March.
*beep beep* Patuloy lang sa pagbusina si TX pero di pa rin sila umaalis sa harap namin. Naiirita na ako. Di ko maaninag ang mukha nila kasi nakatagilid sila. Lumabas naman ako sa sasakyan at hinarap siya. Pero pagharap ko dun sa isang lalake,
"Well,hello Ms. Deadly Princess. Where are you're co-gangsters?"Para akong binuhusan ng semeto ng makita ko siya. S-siya. S-siya s-si
"Ki-killer P-prince."S-siya yung isa sa mga gang na naghahanap sakin simula nung umalis ako, I want a new life nga kasi. Yung hindi delikado. Pero how come nakilala niya ako kahit hindi ko suot yung disguise ko?
"Long time no see,Ms. Deadly Princess."sabi ni,
"E-evil P-princess."Siya yung assistant ni Killer Prince.
"Oh, ba't nauutal ka dyan?"tanong naman nung isa.
"D-d-d-demon p-prince."Yan na lang ang tanging nasambit ko. Sya yung pinakamagaling makipag-away, pero taga ibang gang siya. Sa gang siya na tinatawag na "Demon 5". Lima kasi sila. Sila Killer Prince naman, kasamahan namin noon sa "Black Heart" pero trinaydor nila kami. Trinaydor nila ako. Nakikipagsabwatan pala sila sa ibang gang na ngayon ay kasali na sila. Sa "Blood Trinity".
"M-march? A-ano to?"biglang lumabas rin si Lee Rin sa sasakyan.
"L-lee R-r-rin."
"Ang tagal na nating hindi nagkita Deadly Princess. Na-miss ka namin."sabi ni Killer Prince at hinahaplos ang mukha ko.
"Bitiwan mo ko!!!"sinikmuraan ko siya.
"Fvck!! Matagal ka ngang hindi sumali pero ganun ka pa rin kalakas!!"sigaw ni Killer Prince, cussing in pain.
"Tsk. Umalis kayo! Wala ako sa mood ngayon!!"sigaw ko pero lumapit sila sa akin at pinalibutan ako. Pero hindi nila ako pinakinggan sa halip. Kinuha ni Demon prince si Lee Rin at nilagyan ng panyo ang bibig tapos sinuntok niya sila Nathan at TX. Habang ako naman, tinakpan nila ag bibig ko at bigla na lang akong nahilo.
Pagkagising ko, nakita ko si TX na nag-aalpas sa hawak ng kasamahan nila Killer Prince. Nasa isang abandoned stock room kami.
"March!!!!"sigaw naman ni TX.
"TX!!! Dyan ka lang!! Wag kang lalapit dito!"sigaw ko.
"P-pero--"
"Sige na. Kaya ko to!!"sigaw ko ulit.
"Oooh. Siya na pala ang boyfriend mo ngayon? Hmm. Tignan mo ang sasapitin ng iyong mga kaibigan, Deadly Princess."sabi ni Evil Princess.
"A-anong. Anong gagawin niyo sa kanila!? Sa akin kayo galit diba!? Pero bakit niyo sila dinadamay!? Ako na lang ang saktan niyo!! Wag niyo na silang isali!!"sabi ko habang nag-aalpas.
"Pakawalan niyo sila!!! Ako na lang ang saktan niyo!! Wag lang sila!!!!!"sigaw ko ulit habang patuloy na nag-aalpas. Naka-upo ako sa upuan habang nakatali ang kamay ko sa upuan. Madali lang para sakin ang matanggal ang lubid pero baka makita ako ni Killer Prince kaya naghihintay ako ng tamang tyempo.
"Mukhang mas magandang saktan namin sila para mas lalo kang masaktan eh."
"S-steffany? Pa-pano mo sila na-nakilala?"sabi ko.
"Baka nakakalimutan mo? Maimpluwesya ang pamilya ko."sabi niya habang naglilipstick.
"Bakit mo ba to ginagawa? Bakit niyo ba to ginagawa?"
"Simple lang. Pagnawala ka sa mundong ito, ako na lang ang makikita ni Rhiems."sabi niya.
"Baliw ka pala eh!! Mas lalong hindi ka papansinin ni Dexter dahil sa pinaggagagawa mo!!!"sigaw ko.
BINABASA MO ANG
I Love You [COMPLETED]
Novela JuvenilNot all of those things that ever happened to you has an only one reason which is to make you feel down. The main reason is to make you learn a lesson, a new discovery and a new resolving of problems. Saying 'I love you' to someone very dear to you...