Meet Tamara! (on the multimedia)
Tamara's POV
Hi, guys! I'm Tamara Ramirez! Tammy for short. Pero bawal mokong tawagin ng ganon. Si Psyche lang ang pwede. Hahaha.
Kawawa naman tong si Maxwell. Kanina pa nakatingin sa likod ni Psyche na papaalis na.
"Hoy Maxwell." Untag ko sa kanya. Aba, inisnob niya ang beauty ko!
"Maxwell." At siniko ko na siya. Wala pa rin fren! At biglang nagngingiti ang loko. Baliw na to! Baliw na po si Maxwell Orion Belmes!
"Waaaaaaaa! Tulong! Tulong! Baliw na si Maxwell! Kailangan ng dahil sa mental hospital! Tulong! Dapat siyang gumaling para maipagpatuloy niya ang Mission 101: Make Psyche Fall For Me niya! Waaaaaaaaa!" Huhuhu! Paano na lang loveteam nila kapag nabaliw tong si Maxwell? Ako pa man din ang number 1 fan nila!
"Tamara! Pinagsasabi mo jan. Di ako nababaliw noh. Nakakahiya." Naiiritang sabi ni Maxwell. Huh? Okay na siya?
"Gago! Ngumingiti ka kaya mag-isa kanina! Akala ko pa man din baliw ka na! Akala ko di na matutuloy ang loveteam niyo ng masungit ever kong bestfriend!" Singhal ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng campus. Mauna na nga raw ako diba, sabi ni Psyche.
"Buti ka pa, todo boto. E si Psyche? Kulang na lang yata itapon ako sa canal para tumigil na sa kanya." Malungkot na saad niya. Hindi ko siya masisisi kung ganyan ang nararamdaman niya ngayon. Sa tinagal tagal ba naman niyang sinusuyo si Psyche, lagi na lang siyang pinagtatabuyan ng bestfriend ko. Haba ng hair ha, in cherness. Ang pinakapogi sa campus, nagkakandarapa sa kanya! Isa siyang palaka! Hahahahaha.
"Don't give up yet, Maxwell. Malapit ka na sa finish line." Nakangiti kong sagot kahit hindi ko alam kung totoo yung sinasabi ko. Parang di na nga yata aabot to sa finish line e. Pero yung inasal kanina ni Psyche nung nalaman niyang puro galos si Maxwell, hindi ko talaga inasahan yun. Napapangiti tuloy ako pag naaalala ko. Ayiiieeee, ang bestfriend ko, concerned na sa iba! Hihihi. Asarin ko nga siya bukas. Wahahahaha!
"Maxwell! Papicture naman oh!" Harang samin ng isang babaeng napakapal ng foundation sa mukha, hindi magkapantay na eyebrows at sobrang dark na eye shadows with matching super duper red lipstick. Eeeewwww.
"O sige, basta kasama tong bestfriend ng mahal ko ha." Nakangiting sagot ni Maxwell. Ayy! Ayy! Kinikilig ako! Kung nandito lang si Psyche malamang umirap na yon! Hihihi.
Sinimangutan naman ako nung babae pero the hell do I care. Camera yan, kelangan kong ngumiti! Hahahaha!
Ako ang nasa gitna samantalagang si Maxwell ang nasa right ko at yung babaeng pangit ang nasa left ko. Bwahahahaha! Smile na, Tamara. Ayan na oh!
"And in one...
Two...
Three..."
Click!
BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.