Chapter 10

19 1 2
                                    

Max's POV

Hingang malalim, Max. Australyano lang yan, Pinoy ka. Mas gusto ni Psyche ang kayumanggi. Hindi ng hilaw na tao. Kalma, Max, kalma lang, okay?

PERO ANAK NG TETENG NAMAN OH! MAKALAPIT TONG KUMAG NA TO SA MAHAL KO AKALA MO KUNG LINTA!

Tingnan mo, tingnan mo! Nililibre niya ang Psyche ko ng meryenda. Dapat ako yan e. Di ako makadiskarte kase nandiyan to. Nak ng tipaklong naman oh!

O ayan, may pa "let me help you carry that" pang nalalaman e isang libro lang naman bitbit ni Psyche. Nakakainis. Sarap itapon!

O eto naman, may paakbay akbay pang nalalaman. Pakerrrrr. Buti na lang tinatanggal ng mahal ko. Aba dapat lang. Ako mahal niyan.

Talaga, Max? Maniwala sayo.

Okay. Napakasupportive ng konsensya ko. Di man lang sinakyan trip ko. Pampalubag loob na nga lang e.

Pasalamat siya, bandmate niya ang mahal ko! Talagang siya ang nakakasama niya papuntang music room. Pero tokneneng, gusto ko rin siyang ihatid pauwi. Kahit maghintay pa ako ng ilang oras, ayos lang. Malaman ko lang na ayos siyang nakauwi. Pero sadyang nakakatang ina lang kasi yang hilaw na yan ang nakakasama niya.

"Nakuuu, kawawa ang libro ng AnaPhy. Sirang sira na." Pang-aasar ni Tamara. Napatingin ako sa libro ko. Anak ng libro naman, oo! Yung libro ko ng AnaPhy! Sa sobrang inis ko sa Australyanong to, napunit ko ang ilang pages ng libro. Putspa naman o! May long quiz pa man din kami mamaya! Malas na nga ako sa mahal ko, malas pako sa libro ko.

"Max. Nyare sa libro mo?"

Napaangat ako ng marinig ko ang boses ng mahal ko. Yes! Ako naman ngayon.

Pero awtomatikong nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang kasama niya.

"Wala." Mahinahon kong sagot kahit gusto ko ng sapakin tong hilaw na to.

Umupo na sila sa harapan ko. Sa harapan ko talaga? Nang-iinis ba sila? Katabi ko si Tamara ngayon at sinusundot sundot niyako. Tamo to, problema neto.

"Pscyhe, naiwan ko yung book ko sa apartment. Iwan ko muna kayo ha." Pamamaalam ni Tamara. Tango lang ang sagot ni Psyche. Pero si Tamara, huminto sa likod nila sa Psyche at itinuturo ang phone niya sabay turo sakin. Ano raw? Phone ko raw? Tiningnan ko ang phone ko at may text si Tamara.

From: Tamara
Gunggong! Makishare ka na ng libro kay Psyche. Oras mo na to! GOOOOO! #TeamPsyMax pa rin ako noh! ;)

Tiningnan ko si Tamara at nginitian. Kinindatan niya lang ako sabay alis. Tiningnan ko naman si Psyche na tahimik na nagbabasa.

"Ahm, Psyche?" Pangsisimula ko.

"Hmmm?"

"You see, my book's useless now. Mind if I read with you?" Sinadya kong iEnglish yan para maintindihan ng hilaw na to. Huh! Kala mo ha.

Napatingin agad sakin ng masama si Tom.

"Sure." Sagot ni Psyche at nginitian ako. Ako panalo ngayooooon! Hahahaha!

"Hey, Tom. Is it okay with you if you exchange seats with Max? He won't be able to read if he stays there." Pagbabaling naman niya kay Tom. Nanlaki ang mga mata ni Tom at tiningnan ako. Agad naman niya yong nabawi ng isang ngiti.

"Yeah, sure. No problem. Anything for my princess."

Napatskk na lang ako. Princess ka jan. AKIN YAN E!

Nagpalit nga kami ng pwesto ni hilaw. Sarap sa feeling talagang katabi ko si Psyche. Namiss ko to.

Napatingin ako bigla kay Psyche. Ang ganda niya talaga. Yung mga pilikmata niya na sakto lang ang haba. Yung ilong niyang hindi pango, hindi rin matangos. Yung mga labi niyang mapupula at makakapal.

Ang sarap talaga niyang titigan. Kahit siguro forever ko siyang titigan hindi ako magsasawa. Haaaay. Ibang klase ka kupido. Pinana mo na nga ako, sa babaeng mahirap pang paibigin.

"EHEM."

Napalingon kami ni Psyche sa pagtikhim ni Tom.

"Any problem, dude?" Siga kong tanong. Aba, dapat hindi lang siya ang siga dito. Campus heart throb ako tapos papatalo ako sa hilaw na to. Di pwede.

Umiling lang ang kumag at ipinagpatuloy namin ni Psyche ang pagbabasa. Ay hindi. Siya lang pala. Pagtitig pala ang itinuloy ko. Siguradong makakapasa ako sa long quiz mamaya.

Oo. Puro Psyche Venice Villafuerte-Belmes ang ilalagay mo mamaya.

Thanks, konsensya!

"EHEM." Pagtitikhim ulit ng hilaw. Nak ng.

"Problema mo ba ha?" Asar kong tanong. Hinawakan ni Psyche ang braso ko kaya medyo huminahon ako.

"What is it, Tom?" -Psyche

"Nothing. Sorry to disturb." Apologetic na sagot ng hilaw. Sorry mukha mo. Naiinis ka lang kasi ako ang katabi ni Psyche ngayon at hindi ikaw.

"CR lang ako Max ha." Paalam ni Psyche. Nginitian ko na lang siya. See? Sakin pa talaga siya nagpapaalam. I grinned.

"CR." Paalam naman niya kay Tom. Tumango lang din ang mokong. Huh! At least mas mahaba ang paalam saken.

"Stop staring at Psyche. You're annoying." Pagsisimula ng hilaw. Ni hindi man lang ako tiningnan.

Ibinalik ko ang tingin sa libro at nagsimulang magbasa.

"Stay away from my princess." Mahinahon kong sabi. Naramdaman kong napaangat ang ulo niya sa sinabi ko pero nanatili akong nakayuko.

"And why is that? Who the hell are you, anyway?" Halata sa boses niya ang pagkairita.

Etong kagwapuhan ko? Hindi niya kilala. Poor.

"Maxwell Orion Belmes. Remember that name." Cool kong sagot. Aba, di talaga ako magpapatalo dito.

"Well, fvck off, Belmes. You have no right to stop me from doing what I want to do with Psyche." Nagngingitngit niyang sagot. Aba, ang gago nagmura.

"Fvck off too, Williams. You can't stop me either from doing what I want too." Then I grinned. Bahala kang maasar diyan. HAHA!

"Do you like her?"

Napatingin ako agad sa hilaw na to sabay ngisi.

"I just don't like her. I love her. I love her more than anything else. I love her to the highest level and even you cannot reach it."

Nagsmirk lang ang loko.

"I'll make sure I'll surpass that love-to-the-highest-level of yours."

"Hey." Napalingon kami agad kay Psyche na kararating lang. Tumingin ako agad sa libro, kunwari nagbabasa, ganon na rin si Tom.

Nagkatinginan kami ni Tom pagkaupo ni Psyche. Parang may kuryenteng lumalabas sa mga mata namin. Tskk. Binalik ko ang tingin ko sa libro.

Saktong ibubuklat ko sa next page ng ibinuklat din ni Psyche. Ang ending, nahawakan ko ang kamay niya. Napatingin si Psyche sakin sabay ngiti.

"Destiny." Nakangiting sambit ko sabay tingin kay Tom. Binigyan ko siya ng isang evil grin.


Take that, asshole.

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon