Chapter 14

10 0 0
                                    

Max's POV

Anak ng kupido naman, oo! Nadagdagan ba ang kaagaw ko kay Psyche? Tskk! Nakita ko kasing hinatid ni 'Tris' si Psyche sa room kanina. May matching halik pa sa pisnging nagaganap!

Tokneneng. Hindi pa nga ako nakakaisip ng move against Tom, may Tris na naman?! Salot yata sa buhay ko ang mga T na tao.

"Hoy, Max!" Bulyaw ni Tamara. See? T na naman!

"Ano?" Inis kong sagot. Napakawrong timing mo naman e Tamara.

"Problema mo? Tskk. Kita mo yung poging kasama ni Psyche kanina? Hihi." Kinikilig na sabi niya.

"Aba, aba. Ako lang yata ang pogi para kay Psyche." Pagmamayabang ko.

"Lul!" -Tamara

"Tamara, nabanggit na ba sayo ni Psyche yung lalaking yun?" Tanong ko. Malay ko ba kung makakuha ako ng info sa babaeng to diba?

"Hmm, wala pa naman. I bet hindi pa yon magsasabi. Knowing Psyche, kailangan ko munang magtanong." Explanation niya.

Napahawak ako sa baba ko. Hmm..

"Tanungin mo nga, Tamara. Please. Please please please? Puh-lease????" Sabay puppy eyes. Hehehe.

"Yuck, Max! Mukhang kang askal! Tigil mo nga yan. Oo na, oo na!" Sabay pahalik sa mukha ko ang palad niya. Grabe naman. Sa pogi kong to? Hahaha!

"Oo na! Tsupi, tsupi!"

Naglalad lakad na muna ako. In 30 minutes pa naman ang next class ko so magaunwind muna ako. Lately, naeewan na ako ng dahil kay Psyche. Nak ng teteng.

Habang naglalakad ako sa soccer field, nakita ko si 'Tris' na nasa ilalim ng favorite na puno namin ni Psyche. Aba, nang-aagaw ng pwesto. Lumapit ako sa kanya at nakita kong nagbabasa siya ng isang novel. Attachments ni Rainbow Rowell iyon, isa sa mga paborito ko at paborito ni Psyche. Tskk. Gaya gaya.

"What do you want?" Malamig na tanong niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ano mo ba si Psyche? Bakit hinatid mo siya kanina?" Deretsong tanong ko. Basta pagdating sa mahal ko, ayoko ng paligoy-ligoy pa.

"We're living under the same roof. I provide all her needs. What's the problem with that? I do what I want to do. You're out of  it." Malumanay naman niyang sagot.

T-teka.

Iisang bubong?

Magkasama sila ni Psyche sa iisang bubong?

Wow. Just wow.

"I don't like you. You're too arrogant. You act like Psyche's boyfriend where in fact, you're not even close in getting that title." Dagdag pa niya.

Ego ko. Tae yung ego ko. Yung malaman mong yung babaeng matagal mo ng pinapangarap, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking galing daw sa past niya. Wow naman.

Ano ba ang dapat kong naramdaman? Hatred? For what?

Tama naman siya diba? I'm not even Psyche's boyfriend but I act like one.

Ni hindi nga raw ako malapit sa pagiging boyfriend niya.

Naglakad na lang ako pabalik ng room. Sana hindi na lang ako labas. Nasira na araw ko e.

Tamara's POV

"Psyche."

"Hmm?"

"Sino yung naghatid sa'yo kanina? Boyfriend mo? Grabe Psyche ha. Nakakatampo ka na. Di ka na nagsasabi sa bestfriend mo." I jokingly said.

Tiningnan niya lang ako at yumuko siya pagkatapos.

"He's Tris. That's all I can tell." She said. Kitang kita ko sa mukha niya na ayaw niyang pag-usapan iyon.

"Tris? That's all? I was asking kung boyfriend mo siya." I said with a mocking tone.

"I promised him. I wasn't able to keep my last promise kaya bumabawi ako ngayon. Please, Tamara, understand." She asked pleadingly.

"Hah! What about your promise to me, Psyche? No more secrets, right? Ako ang nagpaalam sayo nung audition sa Photography Club and yet hindi ko alam kung umoo ka ba o hindi. I was waiting for your answer. Kung hindi ko pa narinig na inaya ka ni Tom, hindi ko pa malalaman. Pumunta ako sa boarding house mo kagabi pero lumipat ka na pala. Hah! Para akong timang na nandoon, nakatingin lang sa pintuan mo. May phone naman diba? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin? Maliit na bagay, Psyche. Oo, maliit na bagay pero tae lang. Masakit dito e. Masakit sa puso. Nga naman, ano lang ba ako? Bestfriend na pinagpipilitan ang sarili sayo. Edi wow!"

Yung sama ng loob ko. Oo, sumama ang loob ko kay Psyche. Pero kunwari wala na lang para maging okay lahat. Kaso sumosobra na e. Nakakainis na. Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya tumulo na ito. Marahas kong pinunasan ito at umalis sa harapan ni Psyche.

"Tammy! Sandali lang."

Pero patuloy pa rin akp sa paglalakad. Nakabangga ko tuloy si Max na mukhang wala sa sarili.

"Max?" Pero hindi man lang niya ako tiningnan. Nakatingin lang siya sa likod ko. Ah, oo, si Psyche.

"M-max?" Nauutal na sambit ni Psyche. Pero si Max, nakatingi  lang sa kanya. Emotionless ang expression ng mukha niya ngayon. Problema neto?

"Hi, Psyche." Sagot nito at tumingin agad sakin. "Tamara, may pupuntahan ka ba? Samahan mo muna ako." At hinila na niya ako. Ni hindi man lang ako nakasagot.

Dinala ako ni Max sa garden ng Sibyl University.

"Tamara? Iditch muna natin next class natin oh. Ayoko munang makita si Psyche." Pagmamalaawa niya.

"Huh? Anong nangyari at ayaw mo siyang makita?"

"Nakita ko si Tris kanina."

Kumunot ang noo ko. Knowing Max, kinausap niya ito.

"And?"

He heaved a deep sigh bago sumagot.

"Nakatira raw sila ni Psyche sa iisang bubong." Nahihirapang sagot niya.

What?! Wow naman talaga Psyche. Kaya ka pala lumipat kasi may kasama ka na. Tskk.

"Since when? At ano ba niya si Tris?" I asked with an angry tone.

"Yan nga dapat ang tatanungin ko sayo e. Ang sinabi lang ni Tris arogante ako at ayaw niya sakin. Pumapapel daw ako bilang boyfriend ni Psyche kahit hindi naman talaga. Tsaka ni hindi nga raw ako malapit sa pagiging boyfriend niya e." Litanya nito na nakayuko.

That bastard! Who is he to tell that?!

"Well, ang sagot sakin ni Psyche e, 'He's Tris. That's all I can tell.'"

Lalong lumungkot ang mukha ni Max.

"Wala na yata akong chance sa bestfriend mo, Tamara." Nakita kong tumulo ang luha niya pero agad niyang pinunasan yon. "Hindi na yata ako magiging Psyche's boyfriend. May Tris na e."

Ngayon ko lang nakita si Max na umiyak. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan niya kay Psyche ito na yata ang pinakaheart breaking.

Pero syempre #TeamPsyMax pa rin ako. Kahit naman nagtatampo ako kay Psyche e mahal ko pa rin yong gagang yon.

"Umayos ka nga, Max. Hindi niya asawa si Psyche! Kayang kaya mo yon! Huwag ka ngang praning!" Pangaalo ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin with hopeful eyes.

"Talaga, Tamara?"

"Yep! Kaya tara na, bawal magditch ng class. Bawas pogi points kay Psyche yun." At hinila ko na siya pabalik sa classroom.

Psyche, sana marealize mo ang halaga ng mga tao sa paligid mo.

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon