CHAPTER 1: Lights On (Cut 1)

78.3K 800 97
                                    

***********

'Gandang gabi Kapamilya!' Bati ni Vice Ganda sa lahat ng tao na nasa loob ng studio.

'Gandang Gabi Vice!' Sabay sabay namang sabi nila sa TV Host.

Katatapos lamang ng opening number nya at handa na siyang tawagin ang kanyang panauhin para sa gabing iyon.

'Mataas ang energy ng lahat.' Ngiti niya. 'Kilala nyo ba ang mga guest natin ngayon?'

'Oo!'

'Na-miss nyo ba sila?'

'Oo!'

Lumapit si Vice sa isang audience na nakaupo sa harap at itinapat ang mic dito.

'Na-miss mo ba sila?' Tanong ni Vice sa nilapitan.

'Oo naman!!!' Papikit-pikit na sagot ng tinanong.

'Tuwang tuwa ka 'teh a. Fanney ka?'

Umiling ang babae.

'E bkit na-miss mo sila? Di ka naman pala fanney. Di ka naman pala close.'

'Favorite ko sila e. Parang ang perfect nilang dalawa.' She explained.

'Oo diba no?' Sang-ayon ni Vice. 'Ang ganda at ang gwapo. Pareho pang napakabait na mga bata.' Bumalik na si Vice sa gitna ng studio set matapos pasalamatan ang tinanong. 'Sabi ko nga, bihira lamang yung mga relasyon na katulad ng kanila ang talagang nagiging matagumpay. Pero siguro dahil na rin sa guidance ng mga magulang tsaka pamilya nila e naitawid nila. Ng bonggang bongga. Kapamilya! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo- Ford!'

Napuno ng mga tili at palakpakan ang buong studio matapos tawagin ni Vice ang kanyang mga guests. Magkahawak kamay namang lumabas mula sa backstage ang dalawa.

'Ang ganda!' Bati ni Vice kay Kath nang nagyakap at nagkabesohan sila.

Yumakap din si DJ bago tinapik ang balikat ni Vice.

'Hi Vice!' Nakatawang bati ni DJ. 'Hello po sa inyong lahat!' At kumaway sya sa lahat ng mga taong andun.

'Hello!' Tila nahihiya at nangingiba pang bati ni Kathryn.

'O maupo na tayo.' Iginiya ni Vice ang dalawa patungo sa tatlong upuan sa gitna.

Magkahawak kamay pa ring sumunod ang dalawa at tinulungan muna ni DJ na makaupo si Kath bago siya.

'Kamusta? Kamusta na?' Nakatawang tanong ni Vice sa mag-asawa.

'Ok lang.' Matamis na ngiti ni Kath habang nakatingin sa kanya si DJ.

'Masaya kayo?'

'Bakit kung makapagtanong ka naman kung masaya kami parang ayaw mo na maging masaya kami?' Natatawang banat ni DJ kay Vice.

'Ikaw masyado kang ano Daniel ha! Siyempre sinisigurado ko lang na masaya kayo. I'm very happy for you nga e! Parang kailang lang Daniel, nakikita ko pa na pinapalitan ka ni Mama mo ng diaper, ngayon...'

'Ako na ang nagpapalit ng diaper!' DJ grinned.

'Kaya nga diba? Hands on ka?'

'Saan?'

'Sa pagiging tatay! Ikaw Daniel lumilipad na naman ang utak mo. Kath, pwede ka pang umurong. Pag ia-annul mo, pwede mong grounds yung psychologically incapacitated.'

Napatawa naman si Kath at hinampas na naman ni DJ si Vice.

'Aray! Leche ka a!'

'Huy!'

'Wag ka mag-alala, edited naman na 'to pag pinalabas sa TV.'

Tawa lamang ng tawa si Kath sa panonood kina Vice at DJ. Na-miss nya rin yun kahit papaano. Naninibago pa nga rin lamang siya sa mga ilaw ng camera dahil may halos isang taon din syang umiwas dito. Pero tila tinatawag pa rin siya ng propesyon na pansamantala niyang tinalikuran. Noong ipinanganak niya si Danilo ay napag-usapan na rin nila ni DJ na magla-lie low muna sya sa pag-aartista. Gusto niya munang tapusin ang naantala niyang pag-aaral at plano na lang din nilang mag-negosyo.

Ngunit ng personal siyang imbitahan ni Vice para maging guest sa GGV ay hindi na rin siya nakatanggi. Noong una ay si DJ lamang dapat dahil ayaw nga nya pero pinuntahan talaga siya ni Vice para kausapin.

Wala na siyang nagawa.

'Gumanda ka lalo.' Vice turned at Kath. 'Kasi nagkalaman ka. Ang ganda mo.'

Nahihiyang natatawa lamang si Kath.

'At sumeksi ka.' Pansin muli ni Vice na lalong ikinahiya ni Kath.

'Vice tama na! Na-aawkward na ang asawa ko.' Suway ni DJ.

'Bakit ba? E ang ganda ng asawa mo o! Yang gandang yan dapat hindi ikinakahiya.'

Namumula na sa hiya si Kath. Alam naman niyang maloko talaga si Vice ngunit ibang hiya talaga ang nadarama niya ngayon. Siguro nga hindi na siya masyadong sanay.

'Hindi ka na sanay?' Tanong ni Vice kay Kath na tila nababasa ang nasa isip nito.

Umiling si Kath at ngumiti.

'Siguro ano lang. Naninibago pa ng konti.' Sagot nito.

'Ang ganda mo girl. Ang sarap mong pagmasdan.' Puri na naman ni Vice. 'Daniel, anong feeling na ganitong mukha yung nakikita mo tuwing umaga? Magkatabi ba kayong natutulog?'

'Syempre! Mag-asawa kami e.' Walang kaabog-abog na sabi ni DJ.

'E si Baby Danilo, saan?'

'Sa kwarto ni Mama.' Biro ni DJ.

'Kay Karla?'

'Loko lang!'

'E paano ba yung arrangement nyo ngayon? Saan kayo nakatira?'

'Ayusin mo ang pagtatanong mo Vice ha. Parang ang dating e wala kaming bahay.'

'Ikaw Daniel ang dami mong reklamo. Show ko 'to. Guest ka lang.'

'E ayusin mo ang tono mo nga.'

'Nagkakapersonalan na a.' Banat ni Kathryn.

'Pagsabihan mo 'tong asawa mo Kathryn. Naku! Hahalikan ko yan!'

'Hahahahaha!!!' Sabay na hagalpak nina Kathryn at DJ.

'Tawa tawa kayo dyan.' Irap ni Vice. 'Pero day, sumeksi ka talaga.' Baling na naman ng host kay Kathryn. 'At saka ano ha. Yung ano. Nagbbreastfeed ka?'

Parang nasamid muna si Kathryn bago natawa dahil sa itinanong ni Vice. Maging ang mga manonood ay nagulat din muna bago natawa.

'Hindi kasi diba? Marami akong naririnig na mga bagong mommy na sabi nga nila, nakakadagdag nga daw tsaka nakakaganda ng shape ng boobs yung pagbbreastfeed. Ano sa tingin mo Daniel?'

Namula sa sobrang hiya si DJ.

'Vice ano bang klaseng tanong yan? Ang awkward!' Reklamo ni DJ.

'Anong awkward dun? Usapang pampamilya yon no! Ikaw ang may bastos na iniisip dyan e.'

'Nagbbreastfeed naman talaga ako.' Nangingiming sagot ni Kath. 'Payo na rin kasi nung Pedia ni Danilo na mas ok nga daw kung breastfed yung bata.'

'E paano ngayon? Wala kayo sa bahay? Sino nagbbreastfeed kay baby? Si Karla?'

'Vice!'

'Ay joke. Eto naman, parang di sanay na binabalarge ko yung mama mo.'

'Kasi!'

'So ano nga?'

'May pump naman e. Bale kanina, before kami umalis, nag-pump ako. Ayun. Tsaka ok din naman kay Danilo yung milk formula din e. Di naman siya choosy.' Seryoso ngunit nakangiting paliwanag ni Kath. 'Pero as much as possible, breastfeed talaga.'

'E ito.' Turo ni Vice kay DJ. 'Breastfed ka rin?'

Lalong namula ang mukha ni DJ sa sinabi ni Vice.

'Vice, ang gago mo!' Sabi ni DJ sa host matapos ilayo ang mic.

'Anong gago dun? Nung baby ka? Breastfed ka rin ba?' Tawa lamang ng tawa si Vice.

Matagal niyang hinintay na maharot ng ganun sina Daniel at Kathryn.

'Ligtas na ko sa kulong. Hindi na menor ang mga 'to!' Banat ni Vice na nag-ani ng halakhak mula sa audience at sa mag-asawa.

************

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon