Chapter 25

5 0 0
                                    

Psyche's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mabigat sa bandang tiyan ko. Anong meron?

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Medyo natatamaan na rin ako ng sinag ng araw na kahit may mga dahon sa taas ko. Unti-unti kong inadjust ang mga mata ko, kasi nga nasisinagan na ako ng araw.

Ilang oras na ba akong tulog? I looked at my phone and it's still 9 in the morning. Kung may OrgChem sana ako ngayon, katatapos pa lang ng klase namin.

Maya maya, nagbeep ang phone ko kaya binasa ko ang text message. If this is a stupid group message, I would definitely message back, "If you don't have anything to do in your life other than typing stupid group messages and sending it to people who don't even give a damn, just go kill yourself."

Ang bait ko talaga. Basta nagiging masama ako, napapaEnglish na lang ako. Hahaha.

From: Tom Williams
Hey, where are you? I need to talk to you, right now. The college dean talked to me yesterday and I needed to relay what he said. I'm in the music room. See ya! :)

Ano na namang sinabi ng matandang hukluban na yon? Srsly, gusto ko minsan itapon sa Pluto o kabilang galaxy yon e. Masyadong ambisyoso. Tss.

Bumangon ako pero nagulat ng may mabigat nga sa tiyan ko. Isa itong ulo! Akala ko nag-iimagine lang ako kanina. Nakahiga siya sa tiyan ko at nakatakip ang braso niya sa mga mata niya kaya hindi ko mamukhaan.

Kung sino mang hudas ito, aba! Ang kapal mg mukhang humiga sa tiyan ko!

Inis akong biglang bumangon dahilan para bumagsak ang ulo niya sa lupa.

"Anak ng tupa!" Gulat na sigaw ng lalaki.

"MAX?! Anong ginagawa mo rito ha? At bakit ka natulog sa tiyan ko?!" Angil ko. Kahit kailan tong si Max wala ng hiya e. Minsan, tinatabihan akong matulog dito, ngayon humihiga na sa tiyan ko!

"Ang lambot kasi ng tiyan mo kaya humiga ako." Sagot niya habamg hinihimas ang ulo. Ginawa pa akong unan ng hayop na to. Inirapan ko na lang siya at inis na nagmartsa papaalis sa kinaroroonan namin. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Nakakakulo ng dugo e.

••

Si Tom lang ang nakita ko pagkapasok ko ng Music Room. Baka may klase pa sila Andrew at Harrison. Nginitian niya lang ako pagkapasok ko at sumalampak ako agad sa couch dito.

"What would you like? Juice, tea, or coffee?" Nakangiting offer niya. Ano bang pinunta ko rito? Yung drinks? Meron non sa cafeteria, edi sana don na ako dumiretso. Hay nako. Tskk.

"I want that info you were talking about." Malamig kong sagot. He just chuckled at inabot sakin ang isang folder. Inopen ko to at binasa ang laman.

"Duo singing contest?" Wala sa loob kong basa sa nakasulat.

"Yep, and Dean Gago told me that we will take that part." Sagot naman ni Tom. Bahagya akong napatawa. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng apilyedo sa mundo e Gago ang kanya. Hahahaha.

"What song should we sing, then?" Pagtatanong ko. Speaking of surnames kasi, naalala ko yung kay Tris na kahapon ko pa prinoproblema. Aish. Saka ko na iisipin yon. May ipapagawa pa naman si Dean Gago samin.

"I've been looking to some songs we could use. Just listen to some."

Max's POV

Ang sadista talaga ni Psyche. Walang ng isip isip, bangon agad kahit na tumama yung ulo ko sa lupa. Kupido, nakakainis ka na, alam mo?

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon