Chapter 33* THEIR Time (Take Two)

520 20 9
                                    

Crysthell.

'Bakit ganun? Why do I always feel the essence of being left? Lagi nalang akong naiiwan. Sobrang nakakapagod na, ayoko na. Pano kung ako kaya ang mang-iwan? Iiyak din kaya sila? Ganito din kayang sakit ang mararamdaman nila pagnawala ako? Baka naman magpapa-party pa sila dahil sa pagkawala ko. Siguro nga.'

That's what I thought pagkaalam ko sa balitang nangyari sa mga magulang ko. Lagi na lang silang trabaho na kahit nung birthday ko wala sila para magcelebrate kasama ko. They said we will have a post-birthday party as soon as makauwi sila pero katulad ng dati, hindi na naman natupad! Lalo ngayong wala na talagang pag-asang mangyari 'yun! Kasi wala na sila! Iniwan na nila ako!

Pero nung nakausap ko si ate Archie (March), naliwanagan ako. Hindi din naman nila ginusto ang nangyari sa kanila. Saka kaya sila laging wala para sakin, dahil nagtatrabaho sila to make my future even brighter. But the fact that I'm alone, makes me wanna cry.

Seven calling....

Napangiti naman ako ng malapad. Hindi pa pala ako mag-isa, andyan pa siya. Pero hindi pa kami, nanliligaw palang siya. xx

Sinagot ko yung tawag niya and the call goes like this.

("Babe? Okay ka lang ba?") He sounds so worried. He's always worried when it comes to me.

"Of course, okay na ako nung tumawag ka."narinig ko naman siyang napatawa.

("Aba nagiging corny ka na din babe, a. Hahaha! Wait,")narinig ko namang may nagdoorbell kaya tumingin ako sa may bintana and siya nga yun. Ngumiti naman siya sakin at kumaway. Naglakad siya papasok at nawala sa paningin ko. Pinapasok na siguro siya ni Kuya Guard.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko, I guess siya na yun.

"Babe!"sigaw niya at pumasok sa kwarto ko. Niyakap naman niya ako ng sobrang higpit, napakahigpit.

"Hoy bitawan mo ko! Hindi ako makahinga! Saka hindi mo pa ini-end call, ang yaman mo sa load ah!"sinigawan ko siya. Sanay na din naman siya, hindi ako si Kimberly Crysthell Z. Zapanta kung hindi may araw na nadaang walang sigaw siyang naaabutan sakin. :P

"Hays back to mataray mode ka na naman, babe. Na-miss lang naman kita e."nagpacute pa ang loko. Kung akala niya effective yun, pwes hindi, kasi sobrang effective! Tae, ang corny ko na. Nakakahawa talaga ang ka-corny-han nitong Pito'ng to.

"Syempre, mag-alala ka na kung hindi ako nagtaray sayo!"sabi ko sa kany at binelatan pa siya. Tehehehe!

"Oo nga, no... Tara gawa na tayo ng baby." All smiles pa ang loko. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko.

"Tae ka Pito! Manyak ka! Alis, alis!"pinaghahampas ko siya at pinagsusuntok. Akala niya papatulan ko ang kamanyakan niya, ha! Pwes, makakatikim siya ng TaeKwanDo moves sakin.

"Ba-aray-babe! Tama n-na oy! So--ouch! Sorry! Joke lang naman yun, oy!"

"Bwisit ka kasi, e!!"final move ko na to, sinuntok ko siya sa ng napakalakas sa sikmura.

"Babe! Sorry na! Joke lang naman yun, e. Huhuhuhu."mukha siyang ugok sa 'huhuhuhu' niya. Tsk!

"Oo na! Wag mo nang uulitin 'yon! Bata pa tayo para don!"sigaw ko sa kanya.

"So pagmatanda na tayo gagawin talaga natin?" Isang malakas na batok ang natanggap niya sakin.

"Joke lang, babe. Kumain ka na ba? Tara kain na tayo."ngumiti naman siya sakin. Masaya talaga pag-andyan siya kasi nakakalimutan ko ang mga problema ko...kahit saglit manlang.

"Sige."hinawakan naman niya ang kamay ko at naglakad na papunta sa kusina.

Thank you God, hindi naman pala ako nag-iisa. Kasi andyan ka, si Seven at sila ate Archie. :)))

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon