Chapter 9

12 1 2
                                    

Si Tom po iyaaaaan!

Psyche's POV

"Good morning, Psyche Venice!" Masiglang bati ni Tamara.

"Likewise." Tinatamad kong sagot. Pinalo niya ako ng mahina.

"Grabe ka! Wala man lang kaeffort effort ang pagbati mo." Nakapout niyang sabi.

"Do I really need to put an extra effort for just saying good morning?" I raised a brow as I answered her.

"Of course! I'm your bestfriend after all." And she gave me her sweetest smile.

"My lunatic bestfriend." Bulong ko. Pinalo na naman niya ako.

"And you're a very mean bestfriend!"

"Ang sakit non, Tamara ha! Itapon kaya kita sa Pluto ng makita mo ang hinahanap mo." Pagbabanta ko sa kanya.

"OH MY G. OH MY G. OH MY G!!!!! Girls, did you hear the news na? Oh my G! I'm so kinikilig!" Sabi ng isang maarte naming kaklase ko. If I remember it right, her name is Jez.

"What is it ba girl?" Bored na tanong ni Sapphire. Known as the Queen Bee of this university.

"Nagshift si Tom Jay Williams! At kaklase na natin siya, few minutes from now!" Nagtitiling sigaw ni Jez. Nagsilapitan naman ang ibang kaibigan nila sa kanila habang kami ni Tammy e nagkatinginan. Anong trip ng kumag na yon?

Pakk!

"Shut up, Jez. He's all mine. No one will be on my way. I want Tom and he'll be all mine." At nilgpasan niya si Jez. Naiwan namang tulala ang kawawang nilalang.

See? She's a total btch. What would I expect from the Campus Queen Bee? All the btchy things, of course.

"Hoy? Tulala kayong dalawa?" Tanong ni Max. Bumalik kami sa realidad ni Tammy.

"Alam mo na ba, Max? Nagshift na raw si Tom ng course. MedTech na rin siya. Haaaay. Sana pati si Papa Andrew para naman may inspirasyon ako." Nangangarap na sabi ni Tammy. Mabatukan nga.

"Aray naman, Psyche!" At binatukan din ako ng gaga.

"Aba, aba!" -Ako

"Tama na yan. Baka magsapakan pa kayo niyan e." Natatawang pang-aawat ni Max.

"Sinasayang kasi ni Psyche kagandahan ko Max e. Kainis." At nagpout siya.

"Kagandahang pinagsasabi mo diyan, Tammy? Wala ka kayang ganon." Pang-aasar ko sa kanya. Biglang siyang namula tanda ng pagkakaasar niya.

"Psyche!" Sigaw niya at balak na yata akong bigyan ng isang malakas na batok. Agad naman hinawakan ni Max ang braso niya.

"Kagandahan mo lang ang sinasayang ni Psyche? Yung puso ko kasi sinasayang niya e." Seryosong sabat ni Max. What the. Tumigil naman si Tamara at naupo ng maayos. Tiningnan niya ako ng mapang-asar.

"See, Psyche? Puso ni Max sinasayang mo." At inilabas niya ang dila niya.

"Sandali nga maghahanap ako ng cutter dito sa bag ko at puputulin ko yan." Sagot ko at akmang maghahanap na sa bag ko ng nagsalita uli si Tammy.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Psyche. Hahaha!"

Napatigil ako bigla sa ginagawa ko.

Napakatahimik naming tatlo. Ay putek. Parang ang ingay lang namin kanina ah? Anyareee?

Nakatingin silang dalawa sakin na para bang naghihintay ng sasabihin ko.

"Okay, anong sasabihin ko?" Tanong ko. Poker face pa rin si Max samantalang pinanlakihan ako ng mata ni Tamara.

"Err, sorry Max?"

"Wrong answer, Psyche." Cold niyang sagot. Ay tae. Problema neto.

"Ano dapat ang sagot?" Tanong ko sabay taas ng kilay.

Inilapit niya ang mukha niya sakin at halos one inch na lang ang pagitan namin.

O.....kay?

Nararamdaman ko na ang pamumula ko. Nakatingin lang si Max sa mga mata ko. Bahagya siyang ngumiti na lalong ikinamula ko. Bakit parang ang gwapo ni Max ngayon?

Halos hindi na yata ako makahinga. Bakit ganon? Nakakainis. Gusto ko sanang itulak tong si Max kaya lang hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa.

"Hindi ko alam na ang cute mong mamula, Psyche." Nakangisi niyang sabi. Nak ng tokneneng! Ang bango ng hininga niya. Amoy na amoy ko pa ang pabango niyang napakamanly.

Iniwas ko na lang ang tingin ko at bahagya siyang itinulak sa may dibdib niya.

"U-umalis ka nga jan, Max."

Ngumiti ang loko.

"Ayoko."

"Eee, alis na kasi Max. Nakakahiya."

Lalong lumawak ang ngiti niya.

"Ayoko."

"M-max naman e."

Napakagat siya sa labi niya sabay iling. Ay potek. Bakit niya kinagat yung labi niya. Napatingin ako sa labi niya sabay napakagat na rin sa labi ko. Anak ng tokwa! Ano tong ginagawa ko?!

"Sobra na pamumula mo, Psyche. Haha." At hinalikan niya ako sa noo bago umalis. Doon pa lang lumuwag ang paghinga ko. Grabe!

"Yiiiieeeeee, si Psyche! Gusto na rin niya si Maxwell!" Pang-aasar ni Tamara.

"Tse! Tumahimik ka ngang bruha ka." Sumbat ko sa kanya sabay tayo.

"San ka pupunta, Psyche?" Tanong ni Max. May halong pag-aalala yung boses niya.

"Sa CR lang. Sama ka?" Sarkastiko kong sagot. Hangga't maari dapat composed ako. Dapat hindi ako apektado kay Max. Nantritrip lang yan e.

Nginitian niya lang ako kaya nagmamadali nakong umalis. Pagkapasok ko sa CR, sakto walang tao. Napatingin ako sa repleksyon ko.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko ng maalala ko kung gano kalapit ang mukha ni Max sakin kanina pati na rin ang pagkagat niya sa labi niya. Tae, nakakaewan!

Pagkatapos kong mahimasmasan (buti na lang walang tao sa CR kanina kundi nagmukha na akong tanga) naglakad nako pabalik ng room.

"Psyche!"

Napalingon ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"What?" -Ako

"Cold as always!" Nakangiting sagot niya sabay akbay sakin.

"Get your hands off me, Tom!" Iritang sabi ko sabay tanggal ng nakaakbay niyang kamay sakin.

"Woah, woah. Easy, okay? I'm just happy to be your new classmate! You should be welcoming me with a warm hug. C'mon!" Umakto siyang yayakapin niya ako kaya lang, huh! Swerte niya kung papayakap ako sa kanya. Pinahalik ko sa mukha niya ang maganda kong palad.

"In your dreams, Mr. Williams. Don't you dare."

"Awww! Too bad, my Psyche wouldn't let me." Nagpout pa ang kumag.

"Stop pouting. You look like an idiot. And I'm not yours to begin with." Naglakad nako at sumunod naman siya sakin.

"My fans say I'm so cute and hot whenever I pout so I do it all the time. Right?" Sagot niya sabay kindat sa isang babaeng nadaanan namin. Narinig ko na lang na tumili yung babae. Baliw. Tskk.

"And don't worry. You'll be mine soon."

Napatigil ako. Hindi dahil sa sinabi ni Tom kundi dahil kay Max na nasa harapan ko ngayon na sobrang sa ang tingin sa kasama ko.

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon