Suot po ni Tom at Psyche sa duo singing contest yung nasa multimedia. :)
Pysche's POV
Kinakabahan ako. Ngayon ang unang araw ng Sibyl Festival. Kanina pa kami nagrerehearse ni Tom para sa duo singing contest na magsisimula mamayang 1pm. Hindi kami makasama ni Tom kila Tris at Max sa pagkuha ng mga litrato kasi nga may event kami ngayon.
Paanong hindi ako kakabahan, e 12:45 na? Fifteen minutes na lang, magsisimula na ang contest. Hindi ko pa nakikita si Tamara, o si Tris, o si Max na magpapagaan sana sa tensyong nararamdaman ko.
Max.
Bakit ko ba naisip na magpapakita ang kumag na yon? E umiiwas naman na siya sakin. Tss. Buti nga, bawas sakit ng ulo. Hindi ko na siya iisipin.
Weh? Iniisip mo nga lang siya kagabi e.
Napakurot ako sa sarili ko ng wala sa oras. Minsan ang konsensiya talaga hindi marunong makisama e. Nakakainis.
"Hey, why are you pinching yourself?" Nag-aalalang tanong ni Tom. Nakita niya pala ako. Nandito kasi kami ngayon sa back stage kasama ang ilang participants from different departments. I shook my head at ngumiti ng pilit. Umupo siya sa tabi ko at nagdekwatro ng upo.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakat-shirt lang siya na parang kulay mahogany, then pants na fit at nakafold. Nakatsinelas lang siya kasi magpa-paa paa kami mamaya. Ang simple ng suot niya pero ang lakas ng dating.
Samantalang ako, nakadress ng puti na may mga print na color red and black. Ayoko sana ito kasi masyadong kita ang mga balikat ko pati na ang likod ko pero walanja kasi ang Dean namin at ito pa ang ipinasuot sa akin. Hindi ko alam kung anong trip niya pero naiinis ako.
Isa pa itong letsugas na contest na to. Last year kasi, parang radio ang set up. Hindi nakikita ang mga kumakanta. Ngayong taon, nilagyan ng twist. Para kayong nagmumusic video ng live. Nak ng tokwa nga naman. Akala ko kakanta lang ang gagawin e. Hindi naman ako makaangal kasi natatakot ako sa dean namin. Tsaka isa pa, nakaoo na ako nong nabasa ko ang guidelines at tsaka noong sinabi ni dean kung anong gusto niyang mangyari.
Every pair e may 5 mins each para iprepare ang stage para sa music video kuno. Tss. Ang dami kasing arte e.
"Contestant number 1, you'll be out in five minutes." Sigaw nung staff. Lalo yatang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may mga kabayong nagkakarerahan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napansin yata ni Tom na hindi na ako mapakali.
"Hey, relax. We're the last performers." Nakangiting wika niya. Oo last kami pero nagsisimula na. Sixteen departments lang kasi ang nakasali. Yung iba nagbayad na lang ng multa. Haaay. Siguradong aabutin kami ng gabi rito.
Nakita kong lumapit sina Harrison at Andrew samin. Sila pala ang pambato ng AB Music.
"Looks like we're enemies for now." Natatatawang wika ni Andrew
"Oh c'mon, you'll lose! Right, Psyche?" Pang-aasar naman ni Tom. I just nodded then smiled.
"Hell, no! Kantarias race will make the audience go wild later! You'll see!" Angil naman ni Harrison. Masyadong tiwala ang magkapatid na to sa lahi nila e. Haha. Narinig ko ng nagsimula ang first contestant pero tong mga kasama ko, walang pakialam. Haha. Pagalingan pa rin e.
"What number are you?" I asked. Hindi ko pa pala alam kung pang ilan sila e.
"Fifteen. You?" -Andrew
"Sixteen." -Me
Tuloy tuloy lang ang pagkwekwentuhan nilang tatlo samantalang ako, nakikitawa na lang. Haha. E kasi wala naman akong masabi. Nagbibilang na lang ako ng contestants na natatapos e. Nasa lima na ang nabibilang ko, at 2pm na. Ang tagal naman. Tss.
BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.