CHAPTER 30: The Great Pretender

29.1K 443 53
                                    


**********

He opened his eyes to an unfamiliar ceiling which was pure white. Kumurap sya at biglang naramdaman ang oxygen mask which was covering his nose and mouth.

'Gising na sya.'

Isang pamilyar na boses ng babae ang nagsabi noon. Nilingon nya ito at nakitang nakangiti sa kanya ang Mama nya. Hindi naman sa nadismaya sya pero tila nalungkot sya dahil ibang babae ang inaasahan nyang nakaupo sa tabi ng kama nya.

DJ grabbed the mask and lifted it from his face.

'Mabuti gising ka na anak. Grabeng pag-aalala namin sa'yo.' Bakas sa mukha ng ina nya na umiyak ito.

He carefully sat up and Carla assisted him. Iginala nya ang paningin sa paligid at nakitang nakaupo sa couch sa may sulok ng room nya sina Magui, Lelay at JC na natutulog.

'Tinawagan ko si Kath kagabi nung isugod ka namin dito.'

Napatingin sa wall clock si DJ at napagtantong mag-aalas otso na ng umaga. Kung gabi pa sinabihan si Kathryn at di man lang to nag-abalang puntahan sya, marahil nga ay wala na 'tong pakealam sa kanya. Tila bumalik ang paninikip ng dibdib nya.

'Sabi ni Kath, pupunta daw sya dito mamaya after lunch. May emergency meeting lang daw sa prod ng teleserye nya.'

Parang nabuhayan sya ng loob habang tumatango.

'Kako, wag na muna isama si Danilo dito. Baka kasi makapulot ng kung ano anong sakit.'

Nalungkot muli si DJ sa narinig. Kahit ilang oras pa lamang ang nakalipas nang huli nyang makarga ang anak ay tila nangungulila na naman sya dito. Hindi lang kay Danilo, pero lalo na kay Kathryn. Ilang araw na ba ang nagdaan nang huli nyang mahagkan ang asawa? Hindi na nya mabilang.

'Nagugutom ka ba anak? Nagpagawa ako ng arroz caldo dun kay Manang. Iinit ko lang saglit sa microwave ha? Mamaya, papauwiin ko na rin tong mga kapatid mo.'

Tumango lamang si DJ. Hindi sya makasambit ng kahit isang salita lamang. Pakiramdam nya ay pagod na pagod na sya. Pero wala sa bokabularyo nya ang sumuko.

********

Pinapanood lamang ni DJ ang asawa habang tahimik itong nagbabalat ng apple. Kung maaari sana ay iukit na lang nya sa isip nya ang imahe ni Kathryn na ginagawa ang mga gawaing usually ay ginagawa nito noong masaya pa silang nagsasama.

'Akala ko hindi mo na ako pupuntahan.' Pagbasag ni DJ sa nakakabinging katahimikan.

Itinigil ni Kathryn sandali ang ginagawa at tiningnan ang asawa.

'Pwede ba naman yun?'

'Naaawa ka lang ba sa akin kaya mo 'to ginagawa?' Prangkang tanong ni DJ.

'Bakit? Nagpapaawa ka ba?' Matapang ding tanong ni Kathryn. 'Kahit baligtarin natin ang mundo, ikaw pa rin ang ama ni Danilo. Kahit anong galit ang maramdaman ko para sayo, ikaw pa rin ang asawa ko. Obligasyon kong bisitahin ka sa ospital kung may sakit ka. Kahit wala nang pagmamahal para sa'yo na natitira dito.' At itinuro ni Kath ang kanyang kanang dibdib. 'Ikaw pa rin si Daniel Padilla. Ang lalaking minahal ko ng buong puso. Ang pinakasalan ko.'

'Mahal mo pa ba ako, Kathryn? Anong pumipigil sa'yong ibalik natin ang dati?'

'Sobrang mahal DJ. Kaya nga ako lumalayo muna. Binibigyan kita ng oras para mag-isip. Ngayon, pwede ko bang itanong sayo kung mahal mo pa ako DJ? Bakit nagawa mo akong paulit-ulit akong saktan at piliting gawin ang mga bagay na labag sa aking kalooban?'

Hindi maintindihan ni Kathryn kung saang lupalop ng pagkatao nya sya humugot ng lakas ng loob para bitawan ang mga salitang iyon.

'Kung kailangan kong paulit ulit na mag-sorry para lamang patawarin ako, gagawin ko Kath. Patawarin mo na ako.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon