Chapter 3

17 1 1
                                    

Hi, Max! (on the multimedia)


Maxwell's POV

Ang dami rin netong galos ko ha. Ikaw ba naman kuyugin. Tss. Nakakainis talaga. Bat ba kasi ako iniwan ni Psyche don! Moment na namin yun e. Lagi naman kasing meron si Tamara.

Oo, mahal ko si Psyche. Mahal na mahal. Kahit mukhang one-sided lang. Okay lang, at least naipapakita ko naman diba? First day pa lang nung first year kami, crush ko na siya. Hanggang ang crush naging love. At yun, mag-isa kong umiibig.

Anong nagustuhan ko sa kanya? Hindi ko rin alam e. Basta ang alam ko, masungit yan. Walang pakealam sa iba. Si Tamara lang ang kinakausap. Simpleng manamit. Simpleng mag-ayos. Simpleng lip balm at pulbo lang ang nasa mukha. Nakatirintas minsan ang buhok, madalas nakapusod na para bang matutulog. Matalino siya, President's lister pa nga every sem e. At di lang yon, maganda pa. Marami akong kilala na may gusto sa kanya pero di makalapit sa sobrang sungit. Ako nga lang yata ang naglakas loob e. Kasi nga mahal ko diba? Mahal na mahal. Pero eto ang pinakatrade mark niya. Kahit sino yata na estudyante ang tanungin mo neto, si Psyche ang ituturo. Kilala lang naman siya bilang 'Camera Hater' dahil badtrip na badtrip siya sa camera. Ewan ko ba jan sa babaeng yan kung anong trip sa buhay. Pero wala e, mahal ko.

Naalala ko pa nung araw na umamin ako sa kanya...

*Flashback*

Araw-araw akong nag-iiwan ng chocolates at flowers sa table niya. Pero binibigay niya lang yung chocolates na yun kay Tamara tapos yung flowers binabasura niya. Grabe diba? Wala naman siyang sinasabi pero ganun palagi ginagawa niya. Yung pakiramdam na lahat ng binibigay kong chocolates pinapakain niya sa iba, tapos yung mga bulaklak tinatapon niya lang. Sa harap ko pa mismo. Nawalan nga ako nun ng pag-asang umamin dahil sa ginagawa niya e. Kaya eventually, tumigil na rin ako.

Pero ng dahil sa camera... Nabuking ako.

May mga stolen shots kasi si Psyche sa phone ko. At tinititigan ko yun nung mahuli niya ako. Buti na lang at kaming tatlo lang nila Tamara ang nasa classroom noon. Akala ko talaga mag-isa ako.

"Bakit may pictures ako sayo?" Cold na  pagkakatanong niya sakin. Tiningnan ko siya sa mata pero wala akong makitang expression.

"A-ah, k-kasi..." Ano ba yan, Max! Bakit ka ba nauutal! Nakakahiya!

"Bakit nga?" Pag-uulit niya. This time halatang inip na inip na siya.

"G-gusto kasi kita, Psyche. P-pwedebakitangligawan?!" Nauutal at derederetso kong sabi. Siya pa lang kasi ang babaeng liligawan ko sa buong buhay ko pag nagkataon. No girlfriend since birth ako e.

"Hindi." Malamig niyang sagot saka umalis. Para akong nabuhusan ng tubig sa sinabi niya. Gusto ko ng umiyak sa pagkakataon na yun. Ang bading man pero sobra akong nasaktan.

Hindi ko napansin na nandito pa rin pala si Tamara.

"In cherness ha, ang sasarap nung mga chocolates mo at ang gaganda nung mga bulaklak!" Kinikilig na sabi niya. Nagulat ako.

"P-pano mo nalaman?" Gulat kong tanong.

"I have my own ways, Maxwell." Nakangiti niyang sagot. "Please don't give up on Psyche. Ganyan din siya sakin dati pero eventually, bumigay din siya. Akalain mong bestfriend ko yung masungit na yun?!" Natatawa niyang sabi.

"G-ganon ba?" Ang tanging naisagot ko. Diko kasi alam sasabihin ko e.

"Yep! Basta don't give up! You just need to win her trust." At kinindatan niya ako sabay umalis. Tinitigan ko ang picture ni Psyche.

I'll make you fall for me, Psyche.

*End of Flashback*

At diyan nga nagsimula ang kwento namin. Pero bwisit yung mga Australyanong yun! Balak pa yatang agawin ang Psyche Venice ko! Nagseselos lang talaga ako kanina. Nakakainis kasi e. Lalo na ung Tom na yun. Tingin pa lang, alam ko na e. Tsk, tsk.

Tapos ngayon, pinapanood ko na lang ang mahal kong naglalakad papunta sa kanila.

Haaaay..

Psyche, kailan mo ba ako mamahalin pabalik?

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon