CHAPTER 9: It Ain't Over Yet

42.4K 480 75
                                    


***********

Bakas ang saya sa mukha ni Mr. M nang makita ang mag-inang Bernardo sa loob ng kanyang opisina. Nandun din ang RM ni Kathryn na si Lulu at ang handler nya na si Dhanilyn.

'I'm glad na tumawag kayo para magpa-schedule ng meeting.' Sabi nito sa mag-ina.

'Uhm, Mr. M, tungkol po ito dun sa...' Panimula ni Min.

'I know.' Tango ng Star Magic pioneer. 'Nakapag-decide ka na ba Kathryn?'

Nakatingin si Kathryn kay Mr. M. Mayroon na syang sagot. At napag-usapan na nila ito ng kanyang ina on their way to ABS.

***********

Walang imik na pumasok si Kathryn sa loob ng bahay habang nakasunod lamang ang tingin sa kanya ng asawa. Napatigil na lamang siya nang maramdaman ang mahinang hila sa kanyang braso. Napalingon siya.

'Mag-usap tayo.'

'Si Danilo?'

Sabay nilang sabi ni DJ sa isa't isa.

'Nasa kwarto ni Mama. Kasama nina Lelay at Magui.'

Tumango si Kathryn habang inalalayan naman siya ni DJ na umupo sa couch.

'Sorry.' Seryosong sabi nito habang hawak hawak ang kamay ng asawa. 'Pasensya na nasigawan kita. Sorry dahil inakala mong bumabalik na naman ako sa dating ako. Yung Daniel na nananakal. Yung Daniel na maraming ipinagbabawal. Pero sana naintindihan mo rin kung bakit.'

'DJ.' Malambing na tawag ni Kathryn. 'I have something to tell you too.'

Napatingin si DJ sa asawa. Hindi niya alam kung bakit pero parang kinabahan siya.

'Nung umalis ako about two weeks ago, nagpunta ako sa ABS. Ipinatawag ako ni Mr. M.' Napatungo si Kathryn. Ayaw nyang makita ang magiging reaction ni DJ. 'Sorry, hindi ako nagpaalam. Sorry kung hindi ko sinabi na dun ako galing.'

Hindi nagsasalita si DJ. Batid ni Kathryn ang tensyon sa dibdib ng asawa.

'So anong sinabi nya sa'yo?' Finally, he was able to utter a word.

'He wanted me to come back to work. May ini-offer sya sa aking project. And parang he wouldn't take no for an answer.'

'Gusto mo ba?'

Natigilan si Kathryn sa narinig.

'Gusto mo na bang bumalik?' Inulit ni DJ ang tanong.

'Yes.' Kath answered with all honesty. 'Kanina, dun din kami galing ni Mama. I've already accepted the project.'

'E in-accept mo naman na pala. So bakit pa natin pinag-uusapan 'to ngayon?' Bakas sa boses ni Daniel ang yamot.

'Nagpapaalam nga ako ng pormal. DJ, hindi kasi magiging madali yung role na tinanggap ko.' At umiwas na naman sya ng tingin sa asawa. Ngunit kita nya kung paano tila binungkos ng kamao nito ang bahaging tuhod ng suot na cargo shorts.

'Ano ba yung role? Rape victim? Sira ulo? Prostitute?' Sunod sunod na tanong ni DJ.

Sunod sunod din naman ang iling ni Kathryn.

'Hiram na Mukha.'

Then it suddenly rang a bell on DJ. Ilang beses na nya itong napanood sa cable dahil paborito iyon ng nanay nya.

'Yung taong unggoy?' He confirmed to which Kath nodded.

'There will be some nightclub scenes. Sasayaw ako ng naka-two piece. Maraming kissing scenes. Makikipaghalikan ako kay Piolo Pascual. Mukhang may bedscenes pa.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon