Hiiii! Ahm, itong chapter na ito e medyo may mga salitang hindi kaaya-aya. Pasensya na, pero kailangan kasi para sa characters. Humihingi na ako ng paumanhin ngayon pa lang kasi alam kong hindi lahat e okay lang sa kanila kapag may mga mura. Sorry. :) -tommyjxx
Psyche's POV
Tumakbo ako agad papalayo sa kanya. Paglabas ko, nakasalubong ko agad si Harrison at Andrew na ngiting ngiti.
"Wow! What a nice--"
"Fvck off!" Inis kong sigaw at hinanap ang exit. Nakita ko si Tris na tumatakbo papalapit sa akin. I shoved him away. Ayaw ko muna ng may makausap. Gusto kong mapag-isa.
"Tarantado kang hayop ka! Tang ina mo!"
"Hayop ka talaga e! Anong karapatan mong halikan si Psyche ha?!"
"Oo, performance lang yun, pero punyeta! Alam kong hindi papayag si Psyche kapag may halikang magaganap!"
Napalingon ako agad sa nagsasalita. Nakita ko si Max na walang sawang sinusuntok si Tom.
Hah, serves you right. Gago ka kasi e.
Aalis na sana ako ng sigawan ako ni Tamara.
"Psyche, awatin mo naman si Max! Mapapatay na niya si Tom e! Ayaw magpaawat!"
Pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Galit ako, galit ako ngayon at wala akong pakialam kahit mamatay si Tom.
"Please, stop him!" Pagmamakaawa pa ni Tamara. Naririnig kong tumutulong sa pang-aawat si Andrew at Harrison, pati na rin si Tamara.
"Max, tama na! Mapapatay mo na si Tom e!"
"Dude, just fvcking stop, okay?!"
"Tom, get up! Don't let him kill you!"
"Max, makinig ka naman!"
Malapit na ako sa exit, at nakatayo doon si Tris. Hindi pala siya umalis agad nung itinaboy ko. Hah. Nakasandal lang siya, at nakapasok pa ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. May camera ring nakasukbit sa leeg niya.
"Wow, sis. Ganyan ka pala kamahal ni Maxwell. Handang pumatay." Nakangising wika niya. Inismidan ko na lang siya at hahawakan ko na sana ang knob ng pintuan pero hinawakan niya ito. Parang ayaw niya akong paalisin.
"Ano ba, Tris. Gusto kong lumabas. Pwede ba?" Inis kong sabi. Ngumisi lang siya.
"Not until you make him stop."
Hinigpitan ko ang hawak sa door knob.
"Pati ba naman ikaw? Deserve ni Tom yun. Tskk."
"Pero hindi deserve ni Max ang maexpel ng dahil lang sa pagmamahal niya sayo."
Inirapan ko siya. Nakakainis. Dali-dali akong lumapit kanila Max at hinila siya.
"Tang ina, Psyche! Hindi pa ako tapos! Papatayin ko tong hayop na to!"
Pero hindi ko siya pinakinggan. Tama si Tris, baka maexpel pa tong tangang to sa ginagawa niya. Si Tris na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa amin, kaya patakbo na akong lumabas. Hindi naman umangal ang gunggong kong hinihila.
Lumabas kami ng school. Hindi pa naman sila nagpapalabas pero syempre, kailangan na naming lumabas. Ayaw kong mapag-usapan. Duguan pa man ang kamay ni Max.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Manong Guard.
"Kailangan lang ho naming umuwi saglit, nakalimutan ko po yung gagamitin ko para sa contest mamaya. Mabigat po yun at ipapabuhat ko sana sa kanya." Sabay turo kay Max. At ang uto utong guard e naniwala naman kaya nakalabas kami. Dumirecho kami sa pinakamalapit na ice cream shop.

BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.