I Love You
Special Chapter 2*
(Time: Three days after special chapter I)
March.
"Timothy?" bulong ko sa pangalan niya pagkagising ko. Paglingon ko ay wala siya sa tabi ko. Oo nga pala, nag-away nga pala kami.
Bakit kami nag-away? Hindi ako yung tipong selosa pero madalas akong kinukutuban ng masama. Normally, he would go home early para makasabay niya kaming kumain ng mga anak niya. Pero nitong mga nakaraang araw, late na siyang umuuwi. Meeting raw, syempre nung una, naniniwala ako pero nung tumawag ako sa office nila, maaga raw umuwi. Kaya naman kinompronta ko siya kagabi pagkauwi niya. Talagang nagpuyat ako para lang makompronta ko siya. Mga alas-dose siyang dumating sa bahay.
Tinanong ko siya kung asan siya pumupunta nitong nakaraang araw at sabi na naman niya "Meeting nga kasi, tss." At ang nakakapagtaka, he sounds so pissed.
"Pero maaga ka raw umuuwi..." mahinang sambit ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya.
"Tumawag ka sa office?!" tumango naman ako.
"You should've not called! Baka akalain nilang nangangaliwa ako!" And doon na ako nagsimulang mainis.
"Bakit, TX?! I didn't told them about something! I was just merely asking!" sigaw ko sa kanya. He's so...he's so small-minded. Ewan ko, nakakainis!
"Kung akala mo sinisiraan kita, think again. Kaya nga kita kinompronta, para hindi ako magduda! Kasi kahit ganito ako, iniintindi padin kita!" And that's how it ended. Sa kwarto ng mga bata ko siya pinatulog, para ma-guilty siya, tss. Walang iyakan, nakatulog agad ako. Dahil sa sobrang inis.
Naisip ko naman na ito ang pinakamalalang away namin. Aish, bahala na!
Bumangon na ako dahil 5 am na din naman, at Friday ngayon. May pasok ngayon.
Naligo na muna ako kahit na sobrang lamig nung tubig. Medyo nasasanay na din naman ako dahil nga sa araw-araw ko na itong ginagawa.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, pumunta muna ako sa kwarto nina Kye at Kei. Nakita ko namang mahimbing ang tulog nilang tatlo kaya dumiretso na ako sa laundry area para plantsahin yung mga uniform nila, including TX's. Yeah, laundry area, andun ang ironboard at flat iron.
Matapos kong mamalantsa, ini-on ko yung heater at nagtimpla ng kape. Nagsimula nadin akong magluto ng agahan at pang-lunch ni Kye kasi wholeday siya.
Nagsalang nadin ako ng bigas sa rice cooker tapos hinugasan yon at nilagyan ulit ng tubig saka ini-on yung rice cooker at tinakpan.
Mga bandang alas-sais ko ginising ang mga bata at pinabayaan ko lang si TX, bahala siya dyan.
"Mommy captain, bakit sa kwarto namin natulog si daddy captain?" inosenteng tanong ni Kei sakin.
"Na-lock ko kasi yung pintuan ng room namin, baby. Kaya hindi siya nakapasok." I lied. Hindi ko pwedeng sabihin na nag-away kami. Makakasama sa mga bata.
Akala ko lusot na ako sa kanila, kaso nung si Kei naman yung naliligo, tinanong ako ni Kye.
"You two fought, right Mom?" he said. Hindi ako agad nakaimik.
"Hindi kami nag-away, Kye."
"Kung hindi kayo nag-away, why would he sleep in our room?" Napabuntong-hininga ako.
"Diba nga I locked our room's door?" umiling naman siya.
"He has a spare key in your room, Mom." Nakalimutan kong matalino ang anak ko. He noticed that. Hays, epic fail akong magpalusot.
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
JugendliteraturNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...