**********'Sinong driver ni Kathryn nung umalis?' Aligagang tanong ni DJ kay Mang Mar habang tumatakbong papasok sa garahe.
'Umalis ho ba si Ma'am?' Nagtatakang tanong naman ng matandang lalaki.
Palinga- linga si DJ sa kabuuan ng garahe at hindi nga niya nakita ang Mini Cooper na iniregalo nya sa asawa nung huli nilang anniversary.
'Dapat talaga hindi ko tinuruang mag-drive yun e.' Saad ni DJ habang papasok sa kanyang BMW. 'Pakibuksan ang gate Mang Mar!' Pasigaw nyang utos sa matagal nang driver ng asawa.
'DJ! Hinay hinay lang!' Nag-aalala naman si Min sa inaasta ng manugang.
'Mama Min, pakibantayan po muna si Danilo. Susunduin ko lang ang asawa ko.' Sabi ni DJ matapos nitong ibaba ang bintana ng sasakyan.
Unti unti nyang minaniobra palabas ng garahe ng mga Bernardo ang sasakyan saka mabilis na pinaharurot ito.
**********
Hindi nagpaawat sa kabog ng dibdib si Kathryn habang papalapit sa kinauupuan ng babaeng hindi pa rin tumitigil sa pagtatangka na agawin ang asawa mula sa kanya. Sinuri niya ang itsura nito. Sa suot nitong spaghetti strapped silk top na may plunging neckline ay tila aalagwa na ang hinaharap nitong parang pwet ni Danilo. Napatungo sya, tiningnan ang ganang kanya. Oo nga't hindi kalakihan ang mga ito pero saktong sakto lamang naman ito para sa mga kamay at labi ng asawa.
Abala sa pagpitik sa touchscreen ng cellphone nya si Gabby at napansin ni Kath ang tila pagkunot ng noo nito. Pagkuwa'y idinerecho nito ang tingin at mas lalong kumunot ang noo nito nang makita sya.
'Kaya pala text ng text si DJ.' Gabby said sarcastically. 'Ikaw pala ang pupunta.'
'Did I surprise you?' Tila nang-uuyam na ngiti ni Kathryn as she settled herself on the chair adjacent to her. 'Pwede mo na kaming iwan.' She then turned to the waiter. 'Mamaya na lang kami oorder.' And she smiled again.
'Sobrang threatened ka naman ata Buntis at ikaw talaga ang pumunta dito gayong I wanted your husband as my company.' Gabby snapped at her.
'Why? Nasayang ba ang effort mo sa pagsusuot ng ganyang kahalay na damit? Do you really think hahayaan ko lang na i-seduce mo ang asawa ko?'
'Para namang hindi mo ako kilala Kath.'
'Ay, oo nga pala, effortless para sa'yo ang magsuot ng ganyan.'
'No. Para namang hindi mo alam na I'm a fighter. What Gabby wants, Gabby gets.'
'Ulul.' Kath spat at her.
Nagulat na lamang sya sa lumabas sa bibig. Napahagalpak naman si Gabby.
'Nakakaloka ang language mo girl! Where's the prim and proper Kathryn? Saan itinago ni DJ?'
Kath clutched on her bag as she felt it vibrating. Binuksan nya ito at nakitang tumatawag na ang asawa. Hindi nya ito pinansin at muli nyang ibinaling ang tingin sa kausap.
'What do you want me to do Gabby? Ano bang kailangan kong gawin para tigilan mo na kami?' Pain was evident on her voice and she's sure that Gabby felt it. 'How low could you get para lamang makuha ang isang bagay na pagmamay-ari na ng iba? Binigyan ka ba nya ng motibo? Sinabihan ka ba ni DJ na gusto ka nya? Did he opened up a possibility of an affair happening between the two of you? Sabihin mo sa akin Gabby dahil if there is, kahit isa lang dun sa nabanggit, I'll leave him in a heartbeat.'
'You'll do that without giving a fight? Paano kung sabihin kong, oo. Binigyan nya ako ng motibo. Oo, inaya nya akong maging kabit nya. Iiwanan mo na sya agad ng ganun ganun na lamang without asking him? That's just unfair.' Iiling iling na sabi ni Gabby.
'I've fought too long enough, nakakapagod din.' And without a warning, bigla na lamang pumatak ang mga luhang matagal nang gustong kumawala na wari'y nagsasabi na: 'Masakit na. Tama na. Parang awa mo na, tantanan mo na kami.'
And for a split second, Kathryn noticed that the person sitting opposite her understands.
'If this is just your ploy para ituloy ang rivalry na naiwan natin when we were kids, then I concede Gabby. If you want to fight, I don't. I'm waving the white flag now even if the war haven't commenced yet. Pagod na pagod na akong lumaban. Gusto ko lang maging masaya. And DJ, Danilo and this little one inside me make me happy. Please Gabby, just stop.'
Ikinabigla ni Kathryn ang ginawa ni Gabby. Hinagap nito ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa at masuyong pinisil ito.
'At least let's be friends again. Hindi ko na hinahangad na gawin uli namin ni DJ yung movie pero sana, you can let me be a part of your life.' She said.
Matagal bago na-digest at na-process ng utak ni Kath ang bawat katagang sinasabi ni Gabby. Hindi nya akalaing ganun ganun lamang iyon. Marahan ang kanyang iling habang nakangiti. Binawi nya ang kamay, her wedding ring glistening as the ray of sunlight peeking the windows hit it.
'Alam mong hindi ganun kadali yan Gabby. Just let us be. Wag ka nang humingi ng kahit ano. I can forgive kahit hindi ka humihingi ng tawad. Pero I can't forget. Hindi ko na hinihiling na maging masaya ka para sa amin, pero sana man lang, wag mo na kaming guguluhin.' That was the most sincere tone she ever used.
'Tumatawag na ang asawa mo.' Gabby said, her voice that of a wounded puppy. 'Siguro, kailangan mo nang umuwi.'
Tumango si Kathryn bago marahang tumayo. Napahawak na lamang sya sa sulok ng mesa when suddenly, a sharp pain stabbed the inside of her belly, it was as if a hand was squeezing her umbilical cord.
'Baby.' She cooed, trying to soothe the pain. 'Uuwi na tayo.'
'Kath are you ok?'
Hindi maikaila kay Gabby ang sakit na nag-rehistro sa mukha ng dating kaibigan.
'Medyo nagwala lang ng konti si baby. I'm fine.' And she smiled weakly.
Biglang napatayo si Gabby nang muling napahawak sa kabilang mesa naman si Kath.
'You're not.. Oh my God Kath!' Gabby panicked as she saw how blood started to stream down Kathryn's legs.
'No.' Kath winced in pain. 'No baby.' She struggled as she walked away.
'Somebody help!' Tawag ni Gabby habang papalabas mula sa private area ng restaurant.
Sunod sunod namang tumalima ang ilang staff ng restaurant at isang lalaking may medium built ang sinubok na magpakalma sa kanila.
'Oh my God, no.' Iyak ni Kath habang patuloy na umaagos ang dugo sa kanyang binti.
'Putang ina! Tumawag kayo ng ambulansya for fuck's sake!' Mando ni Gabby sa staff na lumapit sa kanila. 'Ambulansya. Ambulansya.' And she panicked some more. 'Kath..' Agad nyang hinawakan ang kamay ni Kathryn at tinulungan itong umupo. 'Shit. Hindi to pwede.' Sabi nya habang nakita kung gaano na ang pamumutla ni Kathryn. 'Buhatin mo sya.' She calm herself and ordered the burly guy who must be the manager of the restaurant.
Hawak hawak nya ang bag ni Kathryn habang patakbong tinatahak ang papunta sa parking area nang naramdaman niyang nagvvibrate ang cellphone ni Kath.
'DJ.' She answered.
'Putang ina! Bakit nasa'yo ang cellphone ni Kath? Nasan ang asawa ko?' Galit na tanong ng kausap sa kabilang linya.
'I'm sorry DJ. I'm...' Pahangos na sabi ni Gabby.
Nasa likod nya ang restaurant manager na buhat buhat pa rin ang namumutlang si Kathryn, her yellow maternity dress soaked in blood.
***********
'Putang ina kang babae ka. Pag may nangyaring masama sa asawa ko, mapapatay kita talaga!' Nanlilisik ang mga matang sabi ni Daniel matapos makita si Gabby sa labas ng Emergency Room ng ospital na nabanggit nitong pinagdalhan kay Kathryn.
Agad na bumakas sa mga mata ni Gabby ang takot. Nakaumang din ang isang kamao ni Daniel sa kanya at konti na lamang ay maaari nang mabasag ang mukha nya.
**********