Chapter 7

12 1 1
                                    

Psyche's POV

My jaw dropped.

Literal yan! My jaw dropped!

Nababaliw na ba ang babaeng to?!

"So, ano Psyche?" Tanong niya uli ng nakangiti.

"Are you out of your mind, Tamara?! Me?! Photography Club?! No way! You know how much I hate cameras!" Inis kong sagot sa kanya. Badtrip lang e.

"Hay nako, Psyche. Inuuna mo na naman kasi yang hate mo for cameras. Come to think of it, napakalaking bagay ang maitutulong ng camera sa buhay mo pag nagkataon, diba?" Nakangiting sagot niya pa rin. Tsk.

"At baka masira ko lang ang camera kapag nagkataon, Tammy." Seryoso kong sagot. Narinig ko namang nagchuckle siya.

"I need to go, Psyche. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Who might know? Makuha ka sa photography club at makuha mo ang benefit don? At isa pa, baka malaman mo na rin amg halaga ng camera sa ibang tao." Nakangiti niyang sabi at umalis na siya. Napatitig naman ako bigla sa kawalan.

Halaga ng camera sa ibang tao? Hindi ninyo alam kung paano sinira ng camera ang buhay ko...

Tamara's POV

Kawawa naman ang bestfriend ko. Laging namomoblema.

Maganda kasi si Psyche, totoo. Maputi, maganda ang mahaba niyang buhok, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, makapal ang namumula niyang lips, maputi, sexy. Sino ba namang di maaakit magpapicture sa kanya noh! Kaya di nako nagtataka dun sa mga nagpapapicture sa kanya. Hihihihi.

Eniweys, ang mga major clubs kasi dito sa university namin ay may mga narereceive na benefit from the school gaya na lang ng Photography Club at Music Club a.k.a. Sibyl Band. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit onti lang members nila don. Todo kasi ang screening e. Hahaha.

Pabalik nako sa bahay, since it's Sunday at alam kong may practice si Psyche kasama ang Sibyl Band. Kyaaaaaaa! Si Andrew my love so sweet! Kenekeleg eke peg neeelele ko mekhe niyeee. Kyaaaaaa! Ang gwapo gwapo niya kasi tapos kalog pa! Ayiiieeeee! Si Psyche kasi, ayaw kong isama sa rehearsals nila. Edi sana nasisilayan ko si Fafa Andrew deba? *pouts*

"Saan ka na naman galing, Tamara?" Tanong ni mommy. I just rolled my eyes at dumiretso sa kwarto ko. May natutunan ako kay Psyche! Incredible!

"Huwag kang bastos, Tamara. Kinakausap pa kita." Mahinahon pero alam kong naiinis na sabi niya.

"Huwag ka ring bastos mom. Alam mong kinakausap ka ni daddy pero katext mo ang kabit mo. Magsama kayo." Nagtitimpi kong sagot. Nakakairita tong babaeng to. Kala mo kung sinong santi-santita. Oo, mommy ko siya pero nawalan nako ng respeto sa kanya. Nakakabadtrip siya e.

Yung tatay ko naman, bulag-bulagan. Tch. Alam na ngang may kabit tong malandi niyang asawa, kunwari wala pa rin. Tss. Nakakairita talaga! Yan, nahahawa nako kay Psyche. Enebeyeeeeeen.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Ano na namang gagawin ko sa buong maghapon diba? Haaaaaay.

Matawagan na lang kaya si Maxwell? Esh, wag na. Kay Psyche na yun e. Baka isipin pa niya nilalandi ko ang prince charming niya.

Hmm. Ano kaya talaga ang gagawin ko? I freakin' dunno!! Hayst.

Magreview na kaya ako para sa exams bukas? Naks, ang sipag ko namang estudyante! Too bad, tinamad nako. Hihihi.

Sumayaw na lang kaya ako?

Kumanta?

Gumawa ng story?

Manood?

Grrrrr. Diko alam gagawin ko!

Ting!

Matutulog na lang ako! Hahahahaha!

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon