After 2 years...
March.
3PM
"Oh, are you done, March?"tanong ni Kaye sa'kin. Classmate ko siya sa masteral, nagma-masteral kasi ako para pagka-twenty one ko, makapasok na ako sa Adamson Academy.
"Yes, I'm done. I better go, I need to go to my work. Bye!"pagpapaalam ko sa lahat ng nasa room. Inayos ko naman yung mga bond paper na may lessons at kung ano ang assignment namin for next meeting. Pagkaayos ko ng gamit ko, lumabas na ako at nadatnan ko si TX na nakasandal sa pader habang naka-cross arms.
"Ba't ang tagal mo?"pambungad niya. Wow, ah? Kung di ka lang talaga gwapo eh, nako. Teka, kelan pa ko nagkaroon ng malanding konsensya? Lol. Honestly, mas gumwapo nga si TX at may abs na siya. Dati kasi wala pa, saka ngayon medyo built-in na yung muscles niya. Ang nakakainis nga lang, pagwala siyang ibang magawa, bubuhatin niya ako at ako ang ginagawa niyang barbel. Leche talaga.
Fortunately, stronger ang relationship namin at hindi pa-weaker. Hahaha!
"Nag-aayos pa po kasi ako ng gamit ko, Sir. Pasensya naman, 'no?"sagot ko. Inabot naman niya yung panyo niya sakin at pinunasan ang pawis ko. Naamoy ko ang perfume niya, ang bango. Pakiramdam ko namumula ako, kelan pa ba ako masasanay?
"Kahit kailan ka talaga. Halika na nga, nang makapagtrabaho na tayo." Hinawakan naman niya yung kamay ko. In other words, holding hands kami. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto kaya pumasok na ako sa kotse niya saka siya nagpunta sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Pero hep! Ang trabaho namin ay dun sa company ni Mrs. Dominique-Perez, remember her? Yung engaged na judge nung project ni Ma'am Music samin dati? Yeah, nagtatrabaho na kami sa kanya, pati sila Cyriel at Lee Rin pero doon sila sa kabilang branch. I'm a songwriter here and I can say na nag-iimprove na ako. Medyo sikat at kilala na din ako sa Pilipinas, hindi lang dahil sa songwriter ako, kundi kasali ako sa bandang Black Keys. Ako ang pianist at vocalist ng banda tapos ang codename ko dun ay M.A, initials ng name ko. Ayos diba? ;)
Sa Adamson Academy naman, may age requirement pala ang school na iyon kaya kailangan pang-21 years old ang makakapasok dun pero pinagmasterals na nila ako dahil may tiwala daw sila sakin. Isa pa, isang taon na lang naman ay magte-twenty one na ako, twenty years old na kaya ako!
Pagkagraduate kasi namin, after one week nun ay nagsimula na kaming mag-OJT sa Treble&Bass Company (company ni Mrs. Dominique-Perez) para malaman namin kung ano ang gagawin namin dun. After one month of OJT, pinapasok na niya kami as regular employee at talagang pinag-igihan namin para maka-reach sa level na ito. Actually, four months ago pa ako ipinromote para maging isa sa Company's songwriter.
Hindi ko namalayang sa dami na pala ng nakasaksak sa utak ko, nakarating na pala kami. Kasi naman, ang sayang balikan nung mga paghihirap namin dati. Pero wag niyong i-misinterpret yon, masayang balikan dahil makikita mo talaga yung efforts saka kung hindi kami naghirap, hindi din kami aabot sa stage na ito, right?
"Good afternoon, Miss Zaragosa and Mister Padilla."bati nung isang staff na nakasalubong namin.
"Good afternoon."sagot ko habang nag-smile lang si TX sa kanya. Pumasok na kami sa office namin and naupo sa designated area. Magkatabi lang naman ang office table namin ni TX kaya madali lang makipagdaldalan sa kanya lol.
Shoot, marami pala akong gagawin ngayon. Nalintikan na oh, hindi ko pala natapos 'to kahapon kasi gabi na.
Fill up ng data's, sign ng papers, type ng schedules, re-make ng melody, nag-bigay ng opinion sa effects ng kanta at etcetera. Ganun din ang ginagawa ni TX pero more on, editing siya sa mga effects at background ng kanta. Isa na din siya sa company's indemand producer. Lumelevel-up na si Andoy. Hahaha! San ko natutunan yung Andoy? Kay Ate Ambie, yun kasi tawag niya kay TX eh.
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
Fiksi RemajaNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...