CHAPTER 26: Tatay

28.9K 444 84
                                    


*****

'Ano bang nangyari dyan?' Nag-aalalang tanong ng MUA ni Kath habang sinusubukan nitong takpan ng foundation ang may pasang bahagi ng pisngi nito.

'Nalaglag kasi ako sa kama nung isang araw.' Pagsisinungaling nya.

Balik trabaho na muli si Kath. Hindi pa rin sila nakakapag-usap ni DJ matapos lahat ng nangyari. Kinuwento nya sa magulang ang mga naganap. Ngunit pinili na lang niyang iwan ang ilan pang beses na 'nasaktan' sya ni DJ. Mahal na mahal nya ang asawa at hindi nya kayang maging mas masama pa ang dating nito sa mga mata ng ina at ama.

'Masusubukan ang powers ko dito.' The MUA gushed which made Kath snap back to reality. 'Sabihin mo saken kung masakit ha?'

Tumango lamang si Kath bago muling ibinaling ang tingin sa salamin. She blinked and stared at her reflection.

It was still the very same girl whom she sees everyday.

But at that moment, she can swear that there's something different.

The girl in the mirror is broken.

*********

Hindi na ikinagulat ni Min nang dumating sa set si DJ. Pumasok na sa isip nya iyon. At pinili na lamang niyang magkunwaring walang kung anumang negatibong nangyayari sa buhay ng mag-asawa.

'Mama Min.' Magalang na sabi ni DJ bago bumeso dito.

Walang emosyong inilapit lamang ni Min ang pisngi sa manugang.

'Si Kath po?'

'Nadun sa tent. Mine-makeupan pa.'

'Kumain na po kayo? May dala po akong pagkain sa sasakyan. Si Kath po, kumain na? Si Danilo po?'

'Nasa loob din si Danilo. Natutulog dun sa crib nya dun. Busog pa ko DJ. Salamat.' Tila memoryado na ni Min ang sasabihin dahil walang ka-effort effort ang pagbigkas nya ng mga salitang iyon.

Tumango lamang si DJ at humila ng isang monobloc chair para tabihan ang biyenan.

'Mama Min, pasensya na po.' Tahimik na panimula ni DJ matapos itong tumikhim ng may ilang beses. 'Pasensya na po talaga. Pasensya na po kung nasaktan ko si Kath. Pasensya na po kung nakainom ako. Pasensya na po sa lahat ng nagawa ko. Hirap na hirap na po ako Mama Min e. Miss na miss ko na po ang mag-ina ko.'

'Sana naisip mo lahat ng iyan bago mo pinagbuhatan ng kamay ang anak ko.' Malamig na tugon ni Min. 'Diyos ko DJ. Hindi mo alam kung gaano kami kadismaya sa ginawa mo. Huwag na huwag kang haharap kay Kevin dahil kahit mas matangkad ka dun, uupakan ka nun.'

'Kahit ilan pa hong suntok ang ibigay sakin ni Kuya, tatanggapin ko ho. Kahit ngayon, kung gusto nyo po akong sampalin o sabunutan, ayos lang po sa akin.' At hindi na napigilan ni DJ ang suminghot upang itago ang nanginginig nang boses. 'Gusto ko lang pong makausap si Kath. Gusto ko po syang yakapin. Sya at si Danilo. Miss na miss ko na po sila.'

'Hindi ko alam kung kaya ka nang kausapin ni Kathryn.' Iiling iling na sabi ni Min.

Napatayo mula sa kinauupuan si DJ nang makita ang asawa na papalabas ng tent habang karga si Danilo.

'Ta- ta-' Bakas sa mukha ng bata ang saya nang makita ang amang papalapit na sa kanila.

Nabigla naman si Kath at napahakbang na naman sya papalayo nang ganap nang nakalapit sa kanila si DJ. Natigilan ang ama ni Danilo at napayuko na lamang ito.

'Ta-ta-ta...' Muling sabi ng bata habang inilalapit ang katawan kay DJ.

Wala nang nagawa si Kathryn kundi humakbang papalapit sa asawa.

'Tata!' Yakap ni Danilo sa ama matapos na mabuhat ito ni DJ.

Masuyong niyakap naman ni DJ ang anak.

'Kath, 5 minutes!' Sabi ng isang prod crew kay Kathryn na nakapagpabalik sa ulirat nya.

Tumango si Kathryn.

'Magttrabaho lang ako. Sa'yo muna si Danilo.' Walang emosyong sabi ni Kathryn sa asawa. 'Pero wag mo syang ilalabas. Dito lang kayo.' Dagdag nya.

Tila mas lalo namang nasaktan si Daniel sa tinuran ng asawa.

********

'Sinabing wag nang ilabas e.' Kath huffed as she waited outside her van.

Katatapos lamang ma-pack up ang taping nila at mag-aalauna na ng madaling araw. Hindi napansin ni Kathryn na wala na pala ang mag-ama niya. Kinuha ni Kath ang phone at muling tinawagan si DJ.

'Naka-off! DJ ka talaga!' Halos ibato na ni Kathryn ang telepono.

'Baka naman idinerecho na sa bahay?' Tanong ng kanyang Mama Min.

Kinuha ni Min ang cellphone at idi-nial ang numero ng landline sa bahay.

'Ano daw po?' Tanong ni Kath pagkatapos i-end ni Min ang phonecall.

'Wala daw.'

Napabuntong hininga na lamang si Kath.

'Paano kung inilayo na niya sa akin si Danilo?' She began to panic.

********

'Ipinagpaalam mo ba yan sa asawa mo?' Tanong ni Carla kay DJ na giliw na giliw sa pakikipaglaro kay Danilo.

Umiling lamang ito.

'Sira ulo ka talaga. Papatayin mo ba sa pag-aaalala si Kath?'

'Sunduin nya dito kung gusto nya.'

'E paano nya masusundo dito kung hindi nya alam na nandito? Nag-iisip ka ba?'

Umakyat si Carla sa kanyang kwarto at pagkababa ay dala na niya ang cellphone.

'Kath? Oo. Ano kasi. Nandito ang mag-ama mo ngayon. Hindi. Huwag ka magalit. Ako ang nagsabi kay DJ na nami-miss ko na si Danilo. E masyado yatang naaliw sa paglalaro nakalimutang sabihin sa'yo. Oo. Pasensya na ha? Ipapauwi ko na lang. Susunduin nyo? Hindi. Ipapauwi ko na. Eto. Papaalisin ko na si DJ. Oo. Salamat anak ha? I love you. Bye.'

Pagkatapos ng tawag niya kay Kathryn ay agad na niyang sinabihan si DJ na ibalik na ang anak sa asawa.

'Bakit kasi?' Dabog ni DJ.

Hindi ito nakalampas sa pandinig ni Carla.

'Hoy Danilo! Tandaan mo. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Huwag kang nagrereklamo dyan.'

*******

'ANO BA TALAGANG GUSTO MONG MANGYARI?!?!'

Ikinagulat ng lahat ang sunod na ginawa ni Kathryn matapos nitong sigawan ang asawa. Nakatungo habang minamasahe ni DJ ang kanang pisngi na nadapuan ng palad ni Kathryn.

Walang pasabing umalis na lamang si Min na kasama ang asawa at apo, kasunod ang ilang kasambahay at si Kevin. Akmang susunod na rin si Kathryn ngunit hinila ni DJ ang braso nito at ikinulong sa kanyang mga bisig.

'Sorry na Kath.' Sisinghot singhot na sabi nito. 'Patawarin mo na ako please. Parang awa mo na.'

Halos mabasag ang puso ni Daniel nang marinig ang tugon ni Kathryn.

'Maghiwalay na lang muna tayo DJ. Napapagod na ako.'

At tinanggal ni Kathryn ang mga braso ng asawa na nakapulupot sa kanya bago umalis.

********

***AUTHOR'S NOTE***

#PKK2IHitokiriMoAngFeelingsKo

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon