Chapter 29

5 0 0
                                    

Max's POV

Ang saklap! Ang saklap ng buhay ko!

Akalain niyo bang partner ko sa pagkuha ng litrato si Tom ngayon?!

Grabe naman, tadhana! Gusto mo na yata akong gawing kriminal e! Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa bwisit na to. Oo, mas ayos na sa akin na si Tris ang partner ni Psyche kaysa sa kumag na 'to. O kaya mas maayos kung ako na lang.

Ms. Ramirez naman kasi e. Ang galing magbigay ng partners. Kainis.

Ngayong umaga, ang dance sports at volleyball exhibition kasi ang events. Ang usapan, kami ni Tom ang kukuha ng litrato sa mga estudyante na nanonood ng dance sports at volleyball. Tapos si Psyche at Tris sa sandamakmak na estudyanteng nasa booths ngayon. Mga tamad manood at pagkain lang ang inaatupag o di kaya pagbili ng mga souvenirs.

Nakakuha na kami ng ilang litrato ng mga kasali sa dance sports sa Sibyl Arena (kung saan ginaganap ang karamiha sa mga events) kaya papunta kami ngayon sa gym para sa volleyball exhibition.

"I won't say sorry to what I did yesterday." Pangsisimula ko. Hindi talaga ako magsosorry. "I meant every punch I gave you, and I don't regret it."

Tahimik lang siyang nakayuko at naglalakad. Halata pa rin sa mukha niya ang mga pasa na galing sa panununtok ko kahapon. Sila ang nanalo, pero dahil duguan ang mukha ni Tom at wala si Psyche, si Dean Gago na ang kumuha ng award. Sabi ng ibang estudyante, nadala raw silang lahat sa ginawa nila Tom at Psyche. Nakakakilig daw. Pinatunayan na may forever. Tss. May halikan lang, may forever agad?

Inaasahan kong ipapatawag ni Dean Gago kami pero hindi naman. Baka bukas, pagkatapos ng Sibyl Festival. Ready na ako. Haha.

"I was just carried away yesterday." Halos pabulong na wika niya. Tiningnan ko siya pero nakayuko pa rin siya. "I promised myself I won't do anything stupid on the performance. I know it's all an act... and there's no way I should kiss her."

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita uli, "But during the performance, I forgot that 'twas an act... and that she's not even mine. Because I saw her face smiling, she smiled like she was really in love with me. I had the urge to kiss her, and I did. Only to end up being slapped, and being punched. I deserved all those... for being stupid... for being a jerk. I bet all my money in my pocket, she loathes me right now."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Pero wala akong pakialam. Hinalikan niya si Psyche.

"Still, you should have not done that." Inis kong wika at nauna ng maglakad. Kumuha na ako ng mga litrato at nanood saglit sa mga naglalaro.

Nakita kong nasa kabilang side si Tom at doon kumukuha ng mga litrato.

New message.

From: Tamara
Lunch. 12nn. Cafeteria.

Anong oras na ba? 11am na pala. Isang oras pa.

To: Tamara
Okay.

••

"Max!"

Nakita ko si Tamara na kumakaway sa pinakadulong table sa cafeteria. Nandon din si Psyche at si Tris. Agad akong lumapit sa kanila at tumabi kay Tamara. E sa katabi na ni Tris si Psyche. *pout*

"Hoy, bakit ka nagpapout diyan ha? Tusukin kaya kita ng tinidor!" Sigaw ni Tamara. Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

"Masama na bang magpout? Nagugutom na ako e." Sagot ko naman.

"Sus! http://www.palusot.com/hindinakalusotangpalusot" Pambabara ni Tamara. Hindi ko na lang pinansin at bumaling kay Psyche. Nakatingin siya sa akin. Hoho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Camera HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon