Chapter 22* New Characters

558 20 24
                                    

Si Ambie at Wilson yung nasa multimedia. Pero hindi si Willon to. Iba rin tong character. Kapatid lang siya ni Willon. :)

CHAPTER 22* NEW CHARACTERS

Aisha.

Kakaalis lang nila Sho at Ailene dito sa shop. Alam kong nasaktan ko si Sho nun pero kailangan ko talaga to eh. Baka mag-decline sa offer yung kliyente. Kaya I'm trying my very best para matapos ko to. Na kahit ang mga kapatid ko, kailangan kong ipagtabuyan.

"Sha..."

"Oh? Anong bang ginagawa mo rito?  Tatawanan mo ko katulad nung dati? Ge. Tumawa ka na!"sigaw ko.

"Sha. Wag kang--wag kang umiyak."sabi niya at hinawakan niya ang pisngi ko at may pinunasan don. At ngayon ko lang napagtanto, umiiyak na pala ako.

"Bakit? Ha? Ano bang pakielam mo? Diba wala ka namang paki diba? Gawin mo na lang yung ginawa mo sakin katulad nung dati!! Umalis ka na dito!"sigaw ko sa kanya. Nag-iinit ang ulo ko sa lalakeng to. Tch.

"I'm sorry."sabi niya at umalis na siya sa opisina.

"Magsosorry ka tapos aalis ka bigla? Baliw ka ba! Bwisit!"sigaw ko kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig. Tch. Nawala tuloy ang focus ko. Makabalik na nga lang sa trabaho ko.

Willon.

"I'm sorry."  Nagawa ko lang naman yun.. kasi mahal kita.. pero hindi ko masabi-sabi yun dahil.. Galit ka. Galit na galit ka sakin.. Papabayaan na lang kita.. pero hindi ibig sabihin nun, titigilan ko na ang nararamdaman ko para sa iyo.

"Shit."napamura ako pagsakay ko sa sasakyan. Bigla na lang nag-slide yunb kamay ni Sha at nawalan siya ng malay. Diba sabi ko sa sarili ko na papabayaan ko na lang siya? Pero bakit di ko magawa? Hays.

Agad akong lumabas sa sasakyan ko. Pinuntahan ko siya sa loob at binitbit tapos inilagay ko siya sa front seat.

HOSPITAL

"This way."sabi nung guard pagkapasok ko sa hospital.

"Sir, dito po muna kayo. Iche-check lang namin siya."sabi nung nurse tapos nilagay nila sa strecher at ipinasok sa emergency room si Sha.

"Hays."napagulo na lang akoTsk. Tatawagan ko ba sila Sho? Eh anong oras na. Tsaka, kagagaling lang nilang mag-away. Ayoko namang pabalikin sila uli dito. Ako na ngang magbabantay sa kanya. No choice eh.

Lumabas na bigla yung doctor sa ER.

"How is she?"

"Kaano-ano mo yung pasyente,iho?"sabi nung doctor. Teka, kaano-ano kamo niya ako? Hindi pwedeng kapatid. Hindi rin pwedeng boyfriend. Kaibigan? Eh galit sakin yan eh.

"A-ah. Ka-kaibigan doc."no choice ulit. -__-

"Kailangan lang niyang magpahinga at dapat bawas-bawasan niyang ma-stress. May lagnat rin siya kaya dapat wag muna siyang pagurin."

"Sige. Salamat doc."

"Sige. Itanong mo na lang sa nurse desk kung anong room."sabi nung doktor at umalis na.

"Miss, pwedeng itanong kung sang room naka-confine si Aisha Zaragosa?"tanong ko sa nurse.

"Room 213 po. Matanong ko lang po, siya ba yung sikat na fashion designer sa Korea?"sabi nung nurse.

"Ah opo."ngumiti naman siya at tumango na lang ako sabay alis.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa private room, isang mataray na tingin agad ang sumalubong sakin. -_-

"Oh? Bakit ka andito? Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na..."

"Hindi mo pa kaya. Tsaka nakikita mo ba yang sarili mo? Namumutla ka pa rin. Buti hindi na kapareho nung kanina. Ikaw kasi, wag mong pagurin ang--"

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon