*********'Tensed?' Gabby asked with a hint of sarcasm as the photographer told Daniel to get closer to her.
Hindi sumagot si DJ. Iniiwas na lang nya ang tingin bago bumuntong hininga.
'Hindi mo iniwasan ang advances ko last night. Does that mean, gusto mo rin? I swear DJ, I can offer so much more compared to your wife.' She whispered as she curled her fingers on his shoulders.
'Mark!' DJ's voice boomed inside the studio which grabbed the attention of everyone present. 'Break muna.' He said, an arm raised above his head.
Agad nyang iniwan si Gabby at tinungo ang kanyang dressing room. Pilit na naghanap ng bagay na pwede nyang mapagbuntunan ng stress at pressure.
'Juskolord.' He clamped a hand over his face and squeezed the center of his eyebrows, headache starting to wash over him.
He dug for his phone from his pant pocket.
'DJ.'
Tila gumaan agad ang pakiramdam nya matapos marinig ang boses ni Kathryn.
'Hello.' He smiled, leaning his back on the wall.
'Napatawag ka.'
'Na-miss kita agad. Mahal na mahal kita.' And he can also imagine her beautiful, smiling face from the other line.
'Bilisan mo na kasi dyan, para makauwi ka na.'
Napapikit si DJ, ninanamnam ang bawat tono ng paglalambing ng asawa.
'Uwi na lang kaya ako, sabihin ko masama ang pakiramdam ko. Tapos alagaan mo ako, ipagluto mo ako ng sopas. Tapos buong araw lang tayo sa room.'
'Kasama si Danilo?'
'Ipapaalaga muna natin kay Ate Tin.' He chuckled.
'Ikaw talaga.' Napatawa rin naman si Kathryn.
Lalong lumuwang ang ngiti sa labi ni DJ matapos marinig ang tawa ng asawa. Tila musika iyon sa kanyang pandinig.
'Haaay Kathryn... Dalawin nyo naman ako ni Danilo dito.' Buntong hininga nya.
'Hindi pwede.' Iling ni Kathryn kahit hindi ito nakikita ni DJ.
'Bakit hindi pwede?' Bakas ang panghihinayang sa boses ni DJ. 'May masakit ba?'
'Ang bigat na kasi ni Chandri. Nahihirapan na akong gumalaw galaw.' Iling ni Kath.
Pero it was a lie. Kung siya ang papipiliin, gusto nya laging kasa-kasama ang asawa. Gusto niyang palaging naaamoy si DJ. Gusto niyang nahahalik halikan ito. Ngunit hindi naman din lingid sa kanya na naiilang si DJ kapag kailangan nang kuhanan ang ilang eksena sa pelikula nito. Ang role kasi ni DJ ay isang obsessed boyfriend at may ilang violent scenes na kinailangan kunan habang nandoon sya. Kulang na nga lamang ay ihatid na sya mismo ni DJ pauwi sa sobrang ilang nito. Hindi man aminin ng asawa, alam ni Kathryn na apektado pa rin si DJ sa mga pangyayaring muntik nang nakasira sa buhay pamilya nila. Isa pa, hindi rin nya kayang makitang maging intimate si DJ sa kanyang leading lady.
'Ganun ba?' DJ pouted.
'Tampo ka na?'
'Bilisan ko na nga lang dito.' He sighed. 'Pakausap naman kay Danilo o.'
'Wait lang.'
Narinig ni DJ ang kaluskos mula sa kabilang linya. Sigurado syang tumayo mula sa kanilang kama si Kathryn.
'Danilo.'
Dinig ni DJ.
'Danilo, Tatay. Kausap mo. Ha? Sige na, kausapin mo na si Tatay mo.'