Chapter 6* WHAT WILL HE SAY

1.3K 35 10
                                    

March.

"ATEEEEEE!!!!!!!"sigaw ni,

"AUGUST VERLENE ZARAGOSA!! ANONG KAILANGAN MO? KITANG NATUTULOG YUNG TAO EH!"sabi ko sabay tapon sa kanya ng unan.

"Kasi ate! Gumising ka na! Andito si kuya Sho. Umuwi na siya!"sabi ni Verlene. Nagtalukbong naman ako ng kumot ulit.

"Wala akong pake kung sin--ANO?! Umuwi na si kuya?!"-ako na parang nagpapanic

"Oo nga ate. Kulit mo. Kaya tumayo ka na at maligo."sabi niya tapos umupo sa kama ko.

"HOY! Parang ikaw pa mas matanda satin kung makapag-utos ka,ah. Baka gusto mong sabihin ko kay kuya na may nanliligaw na sayo na nagngangalang, EINZ?"sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.

"Eh! Ate naman eh! Sabing hindi nanliligaw sa akin si Sir Einz."sabi niya sabay dabog. WAHAHAHAHA! Guilty. Well, kung nagtataka kayo kung bakit Sir tawag niya dun is because black belter yun sa TaeKwanDo and once mangyari yun, i-aadress ka as ma'am or sir. At dahil nga blue belt pa ang aking kapatid, kailangan niya mag-Sir kay Einz. Hahahaha.

"HAHAHAHAHAA!! GUILTY!"sabi ko habang naliligo. Natapos na rin ako maya-maya. Paglabas ko, nakita kong nagigitara siya.

"August. Anong kanta yan?"tanong ko.

"Ah,wala ate. Melody lang."pagkasabing-pagkasabi niya nun, naalala ko naman na gagawa pala daw kami ng kanta. Tsk tsk.

"Ah okay. Sige bihis lang ako."tumango lang siya. Pagkatapos kong magbihis dun sa covered spot, nagsuklay na ako at nag-perfume tapos tada! Ok na ako.

"Lika na."sabi ko kay Verlene at tumango lang ulit siya. Seriously? Hobby niya na bang tumango?

KUSINA

"Hi, my princesses."sabi ni kuya Sho. Kapatid namin si Kuya Sho. Panganay sila ni ate Sha edi kambal sila pero si ate Sha ay nasa Korea. Sikat kasi siya dun na fashion designer. May shop siya dun.

"Hi kuya Sho!!!!!"sabi ko tapos hug pa. Pati si Verlene nakisali. -.-

"Aw. Ang sweet naman ng mga bunso namin but anyways, kain muna tayo tapos mag-usap tayo mamaya sa sala,okay?"tumango naman kami ni Verlene.

Pagkatapos naming kumain, nag-usap kami sa sala.

"How was your studies?"sabi ni kuya sabay subo ng onion rings.

"Ok lang naman kuya. Magcocompose kami ng song tapos kakantahin namin yun next month. Pero ewan ko lang dyan kay Verlene."sabi ko.

"Ah. Bakit? May bagsak ka ba or."tumigil ng konti si kuya.

"OR?"sabay naming sabi ni Verlene.

"Or may nanliligaw na sayo?"tuloy ni kuya. Nasamid naman si Verlene at biglang namula.

"H-hindi kuya n-no! Okay lang studies ko. Running for valedictorian."sabi ni Verlene.

"Hahahahaha. Nauutal ka pa. Halata naman kasi eh. Kuya, totoo yung running na naman siya for valedictorian pero hindi totoong walang nanliligaw sa kanya. As far as I know, nanghingi si EINZ sa akin ng permission."sabi ko at talagang diniinan ko sa part na EINZ.

"Wow. Si Einz nanliligaw sayo bunso? Wooooh! Buti pumayag ka rin Mar."sabi ni kuya sakin tapos pumapalakpak pa. Parang bata lang na binigyan ng candy -.-

"Sino ba namang hindi makakapayag eh nakatingin si coach samin pati yung iba? Tell me kuya, pano ako tatanggi? Kesa naman mapahiya pa si Einz diba?"sabi ko tapos sumubo ng strawberry.

"Ah, okay. Pero teka, sabi pala nila mama at dad sa December 20 pa sila babalik dito sa Pilipinas."-kuya habang potato chips na naman ang nilalantakan -.- Kung anu-ano na lang kinakain.

I Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon