CHAPTER 55: The Perfect Fan

36.2K 926 348
                                    

***********

'Kath..' Mabait na tawag ng isang staff para sa event na in-attendan ni Kathryn.

Lumingon siya at ngumiti.

'Yes po ate?'

'Si DJ, gusto ka daw makausap.' Bulong nito at iniabot ang cellphone.

'Thanks ate.' Muling ngumiti si Kathryn at kinuha na ang kanyang cellphone. 'Excuse me.' Magalang nyang sabi sa kaharap. 'Babe.' She smiled upon saying her endearment to him. 'Ha? Hindi pa tapos ang book signing ko. Siguro more or less, 50 pa ang nasa line. Bilisan? Ha? Dinner? Kasama mo ba sina Danilo at DJ Liit? Hindi? Kanino mo na naman iniwan ang mga bata? Ikaw talaga.. O, ibaba ko na para matapos na 'to agad nang makapag-dinner na tayo at makauwi agad. Hahaha! Syempre. Hindi pwedeng basta basta natin iniiwanan kung kani-kanino ang mga anak natin no. Lalo na si DJ. Baka mamaya, hanapin nya ako. Alam mo naman yung bunso natin diba? Ha? Wag ka nga. Ayaw ko pa uli. Ang hirap hirap. Ano ka ba? Wag nga natin yang pag-usapan ngayon.' And she chuckled some more before she dropped the call. 'Hay, ang kulit talaga!' Sabi nya nang iabot sa staff ang cellphone. 'Ay ate, after nila lahat maubos, may gagawin pa ba ako?'

'Closing remarks na lang Kath, siguro pa- thank you na lang sa lahat ng um-attend at nag-sponsor sa book signing mo. Mga 1-2 minutes lang naman siguro. Susunduin ka daw ba ni DJ?'

'Oo daw. Na-suspend kasi yung classes nya for today kaya yun, grabe mangulit. Iniwan na naman sina Danilo at DJ Liit kay Mama Carla.' Iiling iling ngunit nakangiting pagkkuwento ni Kathryn. 'Sorry po a.' Baling nya sa kanina pang nakatayo sa harap nya: isang babaeng malaki ang tanda sa kanya, hawak hawak ang librong may pangalan nya sa cover nito.

'Naku, ok lang Kath.' Nakangiting sabi ng babae. Iniabot nito ang hawak na libro kay Kathryn na binuklat naman nito sa isang partikular na pahina.

Tinanggal nya ang takip ng Sharpie at nagsimula nang magsulat dito.

'Gusto ko sanang sabihin Sayo Kath na sobrang na-inspire mo ako.' The woman gushed. 'I was already a fan when you were a kid. I never thought that I could even adore you more.'

Kathryn's eyes lights up as she looked at the woman. Yes there were struggles, a lot of pains and heartaches along the way as she ventured to another journey different from what she was dreaming to do when she was a little child. But hearing all the compliments of how she inspired a lot of people, especially mothers, everything was worth it.

'Please continue being an inspiration not only to young women but to everyone.' Pagpapatuloy ng babae. 'Napakaswerte ni Daniel Padilla sa isang asawang katulad mo. Pati na rin ang mga babies mo dahil ikaw ang nanay nila.' She added.

Walang ibang masabi si Kathryn. Pakiramdam nya ay sasabog ang kanyang puso dahil sa lahat ng mga magagandang salitang natanggap nya mula pa kanina.

Matapos ang kanyang pagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa kanyang book signing, maingat naman syang inalalayan pababa ng hagdan kung saan naghihintay ang ilang press and people from media.

'Hi Kath.' Bati ni MJ.

'Hello Kuya MJ.'

'Kath, konting questions lang mula sa akin at sa kanila.'

Tutok na tutok lahat ng mic at ilang cellphone kay Kathryn.

'Sige po.'

'Kath, kumusta ang schooling?'

'Yeah!' Halata ang saya sa mukha ni Kath nang matanong tungkol sa kanyang pag-aaral. 'On my last year na ako this year, hopefully, maka-graduate na ako next year.'

'Si DJ at ang mga babies?'

'Ayun, busy rin sa culinary nya. Si Danilo, malapit nang mag-Grade One tapos si DJ Liit naman, ini-enroll namin sya sa special classes. Medyo mahiyain kasi e. Pero sobrang talino, napapakamot na lang yung Tatay nila sa kanya.' Masayang kwento ni Kath.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon