Chapter 27* End of BreakMarch.
The break is over. Back to school na naman, but still, hindi pa rin kami ayos nila Timothy. I'm still cold towards them. Kahit kina Lee Rin, di na ako masyadong namamansin, nadadamay sila sa problema ko. Hays. Bahala na, wala akong pake. Tsk
Tinali ko na yung sintas ng sneakers ko at kinuha ang bagpack ko na may laman ng lahat ng gamit ko. May dala akong laptop, clear folders, ballpen, lapis, atbp. Bumaba na rin ako maya-maya.
"Good morning bunso."bati ni ate Sha sakin sabay ngiti. Halata namang pilit na ngiti lang yun, ang akward nya tignan eh. Nakakairita. Tss
"Morning."sagot ko sabay upo. Kumuha na ako ng plato at naglagay ng fried rice, sausage at fried egg. Nagsimula na rin akong kumain. Naramdaman ko namang tinititigan nila ako kaya itinaas ko ang ulo ko. Sabay-sabay naman silang umiwas ng tingin. Tss. Halata sila.
Nung matapos na akong kumain, tumayo naman ako at pinunasan ang bibig ko habang naglalakad patungong CR. Isinakbit ko naman sa magkabilang balikat ko yung bagpack tapos nagsipilyo. Pinony-tale ko naman yung buhok ko. Pagkatapos, lumabas na din ako ng banyo.
"I'm going."sabi ko gamit ang malamig na tono ng boses.
"Ihahatid na kita, Ai."paanyaya ni kuya.
"Oh, no thanks. Si Verlene na lang ang ihatid mo, kuya. Ge bye."sagot ko at tinalikuran ko na sila. Lumabas naman ako ng bahay at good thing, may dumaan na TAXI sa tapat ng bahay namin. Di na rin ako nagpahatid sa driver namin, nakakasawa.
Makalipas ang ilang minuto, nasa tapat na ako ng gate ng CEU. Inabot ko naman yung bayad ko sa driver at bumaba na ng TAXI.
Nilibot ko naman yung tingin ko sa paligid. Wala namang nagbago. Parehong-pareho lang yung itsura nung last naming punta dito. Nadaanan ko naman yung field. Tss, bakit ko ba naalala yung sinungaling na lalakeng yun? Dapat sa kanya hindi inaalala, eh. Pinagmumukha lang akong tanga at walang kwenta.
Sa wakas, dumating na rin ako sa first subject na room. Medyo madami na ang nandon sa loob at lahat sila busy sa pag-uusap. Panigurado, nag-uusap yan tungkol sa bakasyon nila. Ganun naman talaga lagi eh.
"Hi Ailene."bati ni Aszrea sakin. Tumango naman ako sa kanya. Mukhang nabigla naman siya sa inasal ko. Dati kasi, binabati ko rin siya at ningingitian, kaya nakakapagtaka lang din para sa kanila. Umupo na sa may likuran katabi nung bintana.
Ang iingay nila. Nakakabwisit, tsk. Ibinaon ko na lang muna yung ulo ko desk nung arm chair at pumikit. Medyo inaantok pa kasi ako. Saka, nakakatamad tumunganga.
Nakita ko namang dumating ng sabay sila Lee Rin at Cy, pero binaling ko ang tingin ko sa labas. I saw her sad expression while Cy is tapping her back. Tss, wala akong pake.
"Good morning, class!"And after a super long wait, atlast, dumating na rin yung napakabagal naming English teacher. -_-"
"Good morning, ma'am."bati nila pero di ako kasali. Nagsalita naman siya.
"Excused ngayon si Mr. Padilla sa class, guys. May importante raw na lakad."I roll my eyes. Anong pake namin? -_-
"Can't we just start the discussion?"sabi ko kay ma'am. Yeah, sinabi ko talaga sa kanya at kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Di ko naman kasi sila sinusumbatan noon eh. Gaya ng sabi ko, NOON yun. Iba na ngayon. Hindi na ako ang mabait na March Ailene. Tss
"O-okay, Ms. Zaragosa. Class, turn your English book into Chapter 44 page 77."pagkasabi niya nun, kinuha ko na din ang libro ko sa bag. Our prof started discussing and I'm jotting notes about what she said because that is an additional points which can't be found in the book.
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
Teen FictionNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...