Psyche's POV
"Bruhaaaaaaaaaa!"
Tinakpan ko agad ang tenga ko. Ayaw kong mabasagan ng eardrums no! Katatapos nga lang ng madugong quiz namin sa OrgChem tapos dudugo na naman ang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Tammy!
Ng makalapit siya sakin, pinalo niya ako agad.
"Aray naman, Tamara! Bakit ka ba namamalo?!" Angil ko. Hinimas ko ang braso kong pinalo niya. Ang sakit kaya!
"Walang hiya ka talagang bruha ka! Sinet up mo kami ni Andrew dun no?!" Sigaw na naman niya. Aish!
"Oo na, oo na! Parang ayaw mo naman e!" -Ako
"Pwede mo naman akong dalhin agad sa music room diba?! Bakit may brown out brown out pang nalalaman?! Natakot kaya ako!" Sabay palo na naman sa braso ko.
"Aba, aba, Tamara! Namumuro ka na ha! Hindi ko hawak ang electric company! Talagang nawalan ng kuryente kagabi!"
Sinamaan niya ako agad ng tingin na para bang ang laki ng kasalanan ko. Aba, hindi naman talaga sadya yung pagkawala ng kuryente ah!
"Huy, ano ba kayong dalawa. Bakit ba kayo nagsisigawan?" Tanong ni Max na katatapos lang yatang mag-ayos ng gamit.
"Si Psyche kasi Max. Iniwan ako kagabi. Huhuhu." Parang batang pagsusumbong ni Tamara. I rolled my eyes. Childish. Tskk.
"Hahaha! Para kang bata, Tamara. Tara na nga sa cafeteria. Nakakagutom yung quiz ni Prof. Palma." Tumango na lang ako at sumunod. Eto namang si Tamara, dakdak ng dakdak. Ikwinento niya samin yung experience niya.
Hindi ko naman talaga naiwan yung notes ko. Haha. Set up nga diba? Nung nawalan na ng kuryente, umuwi nako sabay text kay Andrew na iniwan ko mag-isa si Tammy.
"Hinatid ka niya?" Narinig kong tanong ni Max. Tumango naman si Tammy na halatang masayang-masaya.
"Ginapang ko pa siya." Bulong pa niya. Baliw talaga to!
Tumatawa lang naman si Max habang umoorder kami ng makakain namin. Naupo kami sa isang bakanteng table at nagsimula ng kumain.
Katabi ko si Max habang kaharap naman namin si Tammy. Teka, bakit ngayon ko lang napansin?
"Kanino galing yang pendant na yan, Tammy?" -Ako
Napatigil siya agad sa pagsubo ng pagkain at namula.
"Ahh, ehh.. Ano.." Napakamot siya ng ulo.
Tumaas agad ang isa kong kilay.
"May kuto ka? Ano nga?" Inis na tanong ko uli.
"A-ano kasi.. B-bigay ni Andrew. Peace offering daw. He he he." Sabay peace sign. Napangiti naman ako ng wala sa oras.
"Kinilig ka na naman." Pang-aasar ko. Inirapan niya lang ako. Bwahahaha!
"Gusto mo rin ba ng pendant, Psyche? Bilhan kita." Singit naman ni Max. Urgh!
"Yiiiiieeeeee! Sigi nga Max! Bilhan mo yang bruhang yan. Mukhang naiinggit e." At binelatan pa ako. Tumawa naman si Max!
"May cutter ako dito, Tammy. Gusto mo tanggalin ko na yang dila mo?" At pinanlakihan ko siya ng mata. Grabe talaga to!
"Psyche!"
Napalingon kami agad sa tumawag sakin. Nandon si Tom na hingal na hingal. Lumapit siya sa amin at ininom agad ang tubig ni Max. Hahaha!
"You bastard! That's mine!" Angil pa ni Max pero hinawakan ko na lang ang braso niya at napaupo siya. Suminangot naman ito ng todo.
"I'm not a bastard, you asshole! I need that water!" Sagot naman ni Tom. Hay nako.

BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.