Psyche's POV
Naglalakad ako papuntang Music Room ngayon. Nakatingin ako sa covered walk palabas ng campus. Ang dami kasing tao. Anong meron? May artista ba?
Pake ko ba diba? Kahit dumating ang mga assassins jan galing sa Killer Website na nissassabase.com wala akong pakealam.
Pero teka, si Tamara yun diba? Wewewait! Si Maxwell yung kasama niya. At may isang pugita na nasa tabi ng baliw kong bestfriend. At nagpose pa sila. Langya!
Camera na naman.
Nakakairita na talaga! Nakakabwisit! Sa sobrang inis ko, naglakad na ako papuntang music room. Tsk.
Pagkapasok ko...
"Heeeeey! Look guys, it's the new member of the band! Say hi, Psyche!" Tuwang tuwang sabi ni Andrew at ihinaharap sakin ang camera ng phone niya. Kumukuha pala siya ng video na ipopost niya sa Facebook page ng Sibyl Band. Tsk.
"Hi." Maikli kong sagot at hindi nako nag-abala pang tingnan ang camera. Umupo agad ako sa isang sulok.
"Looks like our new member is really the Camera Hater! Hahaha! Sorry guys! We might not be seeing Psyche often in our videos and pictures but we'll make sure you'll hear her voice throughout! Bye guys!" Sabi uli ni Andrew at inend na niya ang pagvivideo.
Napakatsk na lang ako. Kung hindi lang dahil talaga sa allowance dito di ako sasali e. Napatalsik kasi ako sa coffee shop na pinagtratrabahuan ko. Sinira ko lang naman kasi yung camera nung customer namin na gustong magpapicture kasama ako. Nakakainis e. Ilang beses nakong tumanggi pero wala pa rin. Kaya yun, sinira ko na. Kailangan ko neto. Kailangan ko ng pera.
"So, Psyche. Welcome." Nakangiting sabi ni Harrison. Urgh.
"It's the second time you welcomed me. Don't you have any plans on stopping?" Malamig kong tanong. Nakakabadtrip e. Tss.
"You don't seem to like people around you, huh, Psyche? How are we going to rehearse if that's the case?" Tanong ni Tom sakin. Napakaseryoso ng mukha niya.
"This is me, Mr. Williams. And there's nothing you can do do about it. Don't worry, if it's about the rehearsals, I would gladly cooperate." Nakangisi kong sagot. Tumango na lang siya at may ibinigay na libro sa akin. Tiningnan ko at song book pala ito. Narito yata lahat ng kantang gusto nilang kantahin.
"We have rules here, Psyche. Since you're now a member, you should follow it. It's on the back page of that." Sabi niya ng nakangiti at umalis na. Pumunta siya sa stage para ayusin ang mga gamit kasama ang magkapatid na sina Andrew at Harrison.
Binuklat ko naman ang back page ng libro.
Do's and Dont's
1. Actively participate in the band's activities. Huh? Kaya ka nga band member diba? -_- pakulo neto? Tsk.
2. Always smile. So kahit mag-isa ka nakangiti ka pa rin? My gosh! Baliw ang gumawa neto.
3. Talk with the people around you. Teka, nakakahalata nako ha. Parang laging kabaligtaran ko ang sinasabi dito. Argh.
4. Members should always be seen in the Facebook page of Sibyl. What the. Ayoko nga! WASTE OF A TIME!
5. You should at least have another club besides Sibyl Band (Music Club). Grrrr! E wala na ngang matinong club na iba e!
If you were not to obey this, no allowance. I'll be watching you. -The Manager
Okay. Gaguhan na ito, promise. The manager?! Wala nga yata akong alam na manager ng bandang to e!
"So what are your other clubs?" Tanong ko sa tatlo at lumapit sa kanila. Tumigil si Andrew sa ginagawa niya at ngumiti ng napakatamis sakin. Tsk. So much with Rule #2.
"I'm in the Soccer Club!" Sagot niya. Boring. Magpapakabaho ka lang don. Tsk.
"I'm on Theater Club." Nakangiti ring sagot ni Harrison. So actor to? Hmmm.
Pake ko?!
"And I'm in the photography club." Ngising sagot ni Tom sabay kuha ng picture sakin.
"What the hell!" Singhal ko dito pero tumawa lang siya! Nakakainis!
"What? It's just a camera, Psyche! C'mon!" Sagot niya habang tumatawa. Di ka nakakatuwa.
"I hate cameras. I hate everything about it." Seryosong sagot ko. Pero etong si Tom di papatinag sa pambwibwisit sakin.
"And why?" Ngiting asong tanong niya. Urgh. Mukha kang aso!
"It's one of the most wonderful things in the world! It captures every moment you have! It serves as a remembrance. Isn't it amazing?" Singit naman ni Andrew at kinuhanan din ako ng picture. Lalo tuloy akong napasimangot.
If it is amazing, then I shouldn't feel the pain right now.
Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.