't wanna waste my precious saliva." Walang nagawa si Tom kundi sumunod. Natatakot din yan kay Tamara e. Hahaha.
"Sama sama kasi. Di naman makaintindi." Bulong ni Max. Binato ko nga ng libro!
"Aray naman, Psyche! Bakit?" Tanong pa niya na para ba talagang nasasaktan. Utot mo!
"Huwag ka ngang mean! Ang sama mo!"
"Look who's talking." Nakangising sabi ni Tamara. Sabunutan ko kaya to?!
"Joke lang! Eto naman! Haha. Eniweys, highway. Bakit naman lapida ang napili mong kuhanan ng picture?" Tanong ni Tamara. I looked at them. Hinihintay nila ang sagot ko.
I heaved a deep sigh bago sumagot. Mapagkakatiwalaan ko naman sila e.
"It's my parents'." Tipid kong sagot. Tiningnan lang nila ako na parang gusto pa nilang magsabi pa ako.
"You see, my mom, Athena Grace S. Villafuerte, was a photographer. Sa kanya ko siguro namana ang skills ko."
"My dad, Warren Spencer M. Villafuerte, was a businessman. We owned the Villafuerte Group of Companies. Not until they died." Malungkot kong kwento. Twing naaalala ko yon, nalulungkot talaga ako.
"They died because of me." Napayuko ako. Hinagod naman ni Tamara ang likod ko. I want to tell them everything now. Kailangan ko ng ilabas yung kinikimkim ko. Para na kasi akong sasabog e.
"I ran away when they died. I don't know what happened to our company. I left my life there. Everything. I tried to forget. But I just can't."
"I came here to Sibyl without anything. No money, no clothes, no friends, no house, no everything. Sometimes, I ask myself, 'How come I'm still alive?'"
"That time, I was still 14 years old. The whole family's on a trip. We're going to Palawan that time. Hindi kami mapakali ng twin brother ko. Nasa likod lang kami ng car while our parents ang nasa harap. Ang tahimik. Sobrang tahimik."
Tiningnan ko si Tris na hindi mapakali. Same is true with me. I can't find peace within me.
"M-mom?" Tanong ko. Tris looked at me na para bang wrong move ang ginawa ko.
"Yes, sweety?" Malambing na sagot niya. I gulped.
"Why aren't you two talking?" I asked. I was referring to my mom and dad. Hindi kasi sila nag-uusap. Hindi kaya, alam na ni dad? Oh no!
Napatahimik bigla si mommy. Si daddy, parang walang naririnig.
"H-hon, Venice is asking something." Parang natatakot na sabi ni mommy. Pero wala pa ring kibo si dad. Hinawakan ni Tris ang kamay ko, like he's saying everything's gonna be alright.
"D-dad?" Tris said. Pero wala pa ring kibo si daddy. I have a feeling na alam na niya. Gosh, eto na ba ang katapusan ng pamilya namin? What will happen to our parents?
"Kailan pa?" Tanong ni daddy. Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses ni daddy. Galit na may halong sakit ang nararamdaman ko mula sa boses ni daddy.
"Kailan niyo pa ako niloloko?" Mahinahong tanong niya. Bakas pa rin ang galit sa boses niya.
"W-warren." Natatakot na sambit ni mommy. I looked at Tris. Hindi na rin maipinta ang mukha niya. Natatakot na ako. He placed his arms around me and hugged me at my waist.
BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.