********
'Hi!' Bati kay DJ ng isang babaeng namumukhaan nya ngunit hindi nya alam ang pangalan. Matangkad ito ng bahagya kay Kathryn at medyo mestiza. Dahil hindi sanay makipagplastikan, ngumiti na lang ito at tumango.
Ngunit huli na ang lahat dahil nailapit na ng babae ang kanyang pisngi kay DJ na ikinabigla ng huli.
'So you've met already!' Anang tinig na paparating.
'Hindi pa nga ho masyado.' Tila gulat pa ring sabi ni DJ habang hinihimas ang pisnging nadapuan ng pisngi ng bagong kakilala.
'I'm Gabby.' Nakangiting iniabot ng babae ang kamay kay DJ. 'Gabby Araneta.'
Tumangong muli si DJ as he reluctantly accepted the hand that was being offered. The handshake turned awkward.
'Daniel.'
'Of course I know you!' She beamed as she anchored an arm around his.
Ikinabigla ni DJ ang biglang pag-flash ng ilang camera sa harap nila. Sa tindi ng konsentrasyon sa pag-iisip kung paano niya iiwasan ang dalaga ay hindi na nya napansing they were hounded by photographers and reporters already. Being the professional that he is, pasimple nyang itinulak ang mga daliri ni Gabby para mabitawan nito ang braso niya. And he gave the reporters that kind of smile he was so familiar with.
'Gabby, anong feeling na nasa bakuran ka ngayon ng ABS?' Tanong ng isang reporter na nakapagbalik sa ulirat ni DJ.
Ah. Gabby Araneta. DJ shook his head as he remembered. Sya ang pinakasikat na actress among her generation sa kabilang istasyon.
'Ano nga bang ginagawa mo dito ngayon?'
'Hindi ko alam if pwede nang sabihin e. Pero may project ako na gagawin here.' She smiled as she answered. 'Masaya ako kasi I get to meet people other than those na nasa network where I'm from and I hope I'll get to have lots of friends here.'
'Are you working together?' Tanong naman ng isa patungkol kay Gabby at DJ.
'Pwede na bang sabihin?' Tanong nito sa kasamang handler na umiling. 'Hindi pa daw pwedeng sabihin pero I think you get the gist already.' And she smiled again.
Napahawak sa kanyang kuwelyo si DJ habang pinakikinggang magsalita si Gabby. Hindi nya alam pero parang he feels a certain kind of uneasiness around her. Something that says 'Run DJ. Run.' And he shook his head again, trying to brush things off.
'Hi DJ.' Bati naman sa kanya ng isang reporter na medyo ka-close nya. Nginitian at tinanguan nya ito as if saying 'Tanungin mo ako about Kathryn and Danilo. Please get this bitch off my back.'
'Kumusta na kayo ni Kathryn?'
Labas lahat ng pang-mais ni DJ sa narinig na tanong.
'Masaya kami.' Ngiting ngiting sagot nya. On his peripheral sight, he saw how Gabby's eyes rolled.
'Lumalaki na ba ang tyan ni Kath?'
'Hindi pa masyado. Seksing sexy pa rin.' DJ said enthusiastically. 'Tsaka magandang maganda. Ang ganda ganda ng asawa ko ngayon.' And he put much emphasis on the words 'Asawa ko.'
'Blooming ba? Ano ba yung pangalawa nyo? Girl or boy?'
'Wala pa. Next week magpapa-4D na sya. So excited kami pareho. Pati si Danilo, super excited din.'
'Kamukhang kamukha mo yon no?'
'Ha?'
'Si Danilo?'
'Oo nga e. Pag nakikita ko sya, parang bumabalik yung pagkabata ko. Sana kung girl naman yung pangalawa namin, kamukha naman sana ni Kathryn para fair.' At bumungisngis sya ng todo.
'Sa tingin mo naman ba, hindi magseselos ang misis mo sa bago mong katambal? Kasi parang after ng loveteam nyo, ngayon ka lang uli nagkaroon ng partner diba?'
Uh- oh.
'Hindi yan.' Iling lang ni DJ. 'Alam mo kasi si Kath, super tagal na nyan sa showbiz. Alam na nya kung pano yung pamamalakad.'
'Sayo Gabby?' The reporter then turned to the girl beside DJ. 'Wala bang dapat ikakaba si Mrs. Ford?'
Natawa muna ang tinanong bago sumagot.
'Syempre wala. I've known Kath since we were young. Magkasama kami noon dun sa isang TV series sa kabila before she transfered here. So really, wala.'
'Is this the first time na nakilala mo in person si DJ?'
'Yes.'
'So, ano sa tingin mo?'
'What do you mean?'
'What do you think of DJ? Do you think, kung sakaling walang Kathryn Bernardo- Ford sa buhay nya, mamahalin mo ang isang Daniel Padilla?'
And it was DJ's turn to roll his eyes.
'Mukha namang hindi sya mahirap mahalin.' Huling sabi ni Gabby before they were whisked away by their handlers to the nearest conference room for their movie's storycon.
***********
'Na-miss kita.' Kathryn whispered on DJ's ear after he kissed her. 'Bakit ngayon ka lang?' She asked, rubbing the sleep from her eyes.
DJ glanced at the wall clock inside their room and found that it was already nearly 12AM.
'Nagkaayaan kasi sila ng dinner after ng storycon e. Sabi ko nga mauuna na ko kaso si Tita Luz, sabi nya mag-stay daw ako kahit sandali lang. E Friday. Solid ang traffic.'
Tumango lamang si Kath at humikab.
'Matulog na tayo.' Ungot ni Kathryn bago hinila pabagsak sa kama ang asawa.
'Wait lang Ba.' He struggled from her grip and sat up.
'Bakit?'
'Mag-usap muna tayo.'
'Tungkol saan? Pwede bang bukas na lang babe, antok na antok na talaga ako. Ang likot likot ni Danilo kanina.'
'Kaya pala bagsak.' And he smiled, looking at Danilo's crib.
'Bukas na lang natin pag- usapan yan babe ha?' And she dragged DJ back to their bed.
'Magpapalit muna ako.' DJ laughingly said as Kath buried her face on his neck.
'Tanggalin mo na lang pantalon mo.' Kath said, wrapping an arm and leg around DJ's torso.
'Yung totoo Kathryn? May balak ka na naman bang pagsamantalahan ako?'
'Wala. Baka ikaw, gusto mo akong pagsamantalahan. Di kita pipigilan.' She slurried through her words.
'Seryoso ba yan Ba?'
Pero wala na syang narinig na tugon mula sa kausap. DJ looked at Kath's sleeping form before he planted a kiss on her forehead.
'I love you DJ.' She murmured which made him smile.
'I love you too.' He told her before he kissed the top of her head. 'Sobrang mahal na mahal kita.' And he kissed her some more.
**********
***AUTHOR'S NOTE***
Not beta'ed.
Thanks for reading!