Psyche's POV
Parang nagfreeze ang buong katawan ko. Boses pa lang niya ang naririnig ko, pero tumindig na ang balahibo ko. Paano na lang pag nakita ko na siya?
"Oh ano Psyche? Hindi mo man lang ba ako haharapin?"
Lumunok ako at dahan dahang lumingon. Halos hindi na ako makahinga ng makita ko na naman ang mukha niya.
Tristram Park.
"T-tris."
"Hi, Psyche!" At niyakap niya ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makagalaw.
"Hey, relax, okay? I'm not going to hurt you, okay?" Nakangiti niyang sabi. Ang angelic talaga ng mukha niya.
"Psyche, I think you should sit down. The orientation will start soon." Pang-iinterrupt samin ni Tom. Tango na lamang ang isinagot ko at nakita kong sinamaan niya ng tingin si Tris. Umupo ako sa mono bloc na malapit sakin at tumabi naman si Tris. Hanggang ngayon, pigil pa rin ang hininga ko.
"Who's that, Ven?" Tanong niya sakin. Lalo akong naubusan yata ng hininga ng tawagin niya ako sa pangalang siya lang ang tumatawag sakin.
"A friend." Malamig kong sagot. Chill, Psyche. Hindi ka dapat nagpapaapekto.
"Okay guys! Please fix yourselves. We're about to start the orientation." Pagsisimula ng adviser ng photography club. Sa tabi nito ay si Tom na nakangiti at pasulyap sulyap pa sakin.
"E-excuse me!" Sigaw ng kapapasok. "Pwede pa po bang h-humabol?" Hinihingal pang tanong nito. Teka. Kilala ko to ah. MAX?!
"Oh, Mr. Belmes. Pwede pa, magregister ka lang dito." Nakangiting sagot ni Ms. Ramirez, ang adviser ng photography club. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang papalapit siya sa registration table. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at nakinig kay Ms. Ramirez. Pero nak ng. Muntik ko ng nakalimutang katabi ko lang pala si Tris. Hindi ko na naman tuloy maintindihan sinasabi ni Ms. Ramirez. The thought of Tris makes me uncomfortable.
Naramdaman ko na lang na may tumabi sakin, si Max.
"Buti na lang umabot ako." At huminga siya ng malalim. Hindi ko na lang siya inimik.
Nagsalita lang si Ms. Ramirez, pati na rin si Tom pero hindi ko na talaga maintindihan yung sinasabi nila. Nakakainis! Napansin ko na lang na nagsisitayuan na sila. Tumayo na rin si Max at Tris at sabay pa silang naglahad ng kamay sa harapan ko. Nagkatinginan silang dalawa.
"Who are you?/Sino kang kumag ka?"
Nagkasamaan pa sila ng tingin.
"Tumigil nga kayo." Pagsasaway ko sa kanila. Pumagitna si Tom sa kanila at hinila ako.
"Hoy hilaw! Gago ka talaga. Ako dapat hahawak sa kamay ni Psyche e!" Angal ni Max. Nagshrug lang si Tom at hinila ako papunta sa harap kasama ng ibang mga magoaudition.
"What's this?" Takang tanong ko. Bumubunot kasi sila e.
"Get a paper from that bowl. The date written there will be the day of your try out. Weren't you listening?" Sagot niya. Nahiya tuloy ako.
"Sorry, I was spacing out." Pagpapalusot ko.
Pinabalik naman na kaming lahat sa upuan namin. Inopen ko na ang nabunot kong papel.
"Anong date sayo, Psyche?" Excited na tanong ni Max.
"September 27. Ikaw?"
"Awww. Sayang! September 26 ako e. Ano ba yan." At nagpout ang gunggong. Tskk. Di bagay.
"Mine's September 27. Sabay tayo, Ven." Nakangiti namang tugon ni Tris. Oo nga pala. Nandito si Tris!
Biglang sumulpot ang ulo ni Max samin.
"VEN? Pinagsasabi mong Ven?" Mataray na tanong niya. Muntanga talaga to.
"Ven, Venice. Ako lang ang nagtatawag sa kanya ng ganon. I'm special." Pagmamayabang naman ni Tris. Aba.
"Kumag. Hindi ka special. Kami ni Tamara ang special kay Psyche." Sagot naman ni Max at pinanliitan niya ng mata si Tris.
"Well, I came from her past. So I know everything. Every little thing. So shut up, moron." Nakangising pang-aasar ni Tris.
"Past ka lang, PAST! P-A-S-T! AKO ANG PRESENT! P-R-E-S-E-N-T!" Sagot na naman ni Max.
"Err, guys? I'm right here." Pang-iinterrupt ko. Napatingin silang pareho sakin at umayos na ng upo. Maya-maya dinismiss na kami ni Ms. Ramirez. Tumayo na ako at ganon din ang dalawang kumag. Sumulpot naman bigla si Tom.
"Can I talk to you, Ven?/Psyche, I'll bring you home./Hatid na kita, Psyche."
Napakamot ako sa ulo sa tatlong to. Grabe naman e.
"Hayaan mo na sila, Psyche. Halika na, uwi na tayo. Matagal tagal na rin kitang hindi nahahatid e." At hinila na ako ni Max.
"Not so fast, Belmes. She's coming with me. I'll bring her home." Sabat ni Tom sabay hawak sa braso ko.
OKAY. NAIINIS NA AKO.
"Guys? Can I talk to Ven?"
"SHUT UP!" Sabay na sigaw ni Tom at Max kay Tris. Nabingi pa nga yata ako e!
"Take your hands off me, both of you. I'm talking to Tris, okay?" Binitawan naman nila ang braso ko at lumapit kay Tris.
"Lead the way." -Ako
Naglakad naman na siya at sumunod ako. Sorry, Tom, Max. I need to talk to him too.
Max's POV
Sino ba yung gunggong na yon? Tris?! Anong pangalan naman ang Tris?! Ni hindi man lang gwapo sa pandinig ko!
"Who the hell is that?" Tanong ni Tom habang naglalakad papalayo sila Psyche ko at 'Tris'.
"He said he came from Psyche's past. That's all I know." -Ako
"I felt Psyche froze when she heard his voice a while ago. Must be a special person she doesn't want to see again." Tumingin siya sakin. Tumingin naman ako sa likod nila Psyche na papalayo.
"He can't be. He musn't be." -Ako
"Of course, he is. The way Psyche reacted. You should have known that." Ani pa nito.
"I don't give a damn about his place on Psyche's life, okay? He's just another moron wanting to get my Psyche away from me, just like you." Naiinis kong sagot. Oo, naiinis nako. Parami ng parami ang karibal ko. Kupido naman e! Sakin na lang kasi si Psyche! Kelangan ko pa bang magpapalit ng pangalan para match na kami? Dapat ba Eros Cupid na pangalan ko? Tskk.
Nagsimula na lang akong maglakad palabas ng Cameron Building.
"Hey, Max." Pagtatawag ng kumag. Tumigil naman ako sa paglalakad.
"May the best man win."
Lol ka. Ako ang best man para kay Psyche. Ako ang mananalo.
"I'll win."

BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.