Chapter 6

13 2 1
                                    

Pysche's POV

"Hoy, Psyche! Buksan mo tong pintuan!" Yan ang pambungad ng umaga ko. Grabe naman si Aling Noneng!

"Bakit ho, Aling Noneng?" Inaantok kong tanong.

"Anong bakit bakit ka jan?! Tatlong buwan ka ng di nakakabayad ng renta, Psyche! Baka may balak ka?!" Sigaw niya agad. Tss. Alam ko po Aling Noneng. Kaya nga ako nagtitiis sa tatlong Australyanong yon diba? Para may pambayad dito!

Tinatamad akong lumapit sa lalagyanan ko ng pera at humugot ng 3k. Para tumahimik na tong matandang to.

"Eto ho. Pasensya na po't natagalan." Nakapikit kong sabi kay Aling Noneng at isinara agad ang pinto. Panira ng tulog!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tok tok tok

Tok tok tok

Letse. Bahala kang kumatok jan, kung sino ka man. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan ko. PANIRA NG TULOG!

"Psycheeeeeeee!"

Kakahiga ko pa lang may maninira na naman ng pinto ko! Pesteng mga nilalang to o!

"Bakit ba?!" Pasigaw kong sabi habang binubuksan ang pinto! Namumuro na tong mga to ha!

"Grabe ka talaga, Psyche! Dinalhan lang naman kita ng breakfast e. Nakita ko lang si Aling Noneng kaya di ako agad nakapasok." At nagpout siya sa harapan ko. Tss.

"Pasok." Malamig kong sabi sa kanya. Tuwang tuwa naman siyang pumasok.

"Akin na yang pagkain, Tammy. Nagugutom nako." Sabi ko sabay hilamos. Nilabas naman niya ang inorder niyang Ultimate Burger Steak na galing pang Jollibee. Sakto, paborito!

"Hoy Psyche, bukas na yung exam. Wala pa tayong permit. Baka gusto mong magbayad na tayo diba para makapagexam tayo bukas." Sarkastiko niyang sabi. Napatigil tuloy ako sa pagkain. Argh. Problema na naman! Inuntog ko yung sarili ko sa mesa! Pera! Pera! Pera na naman!

"Saan na naman ako kukuha ng pera? Urgh! Nakakainis naman oh!" Reklamo ko. Arggggh. Badtrip talaga!

"Eto parang tanga. Wala kang Tammy dito? Duh! Alam kong wala ka pang pera kaya prepared nako. Pauutangan muna kita bruha!" Masiglang sabi niya sabay yakap sakin. Waaaaaaaa! Buti na lang baliw to!

"Salamat, Tammy! May silbi ka rin pala!" Masaya kong sabi sabay yakap pabalik sa kanya. Wala e, masaya ako!

"Hihihi! Siya nga pala, Pysche. Alam kong di ka nagtatagal sa mga trabaho kaya may iooffer ako sayo." Nakangiti ang baliw na si Tammy. Siya nagrerecommend lahat ng napagtrabahuan ko pero wala napalayas ako.

"Mapapalayas na naman ako jan, for sure, Tammy." Inis kong sagot. Lahat na lang kasi e!

"E ikaw naman kasi, Psyche e! Iisa lang ang dahilan kung bakit ka natatanggal sa trabaho. Sinisira mo lahat ng camera/phone na ginagamit para lang magpapicture sayo!" Natatawang sabi niya. Ghaaad. Anong nakakatawa don?! Nakakabadtrip kaya!

"Badtrip kasi e! Una, magbebenta lang ako sa tindahan, kailangan pang magpapicture?! Limang beses ko ng pinagtabuyan yung bwisit na yun!" Sumbat ko sa kanya. Issh.

"Kaya ka napalayas sa kauna-unahang trabaho mo at halos isang linggo ka pa lang don." Tumawatawang sagot ni Tammy. Grrrrr.

"Yung pangalawa, nagluluto ako sa karinderia ni Aling Noneng, may pumasok na costumer para magpapicture?! Seriously, Tammy?! May saltik ba mga tao ngayon?!" Naiinis ko na namang reklamo sa kanya.

"At dahil sa pabalik balik siya sa kusina at ayaw kang tantanan, ginawa mong sahog ang iPhone 5s niya kaya yun, napatalsik ka ni Aling Noneng! Hahahaha! Di lang yon, most valuable customer niya ang ginawhan mo non!" At di pa rin matigil sa pagtawa si Tammy. Arrrrggghhh. Nandito ba to para mambwisit?!

"Yung pangatlo, bantay na lang sa computer shop ang gagawin ko, kailangan pa talagang magpapicture sakin! Alam mo ba kung gaano nakakabwisit yun, Tammy?!" Singhal ko na naman sa kanya ng maalala ko yung scenariong yun.

"Ang ganda mo kase bruha kaya maraming pagpapapicture sayo! Hahaha! Kawawa nga lang camera nila, laging sira!" Sagot ni Tammy with matching palo sa akin sa sobrang pagtawa niya. Inirapan ko na lang siya. Tsk.

"Yung pang-apat kong trabaho, bruhilda, tutor na nga lang ng English subject sa isang ayaw magpaturo, ginawa pang hobby ang stolen shots ko! Ginawhan ng memes!" Naiinis kong pagpapaalala sa kanya sa pinsan niyang sira-ulong ginagago ang stolen shots ko!

"Pasensya na, Psyche. Alam mo namang may saltik si Jerome e." Tumatawang sagot niya. Tss.

"Pareho kayong may saltik. Tsk." Sumbat ko. Pinalo niya lang ako sa braso sabay sabi ng, "Ayy! Ambad, Pysche!" At nagpout pa ang baliw. Tss.

"Pero kinarate mo yung customer sa coffee shop?" Natatawang tanong niya. Arrrgggghhh. Isa pa yung matandang yun. Yun yung sabi kong napatalsik na naman ako sa trabaho dahil sinira ko yung iPhone 6 niya. Badtrip siya e. Papicture ba naman daw sakin. Issss.

"Ge, paalala mo pa." Nakasimangot kong sabi sabay tuloy sa kinakain ko. Kainis.

"Sino kaya ang nagsimula lahat ng pagpapaalala, aber?" At halata ko sa tono niya na nang-aasar siya. Oo na, oo na. Tss. Ako na! Inirapan ko na lang siya at tumawa siya ng malakas. Maya-maya, pumwesto siya ng maayos at tumingin sakin. Nailang naman ako kaya nilingon ko siya at binigyan ng isang death glare.

"Merong isang club na nagooffer ng free tuition fee, miscellanous fee at  laboratory fee! Iisa lang kasi member nun at naghahanap sila ng dalawa pa kaya yon. Wanna try?" Nakangiting tanong niya. Hmmm. Free lahat?! Woah! Parang gusto ko yun ah!

"Anong club?!" Excited kong tanong. Nakuuuu eto na ang pag-asa ko para di na mahirapan sa buhay!


"Photography club."

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon