Chapter 13* Group Date. (Part 1)

756 21 3
                                    

Aisha.

"AILEEEEENNNNNEEEEEEE!!!!!!!WAKEE UUPPPPPPP!!!!!!"

"Ay anak ni Timothy! Ate naman eh! Wag ka ngang sumigaw! Kitang natutulog yung tao dito oh.Naman."sabi niya at nagtalukbong ulit ng kumot.

"HOOOOY!!!! ANONG ANAK NI TIMOTHY?HUUUUUUUUUH?!!!! GUMISING KA NA SABI!!!!!"sabi ko at patuloy ko siyang inaalog . -_-

"Ano ba kasi ate?"sabi niya habang kinukusot-kusot ang mata niya. 

"Diba sabi ko kagabi, punta tayo kila Ambie? Tsaka, gagala rin daw tayo."sabi ko. Mukhang nakalimutan nito ah. Tch.

"Huh? Oo nga no? Ay, ate. Pwede sasama kami sa inyo hanggang MOA pero may katagpo kami don?"tanong niya. Hmm. Not bad. Para masolo ko na din si Ambie.xD

"Sure. Sino katagpo mo? Si Timothy?"

"Ahm,yup. But, hindi lang siya. Pati si Cyriel, Lee Rin, EINZ, Verlene,Migo at LJ. Magbo-bonding lang kami."sagot niya.

"Ahh. Sige. Go. Maligo ka na."

"Sige."sabi niya at naglakad na siya papuntang CR. 

"Labas na ako ah!"sigaw ko, since nasa CR siya.

"Ok ate!"sigaw rin niya. 

Pumunta na ako sa kwarto ko at namili na ng isusuot. Sa sobrang dami kong hinablot mula sa closet ko, napagdesisyonan ko na  yung blue na dress ang susuotin ko na may flower designs. Naglagay rin ako ng make up. Light lang naman. Unlike others, they look like stupid in putting their make ups. Sobrang kapal kasi. 

Sinuot ko na rin yung earrings ko, necklace,watch and bracelet. Nagperfume naman ako at nagsuot ng 5 inches stilleto na may diamond sequencing pa. Kumuha na rin ako ng sling bag at nilagay ang phone ko, earphones,wallet,atm and debit card,ballpen, maliit na notebook, check, perfume, lip balm and eye liner. I'm ready. Pero,hoy! Alam kong nagwo-wonder kayo ah. Naligo na ko before pa ko pumunta kay Ailene. Naka-bath robe nga ako nun eh. Haha.

Lumabas na rin ako at bumaba. I looked at my watch, 8 am na pala. 9:30 am pa naman yung time na sinabi ko kay Ambie. Naglakad na lang ako papuntang kusina. Alangan namang sumakay pa. -_-

"Good morning, ma'am."sabi nung mga nakakasalubong kong mga maids.

"Good morning rin po manang."sabi ko at nag-bow pa ko. Nasanay na kasi ako sa Korea eh. Haha.

Pagdating ko sa dining table, nadatnan ko si mom na kumakain na habang si dad naman, umiinom ng kape habang nakatingin sa laptop niya at may hawak na file.

"Good morning umma,appa."sabi ko at hinalikan ko sila sa pisngi.(mama,papa)

"Oh,good moning Sha. Tuloy ba kayo nila Bella?"sabi ni dad sakin pero tutok na tutok pa rin siya sa screen. Hay. Napakaworkaholic talaga ni dad. Si mom medyo lang. Hehe.

"Opo dad."sabi ko habang kumukuha nung waffles and pancakes. Pinahiran ko ng butter yung pancake ko at hiniwa then I dipped it in the maple syrup and I ate it. 

"So far, kamusta na yung client mo Chelle? Yung may-ari ng Miquie's Cafe. Diba para sa launching nila yun ng bago nilang dessert?"sabi ni mom sakin habang sumusubo pa nung corned beef na may rice.

"Its fine mom. Yung next meeting namin is ngayong Tuesday. Nasabi na naman niya yung themes sakin and ipinasa ko na yun sa secretary ko para masikaso na. I'll just draw it na lang and ipapakita ko sa kanya, to make sure na yun talaga ang gusto niya. Sa Friday naman, susukatan na namin yung pasusuotan ng dress and gowns."sagot ko.

"Hmm. Well, maybe you have a hectic schedule by this week but don't forget we will celebrate your mom's birthday."dad said as he have a sip again in his coffee.

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon