Chapter 1

36 2 1
                                    

A/N:

Hi, guys! Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako dahil nadiscover niyo itong story ko. :) I'm not a professional writer so whatever shortcomings my story has, please bear with it! :)

Just sit back, relax and enjoy! ^^

Nga pala, si Psyche yang nasa Multimedia.

*******************************************

Psyche's POV

"Urgh! Nakakairita ka, Tamara! Ilayo-layo mo nga sa'kin yan at baka sirain ko pa!" Sigaw ko sa nakakabwisit na si Tamara! Naiinis na talaga ako!

"Grabe ka naman kasi Psyche! Camera lang 'to! Camera! Wala pa tayong picture na dalawa e." Nakapout niyang sagot sakin. Tss. 'Di yan uubra.

"Alam mo namang 'di kami friends ng camera diba, Tamara?" Masungit kong sagot. Kanina pa talaga niya pinagpipilitang magselfie raw kami. Urgh. Kadiri. Pambata.

"Edi gagawin ko kayong friends!" Masiglang sabi niya tapos ihinarap ulit ang front cam ng phone niya samin. Sa sobrang inis ko, tumayo ako at iniwan ko siya. Bahala ka jan. Ang kulit mo e.

"Wag mokong susundan, Tamara, kundi tatamaan ka na talaga sakin." Mahinahon kong sabi saka nako naglakad papalayo bitbit ang mga libro ko.

"Uyy! Psyche naman, grabe ka. Picture lang e." Narinig kong sabi niya. Binalewala ko na lang at naglakad papalabas ng classroom. Maaga pa naman e at siguradong wala rin ang prof namin ngayon. Lagi naman e.

Naglalakad ako sa hallway ng school. Papunta kasi ako sa soccer field. Merong malaking puno doon na masarap pagtambayan. Kapag mag-isa ako at ayaw ko ng istorbo, doon ako pumupunta.

"Waaaaa! Sali ako! Sali ako!"

"Fren! Ampangit naman ng pagkakakuha! Isa pa!"

"Gandahan mo ha! PangDP ko to e!"

"Picture'an mo kami, daliiiiiii!"

Nakakairita.

Yan lang ang masasabi ko sa mga taong nakikita ko ngayon. Ano bang meron sa camera at tuwang tuwa sila? Nakakarindi kaya sila, diba nila alam yon?

Ang pinakaayaw ko sa lahat e yung mga taong ang hilig hilig magpicture. Nakakabwiset.

Nakarating ako sa tambayan ko na yun lang ang eksenang nakita ko. Seriously? Ano bang meron talaga? Tssss. Sinalpak ko na lang yung earphones ko sa tenga ko at ipinikit ko ang mga mata ko sabay sandal sa puno.

Ang sarap talaga sa pakiramdam dito. Nakakawala ng stress. Nakakalimutan ko ang bwisit ko sa camera.

Ako nga pala si Pysche Venice Villafuerte. People often call me 'Psyche' na pronounced as 'sayki' pero mas madalas 'sayk' na lang kasi mas madali raw sabihin. Bahala sila, wala akong pakialam.

Seventeen na'ko and I'm taking up BS Medical Technology at Sibyl University. I'm alone in life.. Literally. I don't have any family with me nor relatives. I don't know them. Except for my mom and dad who... Errr. Anyway, I only have Tamara. Siya lang ang one and only friend ko since siya lang ang mapagkakatiwalaan ko. I don't give my trust that easy. At si Tamara lang alam kong nakakuha ng tiwala ko.

Why do I hate cameras? Why should I tell you? Friends ba tayo? *taas kilay*

Sungit ko? Dati na. Wala akong pake sa iba. Wala rin naman silang pake sakin e. Ikaw? May pake ka ba sakin? Wala rin naman diba? Tsk.

"Hi, Psyche." Minulat ko ang mga mata ko para makita kung sino ang nagsalita.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong kelangan mo?" Cold kong sagot.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago noh? Hahaha. Kaya gustong gusto kita e." Nakangiting sagot niya tapos umupo siya sa tabi ko.

"Umalis ka na dito kung wala kang importanteng sasabihin." Sagot ko at isasalpak ko na sana uli yung earphone sa tenga ko ng hawakan niya ang braso ko.

"Meron akong importanteng sasabihin."

Tiningnan ko siya na para bang inip na inip nako at ang tagal niyang sabihin.

Nginitian niya ako ng matamis.

"Mahal na mahal kita, Pysche."

"Yun na yon?" Badtrip kong sagot. Hindi kasi ako natutuwa e. Kung ibang babae baka mamatay matay na sila sa kilig kasi nasabihan sila ng ganong salita.

"Yep, wala ng iba pa!" Sagot niya at sumandal na rin sa puno sabay pikit. Bwiset. Sagot ko sa isip isip ko. Sinalpak ko na yung earphone ko sa tenga ko at pumikit na rin. Bahala ka jan.

Nagtataka kayo kung sino yon? Si Maxwell Orion Belmes lang naman. Pinakatinitilian ng mga babae sa university namin. Gwapo RAW e. Pero diko malaman kung saang banda. NGSB daw ang gago. At ewan ko ba kung bakit pero mula 1st yr college kami hanggang ngayong magte3rd yr na kami e ako na ang napagtripang pakiligin non. Don't get me wrong, folks. Hindi ako kinikilig. Nabwibwisit nga ako e. I don't believe in guys. Pare-pareho lang yang mga yan. Magsasabi ng mga promising words, with matching very convincing actions pa pero wala rin.

Remember: Actions speak louder than words. But never forget that just like words, actions can lie too.

At nagulantang na lang ako ng...

Click!

--------

So how was it? :) feedbacks please! ^^

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon