March.
Nagising ako na masama ang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako eh wala naman akong lagnat. This past few days nagiging weird na ako, sana naman um-okay na ako.
Inaayos na namin yung mga gamit ni TX dahil pwede na daw siyang idischarge bukas. Wala lang, para konti na lang aayusin namin bukas. Huwag magsasayang ng oras.
Sinusubuan ko si TX nung chicken arrozcaldo. Tapos na kasi kaming kumain, saka bumili sila tita ng arrozcaldo dahil paulit-ulit na tokwa ang pagkain ni TX, kawawa naman.
"Ayaw ko na."natigil naman ako ng sabihin niya yun. Ang lungkot ng boses niya at parang naghihina? Napagtanto ko naman na ang ibig niyang sabihin ay ayaw na niyang kumain. Pakiramdam ko kasi double meaning. Natatakot na talaga ako sa mga instincts ko.
"S-sige."sabi ko na lang tapos niligpit yung pinagkainan niya.
Nagpaalam muna sila tita na aalis daw muna sila kasi may kailangan silang bilhin. Um-oo naman ako at nangakong aalagaan ng maayos si TX dito.
Nanunuod lang kami ng TV pero may napapansin ako. Parang pinipilit niya kasing tumawa kahit hindi naman nakakatawa yung scene. Sa katunayan nga, nakakaiyak pa yung part na iyon pero tumatawa siya eh. Halata namang peke. Nag-aalala ako para sa kanya.
~
Hindi ko alam kung nahawa ba si TX sa pagka-weird ko ngayon o sadyang napakaweird ko lang kaya inakala kong weird na din siya. Ewan, hindi ko na talaga alam.
Bigla kasi niyang hahawakan ang kamay ko at hahalikan ito o di kaya yayakapin niya ako tapos hahalikan sa noo or labi.
Tapos bigla nalang siyang bubulong nang, 'Please let me love her for longer. I want to stay by her side.' tapos hindi ko na naiintindihan yung iba niyang binubulong. Kinakabahan ako sa kinikilos niya, para kasing iba eh. Ramdam ko yun bilang girlfriend niya.
I shooked my head. Dapat positive thoughts lang ang laging isipin. Huwag mag-iisip ng hindi maganda. Tatagan ang loob at magtiwala. Paranoid lang siguro ako. Pero yung instincts ko, kahit kailan hindi pa nagkakamali—Ah, hindi. Pagod lang ako kaya kung anu-ano ang naiisip ko.
Parang may kung anong nag-aaway sa loob ng katawan ko. May nag-o-object, may sumasang-ayon. Ewan ko ba, ang weird ko talaga ngayon.
Naglalaro lang ako ng Diner Dash sa iPad ko habang siya naman ay nanunuod pa rin ng TV, nahilig na ako dito kasi maganda eh. Parang waitress ganun.
"M-March..."ipinause ko naman yung game tapos lumingon sa kanya.
"Bakit? Ano 'yun?"
"W-wala. w-wala..." Tumango na lang ako tapos bumalik sa paglalaro ko nang tawagin niya akong muli.
"May problema ka ba? May masakit ba sayo?"tanong ko.
"A-ah, hi-hindi...O-okay la-lang a-—ko."naramdaman ko namang bumigat ang paghinga niya.
"Sigurado ka?"
"O-oo..naman. Ke—-lan ba ako hindi n-naging——*deep breathe* sigura—*deep breathe*—do."Paputol-putol na ang pagsasalita niya saka ang lalim na nang paghinga niya kaya naman inangat ko ang mukha niya at nakita kong ang putla-putla niya. Pakiramdam ko maghy-hysterical na ako ng mga oras na iyon.
"H-hoy, TX! T-teka..tatawag lang ako ng doctor!"pinakalma ko ang sarili ko at tumawag gamit yung parang nakasabit na button pantawag sa nurse desk.
"Miss! Si Padilla ng room 329, I need help!"ibinaba ko naman agad tapos pagkalipas ng isang minuto siguro, dumating na yung mga nurse at kinabitan ng kung anu-ano si TX. Nasasaktan akong nakikita ko siyang nahihirapan. Bakit TX, bakit?
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
Teen FictionNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...