Chapter 26

2 0 0
                                    

Max's POV

Three straight days, three straight days na kaming hindi nag-uusap ni Psyche. Nagsimula yun nung finals namin na katatapos lang kanina. Finally, tapos na ang first sem, at Sibyl Festival na ang kasunod na maguumpisa bukas.

Nagkakausap naman kami ni Psyche, oo. Pero kapag nandiyan si Tamara at kinakailangan lang sumagot. Madalas hindi namin siya nakikita kasi may practice raw sila ni Tom para sa duo singing contest. Oo, nagseselos ako. Buti pa si Tom, nakakasama niya si Psyche. Pero wala naman akong magagawa e, dahil una sa lahat, HINDI KO PAG-AARI SI PSYCHE. Pangalawa, HINDI KO PAG-AARI SI PSYCHE at pangatlo, HINDI KO PAG-AARI SI PSYCHE.

Sapat na ang limang salitang yan para alamin ko ang limitasyon ko. Madyado yata kasi akong lumagpas sa boundary kaya yan, nasasaktan ako.

"Hoy, Maxwell. Tulala ka na naman diyan? Hambalusin na kaya kita ng upuan para bumalik ka na sa senses mo?" Narinig kong sabi ni Tamara. Nginitian ko na lamang siya. Napansin kong nakatingin din sakin si Psyche na kasama pala namin ngayon. Binigyan ko na lamang siya ng isang ngiting hindi man lang yata umabot sa dulo ng gilagid ko.

"Tara sa cafeteria, nagugutom na ako e." Paglilihis ko sa usapan at nagsimula ng maglakad. Naramdaman ko na lang ang pagtabi sakin ni Tamara at pagsunod ni Psyche sa likod namin.

"Grabe yung PhilGov natin. Mas matindi pa Anatomy and Physiology!" Pagrereklamo ni Tamara. Natawa na lang ako.

"Anong sagot mo sa number 15 sa Test II, Tamara? Hindi kasi ako sigurado sa sagot ko." Tanong ko. Hindi ko kasi talaga alam kung anong law yun e. Nakakainis. Hinulaan ko na lang lalo pa't identification pa man din.

"Hindi ko rin alam e. Yun yung tinatanong ko sayo kanina diba? Pero grabe naman kasing proctor si Prof. Garcia, lakas ng mata!" Pagrereklamo uli ni Tamara.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa cafeteria at pumila na para sa pagkaing oorderin namin.

"Ikaw, Psyche? Alam mo ang sagot don?" Tanong ni Tamara kaya napatingin ako sa kanya. Pero si Psyche, nakatitig lang sa pagkain sa harap niya. Ni hindi man lang tumingin sakin. Hindi man lang tumingin samin. Nasa unahan kasi ako ng pila at nasa dulo siya.

Nagkatinginan kami bigla ni Tamara. Siniko niya si Psyche at doon siya bumalik sa realidad.

"H-ha?" Tanong niya.

"Nakatitig ka lang sa pagkain mo e. May problema ka ba?" Pabalik na tanong ni Tamara. Umiling lang ito sabay ngiti na hindi man lang umabot sa mata niya.

I just shrugged at nagsimula ng maghanap ng bakanteng upuan. Sumunod naman silang dalawa sa akin.

"Psyche, sigurado kang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong uli ni Tamara. Kumain na lang ako na parang hindi ko sila naririnig ba dalawa. Wala rin naman akong magagawa e. Bakit? Kasi ayaw naman ni Psyche na makialam ako sa buhay niya.

"Oo nga, Tammy. Kulit." Inis na sagot nito. Tumawa lang si Tamara at sa akin naman bumaling kasabay ng pagkain niya.

"Maxwell, Maxwell, Maxwell." Nakangiting sabi niya. Anong trip ng babaeng to?

"Bakit?"

"Alam mo bang pumopogi ka?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Ang creepy ni Tamara ngayon!

"H'wag mo nga akong pinagtritripan, Tamara. Kumain ka na lang."

"Luh, grabe ka naman! Kailan pa kita pinagtripan, Max? Ang loyal ko kaya sa'yo."

Yung totoo? Anong problema ni Tamara at ganyan ang sinasabi niya?

"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga." Naiiling kong sabi at nagsimula na ring kumain. Si Psyche, kumakain na rin. Nakangiting naiiling na rin si Tamara. Baliw.

"Grabe ka naman, Max. Sinasabi ko lang naman ang katotohanan e."

Binato ko nga ng talong na nasa pinakbet na ulam ko.

"Luh! Nyeta ka, Max! Ang bading mo talaga! Bakit mo naman ako binato ng talong?!" Singhal niya sa akin sabay punas sa braso niyang natamaan. Buti nga sa'yo. Bleee.

Si Psyche, natawa kaya napalingon kami agad sa kanya. Nagulat naman yata siya.

"Bakit?" Pagtataray niya at bumalik na sa pagkain. Isa rin tong baliw. Baliw pero mahal na mahal ko. Badtrip.

"Titig na titig ka na naman, Max. Matutunaw bestfriend ko niyan." Pang-aasar ni Tamara. Namula naman yata ako. Badtrip talaga tong babaeng to!

"H-hindi naman ako tumititig e." Depensa ko. Hindi naman talaga e!

Hindi nga ba? Haha.

Pakyu ka konsensya. Tumahimik ka.

Bigla ng tumayo si Psyche.

"Tapos ka na, Psyche?" -Tamara

"Oo. Nagtext si Tom, magprapractice na raw kami. Una na ako." At walang pasabing tumalikod na siya. Ang saya diba? Tom na naman. Bwisit.

Pinanood ko na lang ang magandang likod ni Psyche papalayo. Haaaaaay.

"O ano? Nasasaktan ka na naman?"

Hinawakan ko ang batok ko sabay hilamos sa mukha. Putspa nga naman oo.

"Syempre, ano pa nga ba." -Tamara

Bakit ba ang hirap makalimot? Yung tipong ginagawa mo naman lahat para lumayo na sa kanya pero nandon pa rin e. Tae. Ganito pala talaga ang magmahal. Nakakabaliw.

"Sakit pa rin, Tamara. Haha. Putang ina lang talaga." Inis na sabi ko. Kailangan ko lang talagang ilabas tong frustration na nararamdaman ko.

"Ganon talaga, Max. Once you say I love you to a person, you are already giving them the license to hurt you. Kaya wala kang karapatang magreklamo. Ikaw ang nagbigay mg pahintulot kay Psyche na saktan ka. The problem is, sobra sobra na." Litanya ni Tamara. What she said is true. Damn this love life of mine.

"Uwi muna ako, Tamara. Itutulog ko muna ito, baka sakaling pag gising ko wala na yung sakit." Tumayo na ako at naglakad papalabas ng cafeteria. Narinig ko ang sunod sunod na pagbuntong hininga ni Tamara.

Haaayayaaaaay. Tang inang pag-ibig to, oo.

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon