********'Kinausap ko na si Tita Ma. May friend sya na event coordinator. Buti na lang, nalambing nya na hawakan yung birthday ni Danilo kahit 3 weeks na lang.' Bulong ni DJ kay Kathryn isang umaga.
Katatapos pa lamang ng airing ng 1st week ng teleserye ni Kathryn at so far, maganda ang feedback ng mga manonood. Namayagpag din sa ratings ang pilot week nito kaya naman tuwang tuwa si Kath. Masayang masaya din si DJ lalo pa't nakikita nya kung gaano kaligaya ang asawa.
'Bal, gising na po.' Bulong muli ni Daniel.
'Babe, 10 minutes, please? Tulog pa rin naman si Danilo e.' She murmured without even opening her eyes.
'Sige na nga. Pag-prepare kita ng breakfast ha? Anong gusto mo, breakfast in bed or sa dining na lang? Or gusto mo, DJ side up?'
Napadilat ng mata si Kath at agad na napatingin sa mister.
'Scrambled DJ, meron ka?'
'Sigurado ka sa request na yan? Tamang tama, umaga, madaling mag-scram---...'
'Nakakadiri ka!!!' Kath shrieked, throwing a pillow at him.
'Alam mo namang lahat ng request mo, ibibigay ko agad sayo. Sisiw yang scrambled DJ na yan!'
Tumalon sa kama si DJ at pinaulanan ng halik ang leeg ni Kathryn.
'Bal, mag-celebrate naman tayo. Top rating yung Planet of the Apes mo.'
'Sira ulo ka!' Isang malakas na bigwas ang tumama sa tagiliran ng ulo ni DJ.
'Gustong gusto ko talaga pag lumalabas yang brutal na side mo Kath e. Lika na, mag-celebrate na tayo.'
'Mamaya, nag-aaya si Kuya Piolo. Sagot daw nya. Gusto mong sumama?' Itinukod ni Kath ang siko nya sa kama at humarap kay DJ.
Halos ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
'Ang ganda ganda talaga ng Bal ko.' Malambing na hayag ni DJ. 'Kaso, bad breath. Turn off.'
'DJ!!!'
Maagap na nakababa mula sa kama si Daniel at tumakbo patungo sa pintuan ng kanilang kwarto habang nagmamadali naman sa paghabol sa kanya si Kathryn.
'Leche ka! Wag kang tatabi sa akin sa pagtulog for 1 week!'
********
'Bal, bati na tayo please?' Lambing ni DJ kay Kathryn habang nasa loob sila ng Dodge ni DJ at tumigil ito sa harap ng isang restobar sa may Morato.
Hindi kinakausap ni Kathryn si DJ mula nang asarin ni DJ ang asawa regarding her teleserye. Nagpaalam naman itong pupunta sa party na inayos ng kanyang Kuya Piolo at binilinan ang mister na bantayan muna si Danilo. Sinabihan rin nitong dun muna siya sa bahay nila sa QC mago-overnight kesa nga naman magpa-drive pa sya pabalik sa Tagaytay ng dis oras ng gabi. Ngunit nagpumilit na sumama si DJ at idinaan na lang muna nila si Danilo sa bahay ng kanilang Mama Carla.
Kath threw him a sharp look before she grabbed the car's door handle to leave.
'Sorry na nga kasi. Kanina pa nagsosorry e.' Nagmamadali na ring bumaba si DJ at hinabol papasok sa restaurant ang asawa. 'Bal naman o.' Ungot ni DJ.
'Hindi mo kasi alam kung kelan titigil e.' She murmured.
'Kaya nga nag-sorry na ko diba? Tumigil na ako diba?'
'Bahala ka nga dyan.' Irap muli ni Kathryn.
Agad namang nabago ang ekspresyon ng mukha ni Kathryn pagkakita sa mga kasama sa trabaho.