CHAPTER 18: The Answer

37.3K 475 57
                                    


********

Nakakasilaw na liwanag na unti-unting naging puting kisame ang sumalubong sa mga mata ni Kathryn nang imulat nya ang mga ito. Ipinaling niya ang kanyang leeg sa kanyang kanan at napangiti sya nang makita ang asawang nakaupo sa tabi nya habang nakapikit. Inabot nya ang kamay nito gamit ang kanyang kamay na walang swero.

Agad namang nagmulat ng mga mata si DJ matapos maramdaman ang labi ng asawa sa kanyang palad.

'Ba.' Lumapit ito sa kanya at yumuko upang halikan ang kanyang noo.

'Si Danilo?' Iyon agad ang itinanong nito.

'Nasa labas. Kasama sina Mama.'

'Anong oras na?' Tila nanghihina pa ring tanong nito.

DJ checked his phone and saw that he had a huge amount of missed calls and unanswered SMS.

'2 PM na.' He smiled at her and touched her cheek. 'Kamusta na ang pakiramdam mo?'

'Parang ubos na ubos ang lakas ko.' She laughed a bit. 'Ano bang nangyari?' Sinubukang umupo ni Kathryn mula sa kama ngunit pinigilan na siya ng kanyang asawa.

'Higa ka na lang Ba.'

'Ano bang nangyari?' Tanong muli nito.

'Nahimatay ka kanina sa bahay. Puta. Nag-alala talaga ako Ba. Halos eskandaluhin ko ang buong subdivision.'

'Talaga?' Tumaas ang kilay ni Kathryn.

Kilala nya si DJ. Alam na alam niyang pribado itong tao at hanggang sa maaari ay gusto nitong lahat ng pangyayari sa buhay nila ay walang makakaalam. Piling piling kaganapan lamang sa kanilang pamilya ang gusto nitong ibahagi sa mga tagahanga at iba pang tao.

'Syempre joke lang yung eskandalo. Pero puta talaga Ba. Nataranta talaga ako kanina.'

Muling ngumiti si Kath.

'Kunin mo naman si Danilo o.'

'Wag na muna. Dyan ka lang. Pahinga ka lang dyan.'

'Please?' She pleaded, her eyes turning watery.

Napabuntong hininga na lamang si DJ bago tumayo para lumabas. Kabubukas pa lamang niya ng pinto nang pumasok na ang isang doctor. Kasunod nito ang dalawang nurse habang nasa likod naman ang kanilang mga ina. Karga karga ni Min si Danilo na natutulog na.

'Hi.' Masiglang bati ng nakasalamin na manggagamot sa mag-asawa. 'I'm Dr. Lacson, your attending physician.' Pagpapakilala nito sa sarili.

Kinonsulta nito ang kanyang board bago muling nagsalita.

'Mrs. Ford, yung blood pressure mo is lower than average. Siguro dahil sa kapupuyat yan because of tapings and other commitments. Hindi ba?'

Marahang tumango si Kathryn.

'As expected. Hindi naman nga maiiwasan kasi artista ka. Pero I suggest na dumito ka muna until tomorrow hanggang lunch para sa ilan pang tests. Also, habang tinitingnan kita ngayon, medyo maputla ka. Kuhanan ka muna namin ng blood sample ha? Tapos mamaya, kailangan din namin ng urine sample mo.'

Iniabot ng lalaking nurse kay DJ ang isang sample cup.

'So as of the meantime, yun na lang muna.' Ngumiti ito bago tumalikod.

'Uhm, Doc.' Pahabol na tawag ni DJ.

'Yes?'

'May possibility ba na buntis ang asawa ko?'

'Why? Are you expecting? Nage-effort ba kayo na magka- baby uli?'

'Hindi naman po.' Iling ni DJ.

'Well, hindi ka naman siguro manghihinayang kung sasabihin kong hindi diba?'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon