Psyche's POV
Isang linggo na simula nung sinumbatan ako ni Tamara. Isang linggo na rin niya akong hindi kinakausap. Si Max naman, hindi na siya gaya ng dati na dikit ng dikit sakin at lagi akong kinakausap. Yung mga ngiti niya sakin, hindi na gaya ng dati na umaabot sa mga mata niya. Mga tipid na ngiti lang ang binibigay niya. Anong nangyayari?
Si Tom naman, ganoon pa rin. Hindi nagbabago. Si Tris, napagkakamalang boyfriend ko. Ayaw niya kasing ipaalam ko sa ibang tao na twin brother ko siya. Hindi ko alam kung bakit.
"Hey, are you alright?" Untag ni Tom sakin.
"Y-yeah."
"Ya' sure?"
"Of course."
"Sibyl band, you'll be out in five minutes." Sabi ng staff samin. May program kasi sa school at inanyayahang tumugtog ang banda. Kanina pa ako lutang. Kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.
"Hey, Psyche. Relax, okay?" Nakangiting wika ni Andrew. Binigyan ko na lang siya ng isang pekeng ngiti.
"C'mon, let's get out instruments." Sabi naman ni Harrison kaya sumunod na ako sa kanila. Tinitigan ko ang acoustic guitar na hawak ko ngayon.
"Hey, Psyche. They're calling us. C'mon. Smile, okay?" Nag-aalalang wika ni Tom. Tumango lang ako at lumabas na. Ako kasi ang lead singer ngayon. Tae. Kaya pala kinakabahan ako. Ngumiti lang ako sa audience. Una kong nakita si Tris na nakangiti sakin. Binigyan niya ako ng isang thumbs up.
Nagsimula ng magplay ang piano.
Pero nyemas. May tumapat na photographer sakin at pinicturan ako. Hindi ko alam kung bakit pero napaatras ako at napasigaw. Iba ibang alaala ang nagflash sa utak ko.
"M-mommy! D-daddy! T-tris!" Umiiyak na sigaw ko. Hindi.
"Aaaarrrrrrgggggghhhhhhh!" Ang sakit ng ulo ko. Nakita ko na lang ang mga kabanda ko na nakapaligid sakin. Pero tuloy pa rin ang hagulgol ko. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Mga alaalang ayaw kong balikan pero nandiyan pa rin. Nakikita ko pa rin.
"Tumabi nga kayo diyan!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Naramdaman ko ang pag-angat ko mula sa semento.
"Psyche, sandali lang, dadalhin kita sa ospital."
At nawalan na ako ng malay doon.
Tamara's POV
Kanina pa naglalakad ng pabalik balik sa harapan namin si Max. Halatang hindi mapakali. Sobra yatang nag-aalala kay Psyche. Kahit ako naman e, nag-aalala ako. Nung nakita kong sumigaw na sita ng magflash ang camera, nagpanic na ako. Nagulat na lang ako ng nakita ko si Max na nasa stage na. Nasa likod siya ng gym noong nangyari yon e. Mahal talaga niya si Psyche.
"Max, pwede umupo ka? Nakakahilo ka na e." Pang-aawat ko sa kanya. Pero wala pa rin e. Katabi ko ngayon si Andrew, sa kabila ko si Tris, tapos si Tom at Harrison ang nasa side ni Andrew. Kung walang eksena ngayon, malamang kanina pa ako kinikilig kasi katabi ko si Fafa Andrew. Pero syempre. Set aside muna ang kalandian. Nag-aalala pako kay Psyche e.
"Sino sa inyo ang kamag-anak ni Ms. Villafuerte?" Tanong ng doctor na lumabas.
Walang umiimik samin. Nyeta. Ako na nga lang.
"Wala po samin doc e. Kaibigan po kaming lahat. Kamusta na po siya?" Tanong ko.
"Okay naman na siya. Pwede na siyang umuwi mamayang hapon. Nastress lang siya masyado." Nakangiting wika ng doctor. Nakahinga naman kami ng maluwag at pumasok na sa kwarto ni Psyche.
Pagkapasok namin, si Tris ang unang lumapit at yumakap sa kanya.
"Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Pinag-alala mo ako, Ven!" Wika nito at mukhang iiyak pa. Utot mo. Katabi ko lang si Max na tahimik na nakatingin sa kanila. Lumapit na rin sila Tom, Andrew at Harrison sa kanya. Lumapit na rin ako.

BINABASA MO ANG
The Camera Hater
RomanceWith just five shots, my life turned out into something I never expected.