Chapter 14* Group Date (Part 2)

535 23 6
                                    

Ambie.

Pagkaalis nila Timothy, bigla namang may babaeng dumating.

"Sho!!!!!!!!!"sigaw niya at niyakap si Sho. So siya yung fiance ni Sho? Hays. Umiwas na lang ako ng tingin, baka bigla akong maiyak dito eh. Tsk.

"Hi Sha."kumaway pa siya kay Sha at niyakap naman siya pabalik ni Sha. Bigla naman siyang umalis sa pagkakayakap nila at lumapit sakin at inabot ang kamay niya sabay,

"Hi. Ikaw ba yung bestfriend ni Sho? Nice meeting you. I'm Kristine."Shit. Bestfriend. Ang sakit lang.

"Ambie. Ahm, n-nice m-meeting you t-too."sagot ko na lang at nakipagkamay ako sa kanya. Tch.

*ehem* "Let's go na? San tayo?"sabi ni Sha. Mukhang napapansin niyang akward na.

"Sa botique mo na Sha. Titingin-tingin raw to si Kris sa bagong labas mong designs."-Sho

"A-ah. Okay."sabi ni Sha.

Pagdating sa botique ni Sha;

"Waaaah!!!! Ang ganda naman nitooo!!! I'm gonna buy this!"sabi ni Kris at binayaran na yung dress na nakita niya.

"Hahaha. Good thing nagustuhan mo. Ahm, okay lang ba kung ako mag-design ng wedding gown mo?"ouch. Tanggap na talaga ni Sha si Kris.

"T-talaga? Thank you Sha!"sabi ni Kris at pinagyayakap siya nito.

"No problem. San tayo kakain? 11:30 na. Ikaw Ambs? San mo gusto?"sabi ni Sha sakin.

"Yellow cab na lang."sabi ko at kumain na kami roon. Pizza at spaghetti kinain ko. After naming kumain, umalis muna si Sho kasi ihahatid raw niya pauwi si Kris.Seriously? Pang-ilang beses ko ng binanggit ang pangalan niya?Tsk.

Nasa may coffee shop kami, umuupo at umiinom ng frappes habang hinihintay si Sho na bumalik. Babalik pa raw kasi siya. Sasamahan niya raw kami kasi puro kami babae.

"Ambs, tapatin mo nga ako. Are you still inlove with my brother?"biglaang tanong ni Sha sakin. Then, my tears suddenly flow. Buti na lang, nasa may likod kami at kami lang tao rito.

"I-I don't know! But w-when I see him with someone else, my heart just shatter into pieces."sabi ko sabay punas sa mga traydor kong luha. Pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita ko.

"A part of me wants to move on kasi ang sakit-sakit na rito."sabi ko sabay turo sa dibdib ko kung saan naka-locate ang puso ko.

"Sobrang sakit na. Pero a part of me also still believe na may pag-asa pa kami kahit ang totoo, wala na talaga. Wala na talaga!! Lalo na ngayong engage na sila ni Kris! Wala na akong pag-asa! Wala na KAMING pag-asa!! Wala na. W-wala *sob* n-na."lalo akong napahagulhol sa mga sinasabi ko. Bakit kasi sa taong di ako kayang mahalin pabalik ako nahulog? Tanga rin tong puso ko eh!!

"Sssssh. Okay lang yan. Ilabas mo lang lahat yan. Magiging okay ka rin."sabi ni Sha sabay yakap sakin. That's why I really love my bestfriend.

"S-sana *sob* maging o---*sob*--kay nga ako kasi. *sob. Di ko na kaya ang sakit. Sobrang sakit na.  Bakit kasi sa lahat ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Bakit siya pa ang minahal ko?I even thought at first that it was just an infatuation but I was wrong. Kung alam ko lang sana, sana di ko na lang siya tin-nolerate dito sa puso ko. Sa dami ng lalakeng nakakasalamuha ko, bakit si Sho pa ang minahal ko?"sabi ko at patuloy paring umaagos ang mga luha ko.

"A-ano? Ma-mahal mo ko?"wait. I think I just wanted to faint.

Aisho.

"S-sana *sob* maging o---*sob*--kay nga ako kasi. *sob*. Di ko na kaya ang sakit. SObrang sakit na. Bakit kasi sa lahat ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Bakit siya pa ang minahal ko?I even thought at first that it was just an infatuation but I was wrong. Kung alam ko lang sana, sana di ko na lang siya tin-nolerate dito sa puso ko. Sa dami ng lalakeng nakakasalamuha ko, bakit si Sho pa ang minahal ko?"Wait what? Mahal niya ako?

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon