Chapter 37* He's Awake

670 19 7
                                    

March.


One week and a half ng hindi gising si TX at one-week and a half na din akong hindi pumapasok sa trabaho. Nakapagpaalam na din naman ako kay Miss Perez. Hindi ako pumasok dahil, I promised that I won't leave his side at tutuparin ko ang pangako ko coz' I'm not a promise-broker.

It's been a week since nalaman namin ang condition ni TX. Matagal na palang hindi umeepekto sa katawan niya ang mga gamot na iniinom niya kahit doblehin pa ang dosage nito. At dahil one week na akong nalulungkot, ginawan ko siya ng kanta.

Habang sinusulat ko 'yon, umiiyak ako. Miss na miss ko na kasi siya. Sobrang miss ko na siya. Miss ko na yung pagbubuhat niya sakin, miss ko na ang yakap niya, I miss his deep voice, I miss his multi-personality, I miss himself.


Pinunasan ko agad ang luha ko ng may kumatok ng tatlong beses. Pinagbuksan ko naman sila ng pinto at nakita ko sila Cy, Lee Rin, Rhiems, Steff, Tiffany, Amiel(manliligaw ni Tiffany). May dala silang prutas at mga plastic na may tatak na Greenwhich, magfo-food trip ata sila dito sa hospital.


"Are you crying again?"tanong ni Lee Rin. Aba'y opo, kahit dalawang taon na ang lumipas, English parin ng English si Rin. Nahihiya raw kasi siya sa accent niya, bulol kasi siya sa tagalog. Pero nakakaintindi parin siya ng Tagalog, sadyang di lang niya maibigkas ng maayos.

"Crying? Hindi, ah!"pagde-deny ko sabay ngiting pilit. Hindi ko nga alam, baka maga ang mata ko kaya nasabi niya.

"Sipain kita 'jan, eh. Wag ka ngang ngumiti kung hindi ka naman totoong masaya, nagmumukha kang trying hard."straight-faced na sabi ni Tiffany.

"Baliw ka talaga!"sabi ni Steff sabay binatukan si Tiff. Napatawa naman ako ng konti.

"Nagsasabi lang ng totoo, eh! Pero tsk, napatawa mo siya sa pagbatok mo sakin, batukan mo nga ulit ako."sagot ni Tiffany at akmang babatukan siya uli ni Steff ng pumagitna si Amiel.

"Oy, wag mo namang saktan si Tiffany ko, Steff."napataas naman ang kilay ni Tiffany habang si Steff naman ay namumula na sa kakatawa.

"Kela mo pa ako naging pag-aari, aber?!"tumawa na ang lahat kasi pulang-pula si Amiel. Loko talaga 'tong dalawang 'to.

"Kamusta na pala si Timothy, M.A?"tanong ni Amiel. Lakas maka-change topic, magaling magaling. Tsk, hahaha!

"Uhm, he's fine. Pero hindi pa siya gumigising, napag-usapan na nila Tita Xandra kung kelan huhugutin ang life support. Humingi ako ng palugit. Hanggang next week na lang at huhugutin na yun."sabi ko tapos nagsilabasan na naman ang mga luha ko. Na-comatose siya at tanging life support ang nagsisilbing buhay niya at paghuhugutinna iyon, hindi ko na alam. Ayoko, ayoko. Alam kong hindi niya ako magagawang iwan, si TX pa. Til' infinity and beyond nga kami diba? Kung mawawala man siya, pakiramdam ko, pati ako ay mawawala din.


To cheer me up, nag-usap-usap kami tungkol sa mga relationship nila at tampulan na naman ng tukso sila Tiffany at Amiel. Tinatanong ng boys kung kelan sasagutin ni Tiffany si Amiel, kung may balak ba talaga siya o wala. Sumabat naman si manliligaw na, "kaya kong maghintay hanggang kelan." Binara tuloy siya ni Tiffany tas sabi niya, "Sige, pagka-40 years old na tayo saka kita sasagutin, ah?" Tinawanan lang namin sila.


Kumain din kami. Binilhan pala ako ng mga 'to ng strawberries at marshmallows dahil alam daw nilang comfort food ko yun. Kinain din namin yung pizza at spaghetti na dala nila from Greenwhich. Masaya naman, pero may kulang. Hindi kasi siya kumikibo.

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon