Ambie.
"Andoy, sigurado ka ba talaga na aalis ka na ng ospital ngayon?"tanong ko sa kanya. Pinipilit niya kasi ako, e. But I don't know if it's safe for him. Kakagising lang niya kagabi. Two days siyang tulog. Muntik na nga akong maloka dahil kakaiyak, e. Akala ko kasi di na siya magigising. Ambaliw ko pala, wala akong tiwala sa kapatid ko. Kung nagtataka kung ano yung sinabi ng doktor na nagpaiyak sakin, nevermind na lang. Di ko pa kayang sabihin, e.
"O-oo, ate. Kailangan kong dumalo sa espesyal na araw ng mahal ko. Baka magtaka pa yung kung bakit ako wala."sabi niya. "And besides, I can have my private nurse. Pagkauwi ko galing sa party, dun ako sa guest room na parang clinic natin."dagdag niya with his reassuring smile.
"Hay nako. Basta alagaan mo sarili mo, a? Pero, how about your birthday?"ngumiti naman ulit siya. All smiles si Andoy ngayon, a.
"Pupuntahan ko lang siya sa bahay nila at ilalakad. Magdedate kami para naman kahit papaano, maramdaman niya ang presensya ko."
Timothy.
Ngayon pa lang, nagi-guilty na ako kasi alam kong sooner or later baka bigla akong atakihin at masama pa, pwede akong mamatay. Nagi-guilty ako kasi di ko nasabi kay March na malala na ang sakit ko. Nagi-guilty ako, kasi di ko siya binigyan ng karapatang malaman ang katotohanan tungkol sa kondisyon ko. Nagi-guilty ako dahil baka maiwanan ko siya.
Kahit atakihin pa ako mamaya, di ko hahayaang masira ang kaarawan niya. Dapat kimkimin ko lang, dapat wag kong sabihin. I have to endure the pain just to run her away from pain. Martyr ba ako? Kasi inuuna ko ang nararamdaman ng mahal ko kesa sa sariling kalusugan ko? Hindi naman siguro, dahil lang siguro sa MAHAL KO TALAGA SIYA. Sa sobrang pagmamahal ko kahit buhay ko pa ang kapalit. Sana naman magustuhan niya 'tong regalo ko. Pinagpuyatan ko pa naman ito kagabi. Pagkagising ko kasi kagabi, kahit nanghihina akom gumawa pa rin ako ng regalo para sa kanya. Oo, gumawa. Gawa ko ang regalo ko sa kanya, para mas effort, para mas espesyal. Mahal ko, e. Mahal na mahal.
March.
Birthday ko ngayon. Kahit 9 AM pa lang, marami na ang nag-greet sa akin ng "Happy Birthday" pero di ko maramdaman na masaya ako ngayon kaarawan ko. Nag-aalala kasi ako kay TX, e. Sobrang nag-aalala. Tss, ayan na naman ako. Tumutulo na naman ang mga luha ko, naalala ko kasi yung pag-alis ko nung isang araw na hindi man lang tinutulungan. Nagi-guilty ako kasi di ako naging mabuting girlfriend sa kanya. Nagi-guilty ako kasi puro pasakit lang ang pinaparamdam ko sa kanya. Nagi-guilty ako kasi imbis na damayan siya nung mga oras na yun, umalis lang ako. Sobrang daming regrets na nasa utak ko, mga katanungan na di naman masasagot.
"Pasok!"sigaw ko habang pinipilit na pasayahin ang boses ko at pinunasan ko na din yung luha ko.
"Happy Birthday!"sigaw nila. Oo, sigaw nila ate Sha, kuya Sho, Mommy, Daddy at Verlene. May dala pa silang cupcake na nilagyan nila ng kandila.
"Salamat po!"ngumiti ako. Oh eto, di na pekeng ngiti ko. Hay, ang pamilya ko pa rin pala ang makapagpababalik ng ngiti ko, e. (Kaya dapat pahalagahan niyo ang pamilya niyo. Kahit laitin ka man nila *na lagi namang taliwas sa totoo*, kahit pangaralan ka naman nila, kahit nasaktan ka nila, pamilya mo pa rin sila.)
"Oh siya, kain na tayo ng breakfast, kids."sabi ni mommy. Itong si mama ginagawa kaming bata ulit. Tinawag ba naman kaming "kids". Oha? Hahahaha! Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa taas para magbihis. Pupunta na raw kasi kami sa venue. Partida 7:30 PM pa yung party tas 9:30 AM pa lang ngayon. Ang aga lang, diba? Pero di naman daw ako magbibihis dun agad. Para lang daw di kapusin sa oras. Nga pala, may intermission number pala ako mamaya. Di nga ako prepared, e. Sinabihan lang nila ako 4 days ago, yung kinompose ko raw na kanta yung kantahin ko, with matching piano pa. Yung napili ko namang kantahin ay yung THIS GUY. (A/N: Pakinggan yung audio, yan po yung tune. Sorry po, medyo out of tune ako. Original composition ko po yan. :D)
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
أدب المراهقينNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...